Chapter Seven

5.4K 88 2
                                    

Hindi malaman ni Tappie kung anong nangyayari kay Mark. Lagi na lang mainit ang ulo nito sa lahat, lalo na sa kaniya. Hindi naman ganito ang pakikitungo nito sa mga empleyado nito dati. Wala siyang maisip na iba pang dahilan kung bakit ito nagagalit lagi sa kaniya. Dahil ba inupuan nila ni James ang bumper ng sasakyan nito? Masyadong mababaw na dahilan iyon.

Tinungo niya ang opisina nito. She have decided. Nakita niya itong nakatagilid sa lamesa nito at nakatingin sa glass window ng opisina nito. Mukhang malalim ang iniisip nito.

"Sir..."

Nilingon siya nito. Wala siyang emosyong nababakas sa mukha nito.

"What do you need?"

Huminga muna siya nang malalim bago niya ito sagutin. "Sasama na po ako sa inyo sa Cebu. Alam kong trabaho ko iyon at hindi ko pwedeng tanggihan."

"Buti naisip mo iyan. We'll be leaving at exactly 9 am on Monday next week. I will pick you up at your house. If you don't need anything else, you can now leave my office."

Nasasaktan siya sa ipinapakita nito sa kaniya. Pakiramdam niya ay wala siyang kwenta sa paningin nito. Wala siyang magawa sa bagay na iyon. Nilisan niya na lang ang opisina nito.

Maagang nakarating ng bahay nila Tappie si Mark. 8:30 pa lang iyon ng umaga. Nagulat siya nang maabutan niya ito sa kanilang sala.

"Ang aga mo ata," aniya nang harapin niya ito.

"I don't want to be late on our flight."

"Ah gano'n ba? Sige, kukunin ko lang 'yong mga gamit ko at magbibihis na rin para makaalis na tayo."

"Sige."

Tinalikuran na niya ito at kaniya nang tinungo ang kaniyang kwarto. Nagbihis kaagad siya ng damit na susuotin niya papunta sa Cebu dahil nakaligo na rin naman siya bago pa dumating si Mark kanina. Mabuti na lamang ay matagal nang tapos ang kaniyang period dahil tatlong araw lang ang inaabot niyon kaya hindi na siya mahihirapan sa sakit ng puson na kaniyang mararamdaman habang nasa Cebu siya. Binitbit na niya ang medyo may kalakihang bag na dadalhin niya. Bumaba siya sa sala ngunit hindi niya nakita si Mark doon. Naisip niya na marahil ay iniwan na siya nito dahil nainip na ito sa paghihintay sa kaniya. Naiwan na naman ba ako?

Lumabas siya ng bahay nila. Nakita niya ang sasakyan ni Mark. Ibig sabihin ay hindi pa ito nakakaalis. Saan naman kaya nagpunta ang isang iyon?

Naglakad-lakad na siya sa pagbabaka-sakaling nasa paligid lamang ito at nagpapahangin. Napadpad siya sa basketball court. Nakita niya si Mark sa ilalim ng puno at parang malalim ang iniisip. Nilapitan niya ito.

"Ano'ng ginagawa mo dito?"

Nilingon siya nito pero saglit lang iyon at ipinukol na nito ang tingin sa basketball ring. "You know what? This place looks familiar," sabi nito.

Bigla siyang kinabahan sa sinabi nito. Alam na kaya nito ang totoo? "A-ano ka ba! Madami namang lugar na mayroong ganitong basketball court," aniya.

"Siguro nga," tugon naman nito at saka siya hinarap. "Let's go," iyon lang at nauna na itong lumakad sa kaniya.

Masyadong malalim ang iniisip ni Tappie para malaman niya kung nasaan na ba sila. Naisip niya ang mga posibilidad na pwedeng mangyari kapag naalala na ni Mark ang lahat sa kanila. Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Magagalit kaya siya? Magiging masaya kaya ito? Babalik na kaya siya sa akin? Napabuntong-hininga siya.

"Are you okay?"

Napalingon siya kay Mark. Masyado na palang lumilipad ang isip niya at hindi na niya naalalang kasama niya nga pala ito sa sasakyan. Ngumiti lang siya dito. "A-ayos lang ako."

"We're here," sabi nito. Tumingin siya sa paligid. Nasa airport na nga sila. "We're stucked in traffic a while ago, buti nakaabot tayo."

Na-traffic kami kanina? Bakit hindi ko namalayan? Napaisip siya sa nangyari kanina. Haay...

Hindi pa umaandar ang sinasakyan nila ngunit kinakabahan na si Tappie. Ito pa lang ang unang beses na sasakay siya ng eroplano. Pakiramdam niya ay umiikot ang kaniyang sikmura. Hindi siya mapakali sa kaniyang inuupuan.

Kinalabit niya si Mark. "May banyo ba dito?"

Lumingon ito sa kaniya. "Sa likod meron. Are you okay? You look pale," puna nito sa kaniya.

Tumayo siya. "I'm okay. N-nasusuka lang ako. Kailangan ko lang magbanyo."

"You want me to accompany you?"

"N-no! No need. Ako na lang mag-isa. Diyan ka na lang," iyon lang at tumakbo na siya papunta sa banyo ng eroplanong iyon.

Sumuka siya nang sumuka. Nailabas na ata niya lahat ng kinain niya sa almusal kanina. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili niya. Nanghihina siya dahil sa pagsusuka niya. Ito ang mahirap kapag kinakabahan siya.

Nagmumog at naghilamos na siya ng kaniyang mukha. Lumabas na siya ng banyo. Nagulat siya nang maabutan niya si Mark na nakatayo doon.

"Anong ginagawa mo dito? Di ba sinabi ko sa'yo na doon ka na lang muna sa upuan mo?"

"What happened? Bakit ka nagsusuka?" tanong nito. Hindi siya sumagot pero napansin niya ang unti-unting paglaki ng mata nito. "Are you..."

"No." Hindi na niya ito pinatapos sa pagsasalita. Alam na niya kung ano ang tumatakbo sa isip nito. "I vomit whenever I feel nervous."

Nauna nang bumalik si Tappie sa kanilang upuan. Hindi nagtagal ay sumunod na rin naman sa kaniya si Mark. Tahimik lang silang dalawa hanggang sa unti-unti nang umandar ang eroplano. Napahawak siya sa dalawang handle sa gilid niya. Parang bumabalik na naman ang kaniyang takot.

Nagulat siya nang biglang may humawak sa kamay niya. Si Mark ang nagmamay-ari ng kamay na iyon. Tinitigan niya ito. Ngumiti ito sa kaniya.

"Hold my hand para hindi ka na kabahan."

Hindi niya sinunod ang sinabi nito. Bagkus ay bumitaw siya sa hawak nito. Ipinulupot niya ang kaniyang mga braso sa braso ni Mark. Mas komportable siya do'n. Ikinatuwa niya ang hindi pagtutol ng lalaki sa ginawa niya. Pakiramdam ni Tappie ay gumaan ang kaniyang pakiramdam sa tabi nito...sa piling ni Mark.

Chances (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon