Chapter One

17.3K 144 5
                                    

"Yeah, baby!"

Napalingon si Tappie sa kinaroroonan ng kaniyang kaibigan. Nako po! Tinamaan ng magaling! She just saw Vera dancing at the top of the table. It was not just a dance, but a sexy dance. Susme. "Bumaba ka nga diyan, Vera! Ang halay mo!" sigaw niya dito.

Nagkaayaan na naman ang mga katrabaho niya na mag-inuman. Mabuti na lamang ay Biyernes ngayon at wala silang pasok kinabukasan kaya sumama na siya sa mga ito.

Tappie is already 24 years old, but unfortunately, she doesn't have a boyfriend. Shit, 'yan ang laging nasasabi ng kaliwang bahagi ng utak niya, but on the other side of her head, it was actually in her favor.

"Mahalay agad? 'Di ba pwedeng binubuksan ko lang ang kamalayan nila?" tugon nito.

"Ha?" Hindi niya maintindihan ang gustong ipunto ni Vera.

"Kamalayan nila sa arts 'te! The Art of Dancing..." sagot nito at pagkatapos ay bumalik na ulit sa pagsasayaw.

"The Art of Dancing, or The Art of Chancing?" kaniya namang tugon rito. Nakita niya kasi ang isang lalaki from the other table na papalapit kay Vera habang ang mga kamay nito ay nakataas na para bang gustong hawakan ang legs nito. Buti na lamang ay tumayo ang isa niyang katrabaho na si James kaya mukhang natakot 'yong lalaki.

Si Vera ang pinaka-close ni Tappie sa kaniyang mga katrabaho. She knows her epic love story. Namimiss na tuloy niya ang bestfriend niya na nasa States. It was five years ago nang magpaalam ito upang lumipad papuntang States para asikasuhin ang family business ng mga ito.

Tinignan niya ulit si Vera. "Hoy, bumaba ka na nga diyan! Mamaya mahulog ka pa. Lasing ka na oh!" sigaw niya dito.

"Lashing? Sinong lashing? Ikaw? Uwi ka na, girl," sabi nito at pagkatapos ay bigla itong natumba. Buti na lamang ay nasalo agad ito ng mga katrabaho nilang lalaki. Medyo matino pa naman ang mga iyon dahil nga sanay na sa inuman.

"Hey, guys! Why don't we play a game? Spin the bottle tayo. But this time, hindi truth or dare ang mangyayari. Kung sino man ang matapatan ng bottle, magkukwento siya about his or her first love," suhestiyon ng katrabaho niyang babae.

"Pang-bading naman 'yan!" sigaw ng mga lalaki.

"Suntukan nalang!"

"Gago! Baka babae kami?" sagot naman ng katrabahong niyang babae.

"Sige na kasi!" sigaw ng mga babae.

Pinagtawanan na lamang niya ang mga ito dahil halata kasing may mga tama na.

"Oh sige na nga! Basta ako, kahit anong mangyari, lalaki parin," pahayag naman ng isa.

"Oh sige, bahala ka."

"Ako, bakla? Aba'y gusto mo ng suntukan?"

"Tanga! Sabi ko, bahala ka, hindi bakla ka. Papaikutin ko na 'to." Sinimulan na nitong paikutin ang bote.

Ako'y gigil na gigil, pero pigil na pigil.

Hindi masabi ang laman ng damdamin,

Kasi baka isipin mong

Ang dali-dali kong babae.

Inilabas ni Tappie ang cellphone niya sa kaniyang bag. Tinignan niya kung sino ang tumatawag sa kaniya. Mama calling... Sinagot naman niya ang tawag ng kaniyang ina. "Yes, 'ma?"

Chances (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon