Chapter Four

6.6K 97 6
                                    

"Hindi ka pa ba sasabay sa amin, Tappie?" tanong sa kaniya ni Vera na nag-aayos na ng mga gamit nito.

"Sasabay na ako. Papatayin ko na lang itong computer," tugon niya dito. Pinatay na lamang niya ang computer na ginagamit niya at inayos ang kaniyang gamit para makauwi na. She's been exhausted in today's work dahil nga last day na ng boss niya sa kumpanya. Marami itong iniuutos sa kaniya so that when he finally take over the company to his son, walang tambak na trabaho itong maiiwan.

"Let's go na?" tanong sa kaniya ni Vera.

"Sige."

Nakatayo sila sa labas ng kumpanya upang maghintay ng masasakyan nang ayain siya ni Vera na magshopping.

"Hindi na muna. Napagod talaga ako ngayon kaya magpapahinga muna ako sa bahay."

"Oh, okay. Sige dito na ako sasakay papuntang mall. Bye, Tappie," paalam nito sa kaniya nang may dumating na taxi.

"Sige, mag-ingat ka." Kumaway pa siya dito bago umalis ang sinasakyan nitong taxi.

Inabot din siya ng sampung minuto bago dumating ang taxi na pwede niyang sakyan pauwi. Oras kasi ng uwian ngayon kaya mahirap humanap ng masasakyan. Isang oras din ang inabot bago makauwi si Tappie sa bahay nila. Halos manghina siya sa sobrang pagod. Nakayuko niyang tinungo ang pintuan ng bahay nila. Pinihit niya ang seradura, at laking gulat niya nang iangat niya ang kaniyang paningin sa dalawang tao na nasa loob ng kanilang tahanan.

"Jen?" Tinignan niya ang kaniyang kaibigan, at mas lalo siyang nagulat sa kasama nito. "Mar..." Babanggitin niya pa lamang ang pangalan nito nang magsalita ang kaniyang kaibigan.

"Para ka namang nakakita ng multo, Tappie." Natatawa pa ito sa kaniya. "Since nandito ka na, I want you to meet my fiancée, Celdon," pakilala nito sa lalaki.

"C-celdon?" pagtataka niya dahil ang alam niya ay Mark ang laging pakilala nito sa lahat.

"Yes, Mark Celdon Hault. Nice to meet you," pagsang-ayon ng lalaki at ngumiti sa kaniya. Para bang hindi siya nito kilala. Ang kapal naman ng mukha nito! Inilahad pa nito ang kamay nito sa kaniya. Tinanggap naman niya ito kahit na nag-aalinlangan siya para hindi magtaka ang kaibigan niya sa ikinikilos niya.

"He have a nice name, 'no?" tanong pa ng kaniyang kaibigan. "And I will be the future Mrs. Jennifer Hault," kinikilig pa nitong sabi. Ngumiti naman ang lalaki dito.

Hindi alam ni Tappie kung ano'ng magiging reaksyon niya sa natuklasan niya ngayon. Napakasakit ng nararamdaman niya ngayon, mabigat sa dibdib. Dapat ay masaya siya para sa kaibigan niya. Ngunit hindi niya maiwasang malungkot at magalit. Sa lahat ba naman ng pwedeng mapangasawa ng kaibigan niya ay bakit ang lalaki pa na minahal niya at iniwan siya. Gustong sumabog ng puso niya. Hindi niya maatim na tignan ang dalawa na malambing sa isa't isa. Kita sa mata ng mga ito ang kasiyahan na siya namang ipinagdamot sa kaniya ng lalaking nasa harapan niya. Gusto niyang sigawan ang lalaki. Gusto niyang ilabas ang lahat ng sama ng loob niya dahil sa pang-iiwan nito sa kaniya. Gustong-gusto niya itong sumbatan. Nagawa pa nitong pumunta sa tahanan nila na para bang hindi sila magkakilala, na para bang wala silang nakaraan. Gusto niyang umiyak, ngunit pinigilan niya ang kaniyang sarili dahil nasa harapan niya ang kaniyang kaibigan. Ang alam lang ng kaibigan niya ay ang kwento nila ni Mark, ngunit ni minsan ay hindi pa nito nakikilala ang lalaki. Kapag kinukwento niya ang lalaki sa kaibigan niya ay hindi niya binabanggit ang pangalan nito dahil nasasaktan siya kapag naririnig niya iyon. Kaya walang kasalanan dito ang kaibigan niya. Para sa kaniya ay kasalanan itong lahat ni Mark. Gusto niyang ilayo ang kaibigan niya mula rito, ngunit nakikita niya na napakasaya nito. Hindi niya kayang malungkot ang kaniyang kaibigan. "P-pwede bang magbihis muna ako? Babalikan ko nalang kayo," paalam niya sa mga ito.

Chances (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon