Panaghoy sa Silid Aralan
Isa, dalawa, tatlo
Hindi, hindi lang tatlo ang nagbago
Marami, maraming naglaho
Naglaho ang tawanan sa 'king mundo
Napalitan ng pag-iisa't paninibagoApat, lima, anim, pito
Hindi, hindi lang pito ang kasama ko
Tuwing dadaan sa bawat espasyo
Marami kaming kalokohan at biro
Ingay at halakhak ang naririnig ng mga taoWalo, siyam, sampu
Hindi, hindi mabilang sa sampung porsiyento
Ang sakit na tila 'di maglalaho
Tila ba nawawala ako
Nawawala sa mga larawan na dati nando'n akoNasa'n na yong dating ako?
Dating ako na kasama niyo?
Dating ako na 'di nawawala sa tabi niyo?
Dating ako na pinagtatawanan niyo?
Dating ako na kaibigan niyo?Tila ba parang napalitan ako
Napalitan kahit 'di naman ako naglaho
Parang pagkatao ko'y naging multo
Oo, nandito ako pero 'di nakikita ng mga mata niyo
Masyado kasing nakatutok sa ibang tao, sa panibagong taoNais kong lumapit ngunit mga paa'y kusang lumalayo
Nais tumawa kasama niyo
Ngunit naging luha ang mga ito
Nais sabihing "kailangan ko kayo"
Ngunit tila mga puso niyo'y namanhid ng todoIsa hanggang sampu
'Di mabilang ang mga alaala kasama kayo
Isa hanggang sampu
'Di mabilang na kalungkutan ang naranasan ko
Magmula nang ako'y nawala bilang karakter sa storyang sabay nating binuo.
YOU ARE READING
Poetry Compilation (Eng/Fil)
PoetryNarito ang mga samu't saring tula na aking ginawa. Hango sa Ingles at Filipino.