|This is just a product of my imagination.
@cathcakee / @caramelbars_ on twitter|Sa huling salita na binitawan ng binata ay hindi nagawang makasagot ni Sharlene. Punong-puno ang utak niya ng mga tanong at kung ano-anong bagay. Kung paano at bakit humantong sa ganito na aamin sa kanya si Donny na may gusto ito sa kanya ay kailanman hindi ito pumasok sa isip niya maging sa panaginip.
For a moment, nagkatitigan lang sila. Ang mga mata ni Sharlene na punong-puno ng pagtataka at pag-aalinglangan at ang mga mata ni Donny na nangungusap.
"Alam mo Donny," Unang bumitaw sa titigan si Sharlene at itinuon ang atensyon sa malayong bahagi ng parking lot. "Kung joke mo lang ito, kung prank lang or kung dare lang, okay na, wag mo na ituloy."
"Shar, for how many times do I have to tell you ba na I'm telling the truth?"
Napalunok na lang ang dalaga. Ang puso niya, naniniwalang totoo ang mga salitang binibitawan ng binata ngunit ang isip niya, kalokohan lang ang lahat ng ito.
"Pero bakit?" Sa wakas ay naisatinig na niya ang kanina pang gumugulo sa isipan niya.
"Anong bakit?"
"Bakit ako? Diba, ang daming magaganda na pinapares sayo. Lalayo pa ba tayo? Andyan si Sunny, si Kisses, tapos may Gabbi pa, may Maureen at may Claudia. Bakit ako pa?"
Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ng binata. "Shar.." Kinuha niya ang kanang kamay ng dalaga, "Hindi naman lahat kailangan ng dahilan, e. There are certain feelings na bigla mo na lang mararamdaman without knowing the reason behind. And that's what I'm feeling right now. I like you because you are you. I mean, you don't need to be the most beautiful woman on earth, because for me, you already are."
Hindi man aminin ni Sharlene ay bahagyang nahipo ang kanyang puso sa mga salitang binitawan ni Donny. Para bang may kung ano sa mga salitang iyon na kaya siyang paniwalain. Na kaya siyang dalhin sa mundo ng binata - mundong silang dalawa lang at ang mga desisyon lang nila ang mahalaga. Mundo na hindi nila kailangang isipin ang mga sasabibin ng ibang tao na nakapaligid sa kanila.
"Shar!" Napatingin silang dalawa sa kabilang dulo kung saan nakatayo doon si Turs at kumakaway sa dalaga. Masaya itong naglakad palapit sa kanila ni Turs. "I forgot to give you this." Iniabot niya rito ang isang maliit na kahon.
May pagtataka itong kinuha ni Sharlene at dahan-dahang binuksan hanggang sa tumambad sa kanya ang kumikinang na kwintas at ang palawit nito ay isang bituin. "Star?"
"And caramel bars.." Ipinakita ni Turs ang suot niyang kwintas na ang palawit naman ay desenyong chocolate bars na may kulay na caramel.
"Whoa!" Manghang tugon ni Sharlene. Kinuha sa kanya ni Turs ang kwintas at ito na mismo ang nagsuot nito sa leeg ng dalaga. "Thank you, caramel boy!" Isang mahigpit na yakap ang pinagsaluhan nilang dalawa.
Sa kabilang banda naman ay ang nakabusangot na si Donny ang madadatnan ni Robi. "Oh, what's with that handsome face, Donny? Bakit ka parang biyernes santo diyan?" Pagbibiro nito.
Hindi agad nakasagot si Donny dahil abala pa rin ito sa pagmamasid kina Sharlene at Arturo na masayang nag-uusap. Rinig na rinig niya ang malakas na tawa ng dalaga at kitang-kita ng dalawang mata niya kung paano sumisingkit ang mga mata nito sa tuwing tumatawa.
"Sa tingin ko, may something dyan sa dalawang yan, e." Komento ni Robi kaya nakuha nito ang atensyon ni Donny. Nakakunot noo siyang tinignan ng binata. "I mean, look at them? Tignan mo kung gaano ka-genuine yung mga ngiti nila. That's something, something.."
"I don't think so." Iyon lamang ang naging sagot ni Donny bago tuluyang umalis at nagawa pang sa harap mismo nina Sharlene at Turs dumaan.
"Ano nangyari dun kuya Robi?" Tanong ni Sharlene.
Umiling-iling si Robi at napakamot pa sa kanyang batok. "Nagselos yata." Bulong nito na bahagyang narinig ni Sharlene pero hindi na niya binigyang pansin pa.
"O sige, mauna na nga ako. Pagpatuloy niyo lang yan." Paalam ni Robi bago tuluyang umalis at iwan ang dalawa.
Hanggang sa makarating sa kanilang bahay ay hindi pa rin nilulubayan ng tingin ni Sharlene ang kwintas na suot niya. Hindi naman ito kamahalan pero alam niya na pinaghirapan ito dahil may nakaukit pa na pangalan sa likod nito - #ShUrs ang nakalagay kaya hindi niya maiwasang mapangiti sa tuwing mababasa iyon.
"Ang saya-saya naman beshie, anong meron?" Pagpuna ni Miles sa kanina pa pangiti-ngiti na si Sharlene.
Imbis na sumagot ay mas lalo lamang itong ngumiti ng pagkatamis-tamis.
Ngayon na ang araw ng release date ng official music video ng Stars and Caramel bars ni Sharlene featuring Turs as his partner.
"Hala! Kinakabahan na ako." ani Sharlene. Sa myx studio ay sama-samang nakaabang ang mga VJs at buong staff ng myx.
"I know you did well, Shar. And I'm excited to see Turs act." Tugon ng channel head nilang si Andre Allan.
"Oh, you'll now see how I tried so hard to pretend there." Sabi ni Turs habang pailing-iling. Magkatabi sila ngayon ni Sharlene at sa gilid niya ay si Donny na wala pa ring imik. Sa tabi naman ni Sharlene sa kaliwa ay ang excited at kanina pang nang-aasar na si Debbie.
"Pretending na you don't have any feelings for her?" Mapanuksong tanong ni Debbie kay Turs kaya naman mas lumakas pa ang asaran.
Natahimik ang lahat ng magsimula na ang music video. Ipinapakita pa lang ang pangalan ni Sharlene ay kino-congrats na siya ng mga kasamahan. At nang ipakita na ang unang scene kung saan nasa front door sila, mas lalong tumili ang lahat ng masilayan ang seryosong si Turs.
Hanggang sa matapos ang buong video ay manghang-mangha ang lahat sa pagiging simple pero makahulugang laman ng music video na iyon. Panay rin ang pag-puri nila sa ganda ni Sharlene at sa nakakakilig na eksena nila ni Turs sa sala kung saan aktong naglalaro sila ng video games at mas malakas ang hiyaan sa hulit parte ng video kung saan nasa kotse ang dalawa. Kahit na simpleng pag-hawi lamang ng buhok ng dalaga at ang simpleng titigan nila ay napakalakas na ng kilig na hinatid nila sa mga manunuod.
"Seryoso, akala ko hahalikan ni Turs si Shar dun sa ending." Komento ni Robi na ikinahiya naman ni Sharlene. Halos magtago na ito sa likod ni Debbie dahil sa pagkahiya.
"Too young for that kind of scene." Seryoso at walang emosyong sabi ni Donny.
Bahagyang hinampas ni Sunny ang braso ni Donny, "Ang seryoso naman nito. Tsaka, eighteen na kaya si Shar."
"Still,"
"Nako, kayo talaga. Bata pa si Shar para sa kiss scene, kahit pa sa cheeks lang yan." Pagtatanggol ni Tippy kay Sharlene hanggang ngayon ay parang kamatis sa sobrang pula ng kanyang pisngi dulot ng hiya sa pang-aasar sa kanya ng mga kasamahan.
"Nakakainis kayo." Hindi malaman kung talaga bang naiinis si Sharlene dahil kahit sinasabi niyang naiinis siya ay tawang-tawa naman ito.
"Eh bakit naman kasi napakanatural ng acting niyo don?" Tanong ni JC.
"Oh dude, you don't know how I work so hard for that role." Ani Turs.
"Ano bang mahirap sa role ng isang lalaking manhid sa feelings ko?" Natatawang tanong ni Sharlene.
Turs smiled, "That's exactly the hardest thing. How can someone pretend to ignore your feelings when all of the guys wish to have you, to love by you."
"ShUrs is real."
Iyon ang huling salita na iniwan ni Donny bago nagpaalam na mauuna na raw itong umuwi.
Hindi naman na iyon binigyang pansin ng ilan puwera kay Sharlene na alam ang dahilan kung bakit umalis si Donny. Alam niya pero ayaw niyang aminin sa sarili niya na iyon nga ang dahilan, na nagseselos si Donny kay Turs.
-
BINABASA MO ANG
Behind the Lights
FanfictionWe've seen them on-screen. Hosting, acting, singing, performing - a total atists. But, what are they when the limelights are off? Who are they Behind the Lights?