|30|

1.6K 61 2
                                    

|This is just a product of my imagination. @cathcakee on twitter|

ABS-CBN published an article regarding Donny and Kisses' recent movie and their upcoming teleserye.

Pagkabukas ni Donny ng kanyang twitter account ay ito ang unang bumungad sa kanya. He quoted the tweet with "Playhouse... SOOOON" as his caption and he mentioned Kisses on that tweet. Maraming tagahanga nila ang nag-react sa tweet na iyon at nagpabatid ng kanilang suporta at excitement para sa panibagong palabas na pagsasamahan ng dalawa.

For Donny, it was all part of the show's promotion. Gaya ng laging sinasabi sa kanya, kailangan niyang ipakita ang suporta niya sa sariling palabas at sa taong mga kasama niya dito. And he's doing it great.

After that day ay naglabasan naman ang mga tweets tungkol sa ika-limang araw ng taping ni Sharlene para sa kanyang bagong pelikula na Class of 2018 na kung saan ay makakasama niya ang mga kaibigang sina Nash Aguas, Kristel Fulgar at CJ Navato, mga kapwa niya galing goin' bulilit. Ika nga ng marami ay reunion movie nila ito at comeback movie naman para sa tambalang Nash at Sharlene o mas kilala sa NashLene.

Maraming litratong inilabas ang direktor ng pelikula at hindi naman nito itinatanggi ang pagiging fan niya sa dalawang artista. Noon pa man daw ay ginusto na niyang makatrabaho ang dalawa. Kaya naman ngayong nabigyan siya ng pagkakataon ay hindi nito mapigilang hindi kiligin sa dalawa.

Marami ang natuwa sa mga pa-behind the scene pictures niya sa dalawa at sa mga pa-caption niya sa bawat post. Nasa Australia si Donny noong unang araw ng taping ni Nash na kasama si Sharlene kaya hindi siya gaanong nagrereact. But now, he has all the time to talk to Shar about those IG stories na kung saan ay nakakandong pa si Nash sa kanya.

He went on his room, took a shower and then laid on his bed. Kinuha niya agad ang kanyang cellphone at di-nial ang numero ng dalaga.

Makalipas lang ang tatlong ring ay sumagot naman agad si Sharlene. “Yes, Dons?” Pormal na sagot nito. Very unusual for Donny.

“We need to talk.” Casual na sagot naman ni Donny sa kabilang linya. “You free?”

“Importante ba yan? Over the phone na lang. Nasa Bulacan na ako, e.”

Donny heaved a sigh. “Please?” May pagmamakaawa sa tono ng kanyang pananalita. Talagang gusto na niyang makita ang dalaga. “I'll go there.”

“Donny, magpahinga ka na lang. May taping ka kahapon diba? Baka napagod ka.” Sharlene tries her best to hide the sarcasm on her tone, but she failed. Halatang-halata pa rin iyon.

Nang marinig iyon ni Donny ay nagbago din ang kanyang mood. “Sa bagay, baka pagod ka din ngayon. Galing ka shooting, diba?” He asked back giving the same sarcasm Sharlene gave him.

Hindi naman maikakaila ni Donny na nagseselos siya. Sa dami ba naman ng mga tagged photos and mentioned tweets sa kanya, paulit-ulit niyang nakikita ang mga pictures nina Nash at Sharlene. Nakadagdag pa dito ang pag-post ni Sharlene sa kanyang Instagram ng picture niya kasama si Nash at ang kanilang director at ang caption pa ay "Oppa" pagkat sa larawang iyon ay naka-finger heart sila. Sa twitter naman ay nakita niya ang pag-reply ni Sharlene sa tweet ni Nash at naging instant twitter serye pa ang kanilang usapan.

Muling napabuntong-hininga si Donny. “Shar...”

Sa kabilang linya ay hindi umiimik si Sharlene. Dahil sa loob niya, nakakaramdam din siya ng selos. Naiintindihan niyang trabaho lang iyon pero kahit ganon ay may kirot pa rin siyang nararamdaman.

“Sino ba kasi nauna?” Biglang saad ni Sharlene. Alam naman niya na tungkol doon ang gustong pag-usapan ni Donny. Hindi niya lang masimulan.

Lihim na napangiti si Donny at napaayos pa ng upo sa kanyang kama. “So, gumaganti ka? Is this how you play, huh?”

Behind the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon