Chapter Ten

11.7K 219 31
                                    

"Mommy, I want stapegi!"

Natawa siya sa sinabi ng kaniyang anak. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito mabigkas nang tama ang spaghetti. "What else do you want, baby?

"Nothing else, mommy."

Napangiti siya sa anak niya. Everytime na tititigan niya ito, hindi maipagkakaila ang pagkakahawig nito sa ama nito. Napadesisyunan niyang magpunta ng Nueva Ecija para makalayo sa lalaki. Nang malaman niyang ipinagbubuntis niya si Martha Celine ay gustong-gusto na niyang umuwi ng Maynila para sabihin kay Mark ang tungkol dito, ngunit pinigilan niya ang kaniyang sarili. Halos limang taon niyang pinalaking mag-isa ang kaniyang anak. Mag-isa niyang tiniis ang lahat ng sakit.

Nilingon naman niya ang yaya nito. "Ikaw yaya, what do you want?"

"Hamburger na lang po, Ma'am."

Tumango siya dito. Tinalikuran na niya ang mga ito at tinungo niya ang counter para pumila.

"Tappie?"

Nilingon niya ang tumawag sa kaniyang pangalan. Nagulat siya nang makita niya ito.

"J-jen?"

"Oh my God, Tappie! What happened to you? Bakit hindi ka na nagpakita sa amin?"

Hindi niya kaagad nasagot ang tanong nito dahil napansin niya ang tiyan nito. "B-buntis ka na pala. Kamusta na kayo?" Hindi rin nito nasagot ang tanong niya dahil dumating ang lalaking hindi niya inaasahang makikita niyang kasama ng kaniyang kaibigan. "J-james?"

Nagulat ito nang mapansin siya. Niyakap agad siya ni James. "Tappie, anong nangyari at bigla ka na lang nawala na parang bula?"

Umorder muna siya ng pagkain at saka muling kinausap ang mga ito. Napag-alaman niyang hindi natuloy ang kasal ni Jen at Mark. At ang ama ng ipinagbubuntis ni Jen ay si James. Hindi niya lubos maisip na nangyari ang lahat ng bagay na iyon simula nang magpakalayo-layo siya.

Nagulat na lamang siya nang bigla siyang sampalin nang malakas ni Jen. "Para 'yan sa pagsisinungaling mo sa akin!" Hindi pa iyon tapos dahil sinampal na naman siyang muli nito. "Para 'yan sa biglaang pag-alis mo!" At lalo pa nitong nilakasan ang huli nitong sampal. "At para 'yan pag-aalala ko sa'yo!" Niyakap siya nito. "I miss you, Tappie. Why did you do that?"

"I'm sorry, Jen."

Napansin niya ang pamamawis ni Jen nang humiwalay ito nang yakap sa kaniya. Kinalabit nito si James. "M-manganganak na ata ako."

Pinauwi niya muna ang anak niya at ang yaya nito para madala nila sa ospital si Jen. Anim na oras din silang naghintay ni James bago makapanganak ito.

Pumasok siya sa kwarto kung saan inilipat si Jen matapos nitong manganak. Naabutan niya si James na may kausap sa cellphone nito. Napansin naman ng kaniyang kaibigan ang pagpasok niya. Pinalapit siya nito.

"Why don't you tell Mark about your daughter?" tanong nito sa kaniya.

"Natatakot ako sa magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang tungkol kay Celine. Natatakot ako na baka hindi niya matanggap ang anak namin."

"Why are you always like that? Lagi ka na lang natatakot?"

Tinapik ni James si Jen. "He's coming."

"Sinong dadating?" tanong niya sa mga ito.

Ngumiti sa kaniya si Jen. "My friend." Tumango na lamang siya.

Nilaro niya lang ang anak ni Jen at James nang ihatid ito ng nurse sa kanila. Narinig nila ang pagbukas ng pinto ng kwarto kaya lahat sila ay napatingin doon. Iniluwa no'n si Mark. Nagkatitigan silang dalawa. Hindi ito ang araw na inaasahan niyang muli silang magkikita. Nilingon niya sila Jen at James. Nakangiti lamang ang dalawa sa kaniya. Tumakbo siya palabas ng kwartong iyon hanggang sa makalabas siya ng ospital.

Mukhang nakikiramay sa kaniya ang langit. Malakas na bumuhos ang ulan. Inilabas niya ang lahat ng sakit na nararamdaman niya nang makita niyang muli si Mark.

Nagulat siya nang may humablot ng kaniyang braso. Paglingon niya ay bumungad sa kaniya ang mukha ni Mark. Basang-basa na rin ito ng ulan.

"Bitiwan mo 'ko!" Pilit niyang binabawi rito ang kaniyang braso.

"Let's talk."

Sumuko na rin siya. Kanina pa siya napapagod...matagal na pala siyang napagod. "What do you want?"

Huminga ito nang malalim. "Nang umalis ka, na-realize ko na ikaw ang matagal ko nang hinahanap, ang babae sa nakaraan ko. Jen help me realize those things. Ikaw ang babaeng kukumpleto sa pagkatao ko. Why don't you give us another chance?"

"Another chance?" Napaismid siya. "I don't believe in second, third, fourth, fifth or whatever chances na pwedeng itawag do'n. Nasa atin na ang lahat ng pagkakataon noon. Hindi na tayo ang dating Tappie at Mark na walang pakialam sa mundo basta't nagmamahalan. Tapos na ang lahat. Nasaktan na ako."

Mukhang hindi nito inintindi ang mga sinabi niya. He gently cupped her face. "Naniniwala akong hindi pa huli ang lahat. All you have to do is to leave all those moments of sorrow and hatreds in the past. We will live in the present and make our love last forever through our second chance. Limang taon kitang hinanap because I really love you Tappie at gusto kong itama ang lahat."

Tumulo na naman ang luha niya. "Noong iniwan mo ako, naisip ko na sana pinagtuunan ko na lang ng pansin ang panunuod sa paborito kong palabas sa telebisyon kaysa ang makilala ka. Pinangako ko sa sarili ko na hindi na uli ako magmamahal." Ngumiti siya kay Mark. "Hindi naman siguro ako mamatay kung maniniwala akong muli sa sinabi mo, 'di ba?" Natawa ito sa sinabi niya. "Kahit ano atang klaseng paglayo sa'yo ang gawin ko, pagtatagpuin pa rin tayo ng tadhanda." Sa pagkakataong iyon, siya naman ang humawak sa mukha nito. Hinalikan niya ito kagaya ng sinasabi ng kaniyang puso. Hiniwalay na niya ang mga labi niya dito at tinitigan niya ito sa maga mata. "I love you too, Mark."

"I love you more," tugon nito.

"Mommy!"

Napalingon sila sa batang tumatakbo papunta sa kinaroroonan nila. Hinabol naman ito ng yaya niya na may dalang payong.

"Pasensya na ho, Ma'am. Kanina pa po kasi siya umiiyak dahil hinahanap niya kayo. Napilitan po akong dalhin siya dito."

Ngumiti siya dito. "Ayos lang."

"Who is she?" tanong ni Mark.

Napalingon naman siya dito. "She's my...she's our daughter."

Binuhat ni Mark ang anak nila. Nagtaka naman ang anak nila sa lalaking bumuhat dito.

"Mommy, sino siya?"

"He's your daddy, baby."

Tinitigan lang ito ng anak niya. Kapagkuwa'y ngumiti ito at niyakap si Mark. "Daddy..."

Gumanti na rin ng yakap si Mark. Nakita niya ang mga luhang unti-unting naglalandas sa mukha nito. Napangiti siya. Pinunasan niya ang mga luha iyon.

Napatingin naman sa kaniya ang lalaki. Ngumiti ito at hinawakan ang kamay niya. "Malaki na pala ang anak natin. Pwede na nating sundan."

Nahampas niya ito sa braso. "Pakasalan mo muna ako."

Hinalikan siya nito sa noo. "I will."

***WAKAS***

Chances (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon