"Masakit para sa akin ang ginawa niya. Pinagkatiwalaan ko siya. Alam niya ang kwento ko, pero ginawa niya parin. Hindi na siya muling nagpakita sa akin. Maski sulat o tawag man lang ay wala akong natanggap mula sa kaniya. Kaya simula noon, hindi na ako nagmahal pang muli. Katulad lang siya ng papa ko na hindi tumupad sa pangako!" Galit na galit niyang inilalabas ang kaniyang sama ng loob.
"Pwede mo naman sigurong kalimutan na ang lahat. Hayaan mo ang sarili mo na mahalin at magmahal. Nandito ako, Tappie. Alam mo namang matagal na akong may gusto sa'yo pero hindi mo ako binibigyan ng chance na iparamdam iyon sa'yo."
"Salamat sa pagmamahal, James. Pero hindi ko pa talaga kaya ang magmahal muli sa ngayon. Mahal naman ako ng mama ko, sigurado ako roon, at masaya na ako doon." Nginitian niya ito. "Ibaba mo na lang si Vera diyan sa higaan niya. Salamat sa tulong mo. Pwede ka nang umuwi. Magpahinga ka na rin. Good night."
"E ikaw, paano ka?"
"Malapit na lang ang bahay ko. 'Wag ka nang mag-alala. Kaya ko naman umuwi mag-isa."
"Sige, mag-ingat ka pauwi. Good night din."
Nagising si Tappie dahil sa sakit ng ulo na nakuha niya nang mag-inuman sila kagabi. Naabutan niyang nagluluto ng almusal ang kaniyang ina. Tinungo niya ang refrigerator para kumuha ng tubig na maiinom.
"Anak, may kumakatok ata. Pakibuksan naman ng pinto at ako'y nagluluto pa rito."
"Sige po," sagot niya dito at saka niya tinungo ang pintuan para tignan kung sino ang kumakatok. Binuksan niya ang pinto at nakita niya ang isang napakagandang babae.
"Surprise! Miss me?"
"J-jen?"
"Sino pa nga ba? Baka gusto mo akong papasukin."
"Oh, sorry. Nagulat kasi ako sa pagdating mo. Halika, pasok ka," yaya niya dito. Umupo sila nang magkatabi sa sofa. "Kamusta ka na, Jen? Ang ganda-ganda mo na."
"Bakit, hindi ba ako maganda dati?" Tumawa ito. "Ikaw talaga. Heto ayos naman. Ako na ang namamahala ng family business namin. Nag-retire na kasi sila mommy at daddy. Nakaka-stress nga e."
"Bakit nga pala biglaan ang pag-uwi mo ng Pilipinas? Hindi ka man lang nagpasabi. Kung hindi ka nga lang nagsalita kanina baka hindi kita nakilala. Ibang-iba na ang itsura mo."
"Actually, I have no plans of getting back here in the Philippines, for now. But then, my fiancée have something to do here. Siya na kasi ang magmamanage ng business nila. That's why I decided na sumama nalang sa kaniya. After all, makakatakas ako sa stress kahit sandali lang and it's my chance to come back here."
"Wait, fiancée? Ikakasal ka na?"
"Yes, and I'm very excited!" Kitang-kita sa mga mata nito ang kasiyahan. "I'm planning nga na since nandito na rin kami, dito na kami magpakasal." Nag-isip pa ito bago muling magsalita. "Yes! Gano'n nalang siguro ang gagawin namin para at least makapunta ka sa kasal namin. Sasabihin ko na lang agad sa fiancée ko. Sigurado namang papayag 'yon sa gusto ko. I want you to be my maid of honor. You're my bestfriend at hindi ako makapapayag na hindi ka makapunta sa kasal ko. I really miss you, Tappie." Niyakap siya nito.
"I miss you, too. Hindi rin naman ako makakapayag na hindi masaksihan ang kasal mo." Humiwalay siya sa pagkakayakap dito. "So, when will it happen?"
"Siguro two months from now. May mga naasikaso na rin naman kasi kami sa States kaya ipapadala na lang siguro namin 'yong mga gown, or anything na pwedeng ipadala dito, then 'yong iba ay dito na namin aasikasuhin. And since nandito ka naman, can you help me prepare our wedding?"
Nagbigay naman siya ng isang malapad na ngiti dito. "Of course!"
"Yey!" Niyakap ulit siya nito. "Kapag hindi na masyadong busy ang fiancee ko, bibisitahin ka ulit namin para naman makilala mo siya."
"That's a good idea!"
Dahil sa matagal na silang hindi nagkikita, inabot na ng gabi ang kaniyang kaibigan sa tahanan nila dahil sa dami ng kanilang pinagkwentuhan.
"I think kailangan ko nang umuwi. Next time nalang ulit tayo magkwentuhan. Marami pa kasi akong aasikasuhin bukas."
"Oh, okay. Ihahatid na kita sa labas." Tumayo na silang dalawa para ihatid si Jen sa labas. Dumiretso si Jen sa kotse nito. Bago ito umalis, binuksan nito ang bintana ng sasakyan at saka kumaway kay Tappie. Pinagmasdan niya ang unti-unting paglayo nito. Napangiti na lamang siya.
Nagmamadaling naglakad si Tappie papasok ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Bago siya pumasok ay tinitigan niya muna ang labas ng napakataas na building na iyon. Nakaugalian niyang basahin ang nakasulat sa labas nito. Haultels Group of Companies. Napangiti siya, and at the same time nalulungkot siya. Tuwing nababasa niya iyan, naaalala niya si Mark. Hindi niya alam kung nagkataon lang ba na ganiyan ang pangalan ng kumpanyang pinapasukan niya o talagang maswerte lang siya dahil nagtatrabaho siya bilang isa sa mga sekretarya ng may-ari ng kumpanya. Dalawa kasi ang sekretarya ng kaniyang boss, ang isa ay isinasama nito sa mga lakad nito lalo na sa pagpunta sa mga hotels na pag-aari nito, at siya naman ay ang secretary nito sa opisina. Dahil madalas na wala ang boss niya sa opisina, siya ang laging nakakausap ng mga pumupunta o may appointment dito at kaniya na lamang itatawag iyon sa boss niya. Boss Alvin ang tawag nila sa may-ari ng kumpanya. Isa ito sa mga rules ng kumpanya, ang tawagin lamang na Boss Alvin ang may-ari. Sabi nila ay dahil sa confidentiality raw. Hindi na siya nagtanong pa tungkol dito. Ang mahalaga sa kaniya ay may trabaho siya at ginagawa niya nang maayos ang kaniyang trabaho. Minsan nga ay naiisip niya na ito ay pag-aari ng pamilya nila Mark, ngunit napakaimposible niyon. E sana'y matagal nang nagkasalubong ang landas nila. Sa tatlong taon niyang pamamalagi sa kumpanyang iyon, maski anino ni Mark ay hindi niya nakita.
Pumasok na siya sa loob at diretsong nagtungo sa kaniyang table malapit sa opisina ng boss niya. Nagtataka siya dahil kanina pa nagkukumpulan ang mga katrabaho niya. Puro kumusyon ang naririnig niya kaya lumapit na siya sa mga ito. "Anong nangyayari dito?" tanong niya. Napalingon naman ang mga ito sa kaniya.
Nilapitan siya ni Vera. "Bago na raw ang boss natin, girl."
"Ha? Ang bilis naman ata. Sino daw?" mabilis niyang tanong dito.
"Anak daw ni Boss Alvin e," sagot nito. Nakaramdam siya ng takot dahil sa posibilidad na mawalan siya ng trabaho kung may papalit na sa kaniyang boss.
"Paano na 'yan? Mawawalan na ba ako ng trabaho?"
"Hindi naman siguro, girl," sagot nito sa kaniya at saka siya nginitian. Nakita niyang dumating ang kaniyang boss kaya agad niya itong nilapitan.
"Boss Alvin!" tawag niya dito.
Napatingin ito sa gawi niya. "Yes, Ms. Dela Cruz?"
"May bago na daw po kaming boss?"
"Oh, yes. Ang anak ko na ang mamamahala ng mga business ko. I'm retiring." Ngumiti ito sa kaniya.
"But Boss Alvin, paano na po ako? Mawawalan na po ba ako ng trabaho?"
"No, iha. Hindi ka mawawalan ng trabaho. Ako lang ang mapapalitan at hindi kayo. You don't have to worry." Nabuhayan siya ng loob dahil sa sinabi nito. "This will be my last day in the company. Simula bukas ay ang anak ko na ang mamamahala sa kumpanya. Ikaw na ang bahala sa kaniya, Ms. Dela Cruz." Ngitian siyang muli nito at saka diretsong pumasok sa opisina nito.
BINABASA MO ANG
Chances (Published under PHR)
Romance"Leave all those moments of sorrows and hatreds in the past. We will live in the present and make our love last forever." Totoong masaya si Tappie para sa best friend niyang si Jen nang umuwi ito sa Pilipinas mula Amerika para ibalita na ikakasal na...