Sa Gitna Ng Ulan
Sa gitna ng ulan
Nakita ko siya
Nakita kong umiiyak sanhi ng pag-iwan
Dinaluhan ko siya
Sinabayan at pinayungan
Tatayo sana ngunit 'di niya makaya
Siya'y sugatan
Sugatan ang tuhod sanhi ng pagtakbo
Pagtakbo sa sakit na nararamdaman
Tinulungan kong tumayo
Tinulungang umahon
Tinulungang sumaya ulit sa maikling panahon
Ako 'yong laging nando'n
Naging takbuhan
Naging sandalan
Naging kailangan
Hanggang sa ako naman ang may kailangan
Kailangan kong tumayo sa pagkakahulog
Kailangang may sumalo para makaahon
Kaya niya ba?
Magagawa niya ba?
Hindi ko alam
Kaya sinubukan kong lumisan
At pinigil niya
Oo nga pala
Kailangan niya 'ko
Kaya nanatili ako
Mahirap pero nanatili ako
Kaya lang sa tuwing titingin siya
Napapapikit ako
Ayokong mahulog ng malalim sa bitag niya
Sa tuwing nagkakalapit kami
Gusto kong sumandal ngunit napapaurong ako
Parang gusto kong tumakbo palayo
Ang sarap lisanin ng mundo
At kalimutan lahat ng nararamdamang ito
Ang gulo
Nakakalito
Nakakapanibago
Ang hirap itago
Gusto kong magtanong
Gusto kong aminin
Gusto ko..
Gusto ko siya
Pero parang kailangan niya lang ako
Kailangan lang hindi gusto
Kasi sa gitna ng ulan
Isa lamang akong hamak na kaibigan na kaya siyang payungan sa oras ng pangangailangan.
YOU ARE READING
Poetry Compilation (Eng/Fil)
PoetryNarito ang mga samu't saring tula na aking ginawa. Hango sa Ingles at Filipino.