Bakit? Masakit..
Bakit?
Bakit no'ng nakilala mo sila masaya ka?
Bakit no'ng minahal mo sila naging totoo ka?
Bakit no'ng nanatili ka sa kanila lumaban ka?
Bakit no'ng sinaktan ka nila umiyak ka?
Bakit no'ng pinapaalis ka nila nanatili ka?
Bakit no'ng nawala sila natakot ka?
Pero..
Bakit no'ng nakilala mo 'ko hindi ka masaya?
Bakit no'ng minahal mo 'ko parang hindi totoo?
Bakit no'ng nanatili ako ang bilis mong sumuko?
Bakit no'ng nasaktan kita parang na-manhid ka?
Bakit no'ng gusto kong umalis hindi mo 'ko pinigilan?
Bakit no'ng nawala ako parang wala lang?
Bakit? Bakit sa tuwing ako ang mamahalin mo,
Pilit mong tinatapos?
Bakit pagmamahal mo saki'y nauubos?
Bakit 'pag ako.. kahit gusto ng puso mo
Ikaw mismo, inaayawan mo.
YOU ARE READING
Poetry Compilation (Eng/Fil)
PoetryNarito ang mga samu't saring tula na aking ginawa. Hango sa Ingles at Filipino.