|05|

2K 64 8
                                    

|This is just a product of my imagination.
@cathcakee on twitter|

Sa social media ay hindi na halos magkanda-ugaga ang mga supporters na naghihintay na mai-release ang music video ng stars and caramel bars ni Sharlene kung saan kasama niya ang kapwa VJ na si Turs Daza. Marami ang nasasabik na makita full video at hindi nakukuntento sa mga behind the scene photos nila.

"Ang benta ng ShUrs sa madla." Komento ni Miles dahil nakakabasa rin siya ng mga tweets at posts tungkol dito. "Ang nakakatuwa sa fans mo, kahit sino basta involve ka, support nila. Ang united!"

Isa iyon sa hinahangaan ni Sharlene sa kanyang mga taga-suporta. Pinapakita nila na kahit saan dalhin ang career nv dalaga ay hindi sila nawawala. Gaya na lamang ng mga NashLene fans na kahit hindi naman sila nakikitang magkatambal o magkasama sa iisang show ay hindi nawawala ang pagmamahal ng mga ito sa kanilang dalawa ni Nash.

tursdaza Stars and Caramel Bars music video out tomorrow! Hehe had so much fun shooting with the ever so talented @sharlenesanpedro1 Abangan niyo yung vid guys, maganda siya prahmis! 🌟🍫 #shurs

Ito ang IG posts ni Turs isang araw bago ang release date ng music video ng stars and caramel bars.

Marami ang natuwa sa suportang ibinibigay ng binata kay Sharlene. At isa na rito ang dalaga. Labis ang kanyang tuwa dahil nararamdaman niyang matutuwa ang mga makakapanuod ng pinaghirapan nilang music video. Ito ang first appearance ni Turs sa isang music video kaya naman hindi maitatanggi ang excitement na kanyang nararamdaman. Biniro pa nga siya ng ilang kasamang VJ na mas proud at excited pa raw ang binata keysa kay Sharlene.

Kung bibisitahin ang instagram ni Turs, makikita na hindi ito gaanong aktibo sa pagpopost ng mga pictures kaya mas naging dahilan ito ng pang-aasar kay Sharlene dahil sa mga posts ni Turs na bilang lang sa daliri ay nasama dito ang pag-promote ng binata sa kanilang music video.

"Malamang. Part siya non kaya ipopost niya. Tsaka yung sa picture, picture naming dalawa yun no." Depensa ni Sharlene nang muli siyang inulan ng pang-aasar mula sa mga kasamang VJs.

"Eh paano mo ieexplain yung had so much fun working with the ever so talented na yon?" Ani Sunny na parang nakabisado na ang post ni Turs.

Napabuntong hininga na lamang si Sharlene dahil naisip niyang hindi titigil ang mga kaibigan sa pang-aasar sa kanya at mapapagod lang siya na magpaliwanag gayong hindi naman nila iyon pinaniniwalaan.

"At tsaka eto pa, Turs used the hashtag shurs? So what does it mean? He's supporting your loveteam." Paimpit pa na tumili itong si Debbie habang hinahampas sa braso ang katabing si Sunny na tuwang-tuwa na rin sa nagiging reaksyon ni Sharlene.

Kanina ay tahimik siyang nag-aayos dito sa kanyang dressing room ngunit naglaho ang payapang paligid nang dumating ang mga mapang-asar na kaibigan.

Umiling-iling na lang si Sharlene habang sumisimsim sa kanyang pineapple juice.

"Bakit ba kasi ako ang tinatanong niyo?" Hindi naman naiinis si Sharlene pero nagsasawa na siya sa paulit-ulit n pagtanggi na wala lang ang pag-post n iyon ni Turs.

Napapalakpak pa sa tuwa itong si Debbie. "Okay, wait, tawagin ko si Turs." Walang ano-ano'y tumayo nga ito at tinawag si Turs mula sa dressing room nito. Saktong palabas din si Donny kaya pati iyon ay hinatak niya papuntang dressing room ni Sharlene. "Here's Turs,"

Malaki ang ngiti ni Sunny habang patuloy sa pagbibigay ng mga makahulugang tingin sa kaibigang si Sharlene.

May pagtataka man sa mukha ni Donny ay dumiretso na rin ito ng upo sa bakanteng monoblock sa harap ni Sunny, sa tabi ni Sharlene. Hindi naman kalakihan ang dressing room ng bawat isa pero nagkakasya pa rin silang lahat. Kung gusto nga naman ay laging may paraan.

Behind the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon