Poetry #10

7 0 0
                                    

Panaghoy sa Gabing Malamig

Nakaupo sa isang sulok
Sa isang silya'y nagmumukmok
Tumingala sa langit kahit may antok
Hinagpis ang tanging pinaghihimutok.

Kaygandang pagmasdan ng langit
Kahit alaala nito'y masakit
Kaysarap lasapin ang pait
Nang kahapo'y tila nawaglit.

Ngunit unti-unting napapawi ang kislap
Mga bituin nawala sa isang iglap
Pati buwan ay 'di na mahagilap
Makulimlim at liwanag ang nahanap.

Kasabay ng pagkawala ng lahat
Pati nararamdaman ay naging salat
Napagtantong hindi na pala sapat
Ang pag-ibig kong nawalan ng ulirat.

Mula noo'y 'di na muling tumingala
Nakapikit ang mata pati diwa
Kinalimutan ang dating alaala
Buwan at bituin hindi na magiging maganda.

Ngunit dumating ulit ang liwanag
Pati nararamdama'y 'di na maipaliwanag
Sumaya muli ang gabi hanggang magdamag
Dahil sayo puso'y muling lumundag.

Ngunit akala ko lahat ng to'y mananatili
Akala ko maitatama na ang mali
Akala ko sakit ay 'di na sasali
Akala lang pala sa panandaliang sandali.

Heto ngayo't sa isang sulok
Muling iindahin ang pagsubok
Titingala at magmumukmok
Nanaising 'di na magiging marupok.

Poetry Compilation (Eng/Fil)Where stories live. Discover now