Taguan ng Nararamdaman
Isa, dalawa, tatlo
Nakatago na ako
Nakatago sa matang tinatakasan ko
Mga mata mong pilit nahuhulog ako
Mga ngiti mong pilit kinakalimutan koDaig pa ang nakakita ng multo
'Pag lumalapit ka sa gawi ko
Puso'y tumitigidig na parang kabayo
Puso'y gulo na tila nabihag mo
Kahit alipin mo'y nanaisin koBa't ba tinamaan ako ng ganito?
Parang isang kriminal na nagtatago
Na natatakot mahuli ako
Dahil sadyang mahirap at 'di biro
Sapagka't alam kong di mo 'ko masasaloAlam kong iba ang nais mo
Alam kong 'di ako ang magugustuhan mo
Sapagka't mga mata mo'y iba ang nakikita ko
Nakikita ko ang babaeng nararapat sayo
Na kailanman 'di magiging ako
'Di magiging ako, ang kaibigan kong pinapangarap mo.
YOU ARE READING
Poetry Compilation (Eng/Fil)
PoetryNarito ang mga samu't saring tula na aking ginawa. Hango sa Ingles at Filipino.