Chapter Six

6.1K 89 1
                                    

Nahihirapan si Tappie sa kalagayan nila ni Mark ngayon. Napagdesisyunan niyang ituring na lamang ito bilang boss niya at bilang magiging asawa ng kaniyang kaibigan. But it's harder than she thought it would be. Patuloy pa rin si Mark sa pagbubukas ng usapin tungkol sa nangyari sa kanila, pero lagi niyang iniignora ang mga sinasabi nito.

Alam niyang malaking pagkakamali ang nagawa niya sa kaibigan niya. And the least she can do is to ignore all the noises inside her head and go with the way things should be. At ito ay ang matuloy ang kasal ng dalawa.

Narinig ni Tappie ang pagtunog ng kaniyang cellphone. Nasa banyo siya ngayon. Hindi siya makatulog dahil naalala niya ang sinabi ni Mark. Paano nga ba kapag nagbunga ang kapusukan nilang dalawa? Nakahinga naman siya nang maluwag nang malaman niya na dinatnan na pala siya ngayong gabi lang. Lumabas na siya ng banyo at tinignan niya ang orasan. Alas onse na ng gabi. Sino naman kaya ang tatawag sa kaniya nang ganitong oras? Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa higaan. 'Di na niya pinag-abalahang basahin pa kung sino ang tumatawag.

"Hello?"

"Hi, Tappie. Si Jen 'to. Sorry to bother you," sagot ng nasa kabilang linya.

"Ikaw pala, Jen. Ayos lang. May kailangan ka ba?" tanong niya dito.

"Ipinadala ko na ang wedding gown ko sa bahay nila Celdon. Since hindi ko pwedeng sukatin iyon, alam mo naman ang pamahiin ng mga matatanda, I decided na ikaw na lang ang magsukat. Tutal halos magkaparehas naman tayo ng sukat ng katawan. Can you do it for me?"

"Sure!" tugon niya dito.

"Thank you, Tappie! Nasa bahay na ni Celdon ang gown."

Napatigil siya. Nawala sa isip niya ang sinabi nito kanina na sa bahay nga pala ni Mark nito ipinadala ang wedding gown. Nakalimutan niyang Celdon nga pala ang tawag nito sa lalaki. Wala na naman siyang magagawa kung hindi ang makita si Mark. "S-sige. Pupunta na lang ako sa bahay niya bukas ng umaga. Tutal sabado naman bukas at wala akong pasok sa opisina."

"Thank you talaga, Tappie. Maaasahan talaga kita. Sige, goodnight. Bye," paalam nito. Hindi na siya nakasagot dito because her friend ended the call right away. Napailing na lang siya. Marahil ay busy ito sa Amerika.

Maagang nagising si Tappie para pumunta sa bahay ni Mark. Hindi na siya nag-abalang mag-ayos pa dahil sandali lamang siya mananatili sa bahay nito para sukatin ang wedding gown ng kaibigan at pagkatapos niyonn ay uuwi na siya kaagad. Nagsuot lamang siya ng itim na shorts at tinernuhan niya ito ng puting sando at flat shoes para madali lang niya maisusukat ang gown at hindi na niya kakailanganin pang maghubad ng kaniyang suot. The last time na naghubad siya sa bahay ni Mark ay iba ang kinahinatnan niyon. Napapiksi siya nang maalala niya iyon.

Kinuha na niya ang kaniyang bag at tuluyan nang tinungo ang palabas ng bahay nila matapos niyang makapagpaalam sa kaniyang ina. Tinungo niya ang istasyon ng mga taxi sa lugar nila. Sumakay siya sa isa sa mga iyon at sinabi sa driver ang address ng tirahan ni Mark.

Narating niya ang bahay nito makalipas lamang ang tatlumpung minuto. Mabuti na lamang ay wala siyang naabutan na traffic kaya mabilis siyang nakarating sa bahay nito.

Nasa labas pa siya ng gate ng bahay ni Mark. Pinagmasdan niya ang labas ng bahay nito. Hindi niya napansin ang mga halaman sa paligid niyon noong una siyang magpunta roon. Nahagip ng mga mata niya ang isang lalaki na nakaputing sando at boxer shorts lang. Nakatalikod ito sa kaniya. Marahil ay hardinero ito sa bahay ni Mark dahil nagtatabas ito ng mga halaman. Napansin niya na napakaganda naman ata ng katawan nito para maging hardinero lang. Matangkad pa ang lalaki at mukhang mabango kahit na pinagpapawisan ito. Ang astig naman nitong hardinero na 'to. Siguro maraming dumadaan dito para lang masilayan ang katawan niya, aniya sa kaniyang isip.

Chances (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon