Poetry #11

6 0 0
                                    

Huling Sayaw

Nagsimula ang tugtog
Mga himig ay puno ng pag-ibig
Sabay tayong sumayaw at
sumabay sa daloy ng kanta

Mga puso'y naging isa
Habang magkalapat ang mga kamay
Marahang tumugon sa bawat ritmo
Nakatingin sa isa't isa at puno ng saya
ang mga mata

Dahan dahang nagkalapit
At pinagsaluhan ang init ng yakap sa mga bisig
Ramdam ang gabing malamig
Sa dalawang pusong nagmamahalan

Ngunit pagkatapos ng kanta
Dahan dahang lumayo sa bawat isa
Dahan dahang bumitaw ang mga kamay
Dahan dahang naglakad palayo
nang may ngiti at lungkot sa mga labi

Katulad ng kanta
Matatapos din ang lahat
Matatapos, ngunit ang pakiramdam ay maiiwan
Katulad ng pagmamahal mo, natapos na
habang pagmamahal ko'y mananatili pa rin.

Poetry Compilation (Eng/Fil)Where stories live. Discover now