Panaghoy ng Isang Tagahanga
Sa bawat pagpadyak mo sa entablado
Mga puso nami'y napapaindak mo
Sa bawat matamis na ngiti mo buhay nami'y napapasaya mo
Sa bawat salita mo naiibsan ang lumbay sa aming puso.Hindi ka man nayayakap o nahahawakan ng tulad ko
Sa bawat kilos mong nakikita ko, napapahanga ako
Hindi ko man naririnig mismo sa harapan ko ang boses mo, tila musika naman ito 'pag naririnig ko sa entablado.Tulad mo'y mapagmahal na tao
Araw-araw kang bumabating masaya sa mga mahal mo
Mga yakap mo sa kanila'y puno ng kalinga at pagsuyo na hahanap-hanapin ng kahit sino.Ngunit kaming mga nag-aabang sayo, nilisan mo
Ang mga kasiyahang binigay mo, napalitan ng pagsamo
Pagsamong muling makita ka't makapiling dito, pero tila sa imahinasyon nalang mangyayari ito.Bakit? Bakit ang aga mong tinahak ang totoong mundo?
Hindi ba puwedeng mahiram ka muna namin dito?
Maaari bang ikaw ang palaging nagpapasaya sa aming puso?
Bakit? Bakit ang pagbati mo, napalitan ng paalam, aking idolo.Sana balang araw masilayan ulit namin ang tulad mo
Sana ikaw parin 'yong taong nakilala ng mga tao
Sana mapasaya mo ulit ang tulad ko
Hanggang sa muli, Franco.
YOU ARE READING
Poetry Compilation (Eng/Fil)
PoetryNarito ang mga samu't saring tula na aking ginawa. Hango sa Ingles at Filipino.