Poetry #9

9 0 0
                                    

Saranggola

Nakakita ng saranggola
Ngunit sira na
Pinulot ko dahil naniniwala akong maaayos pa
Kailangan lang ng tiyaga
Sinimulan ko na
'Di ako tumigil kahit nahihirapan na
Kasi alam kong may halaga pa
At
Sa wakas buo na ulit siya
At mas pinaganda ko pa
Kaya lang dumating ang may-ari
Nagsusumamong ikaw ay isuli
Hindi niya raw sinasadyang pakawalan ang iyong tali
Inamin niyang sya'y nagkamali
Sapagka't hinayaan ka lang ng ganun kadali
Kaya't sino ba naman ako?
Siya ang unang bumuo sayo
Dumating lang ako para ibalik ang nawalang piraso
Para punan ang pagkukulang niya sayo
At ngayong maayos ka na
Makakabalik ka na
Pinapalaya na kita
At ngayo'y hawak ka na ng kamay niya
Pangakong ako'y magiging masaya.

Poetry Compilation (Eng/Fil)Where stories live. Discover now