Chapter Two

6.5K 94 1
                                    

Inip na inip na si Tappie sa bahay nila. Sabado kasi ngayon at wala siyang pasok sa eskwelahan. Ang init naman dito! Tumayo siya sa kinauupuan niya at tinungo ang kaniyang ina na naglalaba sa likod ng bahay nila. "Mama, lalabas po muna ako."

"Sige. Wag kang magpagabi ha."

"Opo."

Tinungo ni Tappie ang basketball court. Naabutan niyang paalis na ang mga naglaro kaya libre na niyang matambayan iyon. Pinagmasdan niya ang paligid.

"Hoy!"

"Ay tipaklong!" Sapo niya ang kaniyang dibdib nang lingunin niya kung sino man ang nanggulat sa kaniya. "Bakit mo naman ako ginulat?"

Tumawa ito. "Ang taray mo talaga. Tulala ka kasi diyan e."

"Ano nga palang ginagawa mo dito?"

"The usual. E ikaw?"

"Naiinip ako sa bahay, at saka ang init doon."

"Gusto mo bang maglaro ng basketball?"

"Talaga? Sige, gusto ko 'yan."

"Halika rito." Niyaya siya nito papunta sa tapat ng ring. He starts to dribble the ball. "Agawin mo sa'kin ang bola," sabi nito na ginawa naman niya.

Hinabol niya nang hinabol ang bolang hawak ni Mark. Sa bilis nitong tumakbo at kumilos, hanggang ngayon ay hindi parin niya naaagaw ang bola. Tinatawanan na lamang siya nito.

Nang sa wakas ay mahawakan niya ang bola, akala niya ay maaagaw na niya iyon subalit iba ang kinahinatnan niyon. Napatili siya habang unti-unti siyang bumabagsak sa sahig. Humawak siya sa damit ni Mark upang mapigilan ang kaniyang pagbagsak. Ngunit ang nangyari ay hindi lamang siya ang bumagsak, pati si Mark. Sa ayos nila ngayon, mapagkakamalan silang may ginagawang kababalaghan habang tirik na tirik ang araw. Nasa ibabaw kasi niya ito. Hindi naman siya nabibigatan dito dahil nakatukod naman ang mga kamay nito sa sahig bilang pangsuporta. Mabuti na lamang ay walang taong napapadaan sa kinaroroonan nila. Sa kalagayan nila ngayon, dapat ay tumayo na siya at itinulak na ito. Ngunit hindi niya maiwasang pagmasdan ang mukha nito. Ang ganda ng mga mata niya, parang nangungusap. Napakatangos ng ilong niya, at mayroon siyang magandang labi. Ang pula-pula nito, parang ang sarap halikan. Naputol ang pag-eeksamina niya sa mukha nito nang magsalita ito.

"Ang ganda mo pala."

"Ha?"

"Ang ganda ng mata mo. Ang sarap titigan."

"Ha?" Wala siyang matinong maisagot sa mga sinasabi nito kung hindi puro 'ha?'

"Ang ganda rin ng mga labi mo. Parang ang sarap halikan." Magtatanong pa ulit sana siya ngunit hinalikan na siya nito. Sa sobrang gulat niya ay nanlaki ang kaniyang mga mata. Itinulak niya ito at saka siya tumayo.

"Bakit mo ginawa 'yon?" singhal niya dito.

"I'm sorry, Tappie. I just can't help it. I like you. I don't know when or how, but all I know is I like you. I like you very much the first time I saw you."

"Ha?" Ayan na naman ako eh! Bakit ba puro nalang 'ha?' ang isinasagot ko sa mga sinasabi niya?

"Tappie, I want to court you."

"Ha?"

"Bakit ba puro na lang 'ha?' ang isinasagot mo sa'kin?"

"Ewan! Ewan ko! Naguguluhan ako! Hindi ko alam ang isasagot ko sa'yo!" tumakbo siya palayo dito. Napatigil siya sa tapat ng isang puno nang magsalita ulit ito.

Chances (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon