Chapter Eight

5.9K 87 2
                                    

Hindi namalayan ni Tappie na nakatulog pala siya. Nagising lamang siya dahil sa panggigising sa kaniya ni Mark at ibinalita nito sa kaniya na nakarating na sila ng Cebu.

May sasakyang sumundo sa kanila sa airport papunta sa hotel nito. Ang labas pa lang ng hotel ay nagpahanga na sa kaniya dahil sa malapalasyo nitong itsura. At lalo pa siyang namangha nang pumasok na sila sa loob. Mahahalata mo na mayayamang tao lamang ang pwedeng pumasok sa hotel na iyon.

They checked-in sa magkaibang kwarto...of course. Pero magkatabi lang ang room na tinutuluyan nila.

Kinabukasan ay nilibot nila ang hotel. Napakagaling ng pagkakagawa doon mula sa istruktura ng hotel hanggang sa mga kagamitan. Masasabing ginastusan talaga ng malaking halaga ang pagpapagawa niyon.

"May ipapakita ako sa'yo," sabi sa kaniya ni Mark.

"Ano naman iyon?"

Nginitian siya nito. "Basta. Come with me."

Iginiya siya nito patungo sa rooftop ng hotel. Binuksan ni Mark ang isang glass door. Hindi niya maaninag ang nasa loob no'n.

Pumasok sila sa loob at bumungad sa kaniya ang isang napakagandang lugar. Pinalilibutan iyon ng glass walls at ceiling na marahil ay tinted din sa labas katulad ng pinto kanina dahil kitang-kita niya mula sa loob ang itsura sa labas nito. Tumatagos ang liwanag na nagmumula sa labas. Para siyang nasa isang isla na may itinatagong ganda. May swimming pool doon na pa-arko ang hugis na parang bahaghari at may falls pa iyon sa gilid. Marami ring halaman sa paligid no'n na may magagandang bulaklak.

"Maganda ba?"

Nilingon niya si Mark. Nakangiti ito sa kaniya. Tumango siya at tinignan ulit ang paligid. "Napakaganda."

"Kay dad nanggaling lahat ng ideas about sa magiging structure ng hotel. Ipinadagdag ko lang ito. I've seen this in pictures, pero ngayon ko lang ito nakita sa personal. It is indeed beautiful," sabi nito at saka siya muling pinukulan ng tingin. "Do you want to swim?"

Napalingon siyang muli dito. "Ha? Nako, h-hindi na. Wala rin naman akong dalang pampaligo."

"Ayos na 'yang suot mo. Magpapadala na lang ako dito ng towel mamaya at saka nasa baba lang naman ang kwarto mo."

Hindi na siya tumanggi. Kanina pa niya gustong subukan ang pool. Napakaganda kasi nitong tignan at nakakaganang lumangoy. Langoy lang siya nang langoy at tuwang-tuwa din siya sa falls. Sinabayan na din siya ni Mark. Nagpaligsahan pa sila ng pabilisan sa paglangoy. Para silang bumalik sa pagkabata. Naisip ni Tappie na sana nga bumalik na lang sila sa dati. Ngunit napaka-imposible ng gusto niyang mangyari.

Dahil sa mga naiisip niya ay napagpasyahan niyang umahon na mula sa pool. Ngunit pagkahawak pa lamang niya sa handle sa gilid ng pool ay hinawakan na agad ni Mark ang braso niya.

Nilingon niya ito. "Bakit?" tanong niya dito.

"Who are you?"

Napakunot ang noo niya sa tanong nito. "The last time I checked, I'm Tappie Dela Cruz, your secretary. Nabagok ba ang ulo mo kanina nang hindi ko napapansin kaya nakalimutan mo na kung sino ako?"

Mukhang hindi nito pinansin ang sinabi niya. Seryoso pa rin ang mukha nito. "Sino ka ba talaga, Tappie? Every time you are near me, actually, when I came back here in the Philippines, something weird is happening to me."

"And what's that suppose to do with me? Baka pagod ka lang kaya nagha-hallucinate ka na paminsan-minsan."

"No, it's not hallucination. May kutob ako na may kinalaman ka sa nakaraan ko."

Chances (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon