Chapter Nine

6.3K 109 12
                                    

Tinitigan niya ang kaniyang ina mula sa kabaong nito. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matanggap kung bakit iniwan na lang siya bigla ng kaniyang ina. Sabi ng doktor na sumuri dito ay heart attack ang kumitil sa buhay nito. Mabuti na lamang daw ay may kapitbahay sila na nakakita dito na nakahandusay sa tapat ng bahay nila. Kaya pala marami siyang missed calls na natanggap.

"Tappie!"

Nilingon niya ang tumawag sa kaniyang pangalan. Bumungad sa kaniya si Jen na tumatakbo papalapit sa kaniya. Niyakap kaagad siya nito.

"Umuwi kaagad ako nang malaman ko ang nangyari." Bumitaw na ito sa pagkakayakap sa kaniya. Hinawakan naman nito ang mga kamay niya. "I know this is hard for you, but always remember that I will always be here for you. Tayong dalawa ang magdadamayan. Hindi kita iiwan," anito.

"Thank you, Jen. Alam ko namang lagi kang nandyan para sa akin. Kahit na matagal kang nanalagi sa Amerika ay hindi mo pa rin nakakalimutang kamustahin ako paminsan-minsan. Napakabuti mong kaibigan, kahit na minsan ay maharot ka."

Natawa ang kaniyang kaibigan sa sinabi niya. Pero hindi maalis sa isipan niya na dapat ata ay sa sarili niya sinabi ang mga katagang iyon.

Alas diyes ng gabi ay umuwi na ang kaniyang kaibigan. Babalik na lamang daw ito kinabukasan. Nang makaalis ang kaniyang kaibigan ay sinundan naman iyon ng pagdating ni Mark. Nagtaka siya nang sabihin nito na gusto siya nitong kausapin. Seryoso ang mukha nito kaya pumayag na siya.

"Tungkol saan ang pag-uusapan natin?" tanong niya dito.

Nakatingin lamang ito sa langit. "Why is that when you're around, I felt like I shouldn't leave you? Iyong tipong ayaw ko nang malayo sa'yo?" Sa pagkakataong iyon, nakatingin na si Mark sa kaniya. Hindi siya makasagot sa tanong nito. Hindi niya alam kung papaano niya sasagutin iyon. Nagkibit-balikat na lang ito. "You don't seem to understand what I'm trying to tell you. Alam mo bang gusto ko nang umatras sa kasal?"

Nagulat siya sa sinabi nito. "A-ano? Bakit? Hindi mo pwedeng gawin iyan!"

Tumingin ulit ito sa langit. "Hindi na ako sigurado sa pagpapakasal kay Jen. I thought magiging masaya ako kapag nagpakasal ako sa kaniya, pero nagbago iyon nang magbalik ako dito sa Pilipinas. Pakiramdam ko ay may naiwanan ako dito na kailangan kong balikan."

Napatayo siya sa kaniyang inuupuan. Matinding galit ang umusbong sa puso niya para dito dahil masasaktan nito ang kaniyang kaibigan sa gusto nitong mangyari at sa sarili niya na rin na hinayaan niyang mangyari ang lahat ng ito. "Hindi ito maaaring mangyari, Mark! Kung ano man ang nangyari sa atin, tapos na iyon at hindi na pwedeng maulit iyon. Hindi mo maaaring saktan si Jen dahil lang sa punyetang nakaraan na bumabagabag sa'yo! Kailangan mong pakasalan si Jen, or else hinding-hindi kita mapapatawad."

Tinalikuran na niya ito at bumalik na siya sa burol ng kaniyang ina. Siguro ito na nga ang purpose ng pagkawala ng kaniyang ina...ang gawin ang tama. So, she made a decision.

Maagang nagising si Tappie para magbantay sa burol ng kaniyang ina. Nagprisinta kagabi si James na magbantay para makapagpahinga siya.

Inaasikaso niya ang mga dumadalaw sa burol ng kaniyang ina nang mapansin niya ang isang ginang na papasok sa kanilang gate. Hula niya ay mayaman ito base na rin sa magarbo nitong suot. Mukhang naligaw lang ito sa kanila kaya nilapitan niya kaagad ito.

"Excuse me ho, may kailangan ho ba kayo dito?" tanong niya sa ginang.

Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa. Tila nanliit siya sa titig nito sa kaniya. "Are you Ms. Tappie Dela Cruz?"

Chances (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon