|24|

1.7K 72 10
                                    

|This is just a product of my imagination. @cathcakee on twitter|

Mahalagang Paalala : Ang lahat ng mababasa niyo ay kathang isip ko lang. Please, wag niyo seryosohin. I made this chapter dahil kailangan siya sa flow ng story. Kahit pa medyo based in real life, fictional pa rin lahat. Thank you!


At exactly twelve midnight, the shoot for the movie Walwal ended. They're all packed up. Donny's busy packing his things ans ready to go when three of the staff came.

"Donny ang bilis ah." Sabi noong isang staff at ipinakita pa ang cellphone na hawak. "May pa-birthday greeting na agad kay Kisses." Pang-aasar pa nito. Sinundan pa ito ng pangangatyaw mula sa ilang nakarinig at nakakita na ng post ni Donny.

Donny just gave them a tired and weak smile. Ang nasa isip niya ngayon ay si Sharlene. Kung nakita na ito ng lahat, imposibleng hindi pa niya ito nakikita. So he planned to go to her place at this time.

He's about to go to his car when Kisses approached him. "Uh, Donny, thank you pala. Ikaw unang bumati sakin today." She said and flashed a smile. She doesn't look tired, she looks so happy.

"Oh." Naghahanap si Donny ng tamang salita. Ngunit kahit saan siya maghanap wala siyang maisip na sasabihin. He's lost in words. "Sige pahinga ka na." He tap Kisses' shoulder and ready to leave.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya ng tawagin siyang muli ni Kisses. Pagkalingon niya ay nakalapit na agad sa kanya ang dalaga. Hinawakan siya nito sa kamay na ikinagulat niya. "Uuwi ka na? Sabay ka na samin. Susunduin ako ni daddy. Pwede tayo kumain muna sa labas. Birthday treat ko."

"Uh, Kisses, ano kasi, I have MYX episode to shoot later. I just want to take a rest for now." He tried his best to sound still respectful kahit na tinatanggihan niya ang alok ng dalaga.

Bahagyang ngumiti si Kisses at napayuko na lang. This is not the first time Donny turned her offer down. This is actually the nth time out of nth tries.

"Okay lang. Next time na lang."

Bumalik na si Donny sa kanyang sasakyan. Si Kisses naman ay dali-dali ding pumunta sa sasakyan nila at inutusan ang kanyang driver na sundan ang kotse ni Donny.

"Kisses, why do we have to follow him?" Nagtatakang tanong naman ng ina ni Kisses.

"Mom, we have to. May kailangan lang akong malaman."

At dahil wala namang bumibyahe sa ganitong oras ay madali silang nakarating sa Bulacan. It took them fifteen minutes. Nasa malapit lang din kasi ang huling location nila sa taping kanina.

"What is he doing here? Hindi naman dito ang bahay niya." Mula sa hindi kalayuang pwesto nina Kisses ay tanaw na tanaw niya si Donny na nakasandal sa kotse nito at nakatanaw sa isang bahay. Nakalagay ang kanyang cellphone sa may tenga na halatang may kinakausap. "Kaninong bahay ito?" Tuloy-tuloy ang tanong na sumasagi sa isipan ni Kisses at ng kanyang ina.

Hindi nagtagal ay may isang babaeng lumabas mula sa bahay. And it makes Kisses'eyes wide open. Dahil sa naghahalong dilim at ilaw mula sa street lights ay hindi niya gaanong makita ang babaeng lumabas at niyakap ni Donny.

Desperada na siyang malaman kung sino ang babaeng pinupuntahan ni Donny sa ganitong oras kaya naman bumaba siya ng sasakyan kahit pa pinipigilan siya ng kanyang ina. Naglakad siya ng palapit pa sa kinaroroonan ni Donny pero siniguro niyang hindi siya makikita ng binata.

And right in there, she saw the girl's face clearly. It's none other than Sharlene. "Sharlene San Pedro?" She whispered in full confusion.

Binalik niya ang tingin sa dalawa at nakita niya kung paano hinalikan ni Donny ang noo ng dalaga. "Did you cry?" Nag-aalala nitong tanong. "What happened?" Rinig na rinig niya mula sa kanyang pwesto ang pinag-uusapan ng dalawa.

Behind the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon