|This is just a product of my imagination. @cathcakee on twitter|
Hindi maitago ni Sharlene ang labis na kaligayahan matapos ang premiere night ng kauna-unahang pelikulang pagbibidahan niya kasama ang malapit na kaibigang si Nash at ilang mga nakasama sa Goin' bulilit na sina CJ, Krystal at Kiray.
Isang malaking tagumpay na para sa kanya na makita ang mga ngiti ng mga fans niya na nagpunta sa nasabing premiere night at kahit pa horror-suspense ang tema ng pelikula ay mga nakangiti pa rin ang mga ito. At mas lalong nagpasaya sa kanya ang pagdalo ng malalapit na kaibigan na kahit alam niyang may mga sariling pinagkakaabalahan ay nagawa pa ring pumunta upang maipakita ang suporta sa kanya.
Hindi rin naman niya inaasahan ang pagdating ni Donny. Sapat na nga sa kanya ang minsang mailagay ng binata sa kanyang IG story ang official poster ng Class of 2018. Iyon lang ay masaya na siya. Ngunit ang pagdalo ni Donny sa premiere night sa kabila ng busy schedule nito ay mas nagpataba ng kanyang puso.
**
Maagang nagising si Donny at hindi pa man nagagawa ang kanyang morning routine ay hinagilap na niya agad ang kanyang cellphone upang buksan ang kanyang social media accounts. Nakangiti niyang iniiscan ang kanyang twitter feed at nabasa niya ang mga tweets ng fans nila na Sharlene na hindi maitago ang saya dahil sa pagpunta niya kagabi sa premiere night. He's all smiles as he keep on reading those sweet tweets until this one tweet from someone caught his attention. Hindi niya nagustuhan ang sinabi sa tweet na iyon lalo na at kinukwestyon nito ang pagsuporta niya sa pelikula ni Sharlene.
But still, pinigilan niya ang sarili na makapagsabi ng kung ano. Pinag-isipan niya munang maigi ang kanyang sasabihin bilang sagot sa nasabing tweet na napagtanto niyang fan nila ni Kisses.
Right after he tweeted that, his phone rings and it shows Sharlene's name on the screen.
“Good morning, ba—”
“So kapatid?” Ito ang agad na bungad sa kanya ng dalaga sa kabilang linya. Ibig lamang sabihin lang nito ay nabasa na niya ang tweet niya.
Sa tanong na iyon ng dalaga ay biglang sumagi sa alaala niya ang nangyari noong ABS-CBN Ball matapos silang makita ni Kisses na magkasama.
“Sharlene? Donny?”
Sabay na napalingon ang dalawa nang marinig ang pamilyar na boses ng babaeng tumawag sa pangalan niya. At pagkakita ni Sharlene na si Kisses iyon ay agad siyang nag-isip ng gagawin upang malusutan ito. “Uh, Kisses, ikaw pala...” she said trying to break the awkwardness.
BINABASA MO ANG
Behind the Lights
FanfictionWe've seen them on-screen. Hosting, acting, singing, performing - a total atists. But, what are they when the limelights are off? Who are they Behind the Lights?