|This is just a product of my imagination. @cathcakee on twitter|
Hindi nakatulog kagabi si Sharlene sa kakaisip sa naging pag-uusap nila ni Donny kahapon. Alam niyang totoo ang nararamdaman niya para sa binata, at alam din niya na mali ang inasta niya kahapon. Hindi siya dapat naging mahina at nagpatalo sa nararamdaman niyang selos. Dahil una sa lahat, siya ang may kagustuhan na itago ang kung anong meron sila. Kaya kung nasasaktan man siya, kailangan niya rin iyong itago sa camera. Walang ibang dapat makaalam. Walang ibang dapat makahalata.
“Shar, check ko lang muna yung susuotin mo.” Paalam sa kanya ng kanyang personal stylist. Tumango siya at ngumiti bilang sagot.
Nakaupo si Sharlene sa harap ng salamin, pinagmamasdan ang mukha na walang kahit anong make-up. Her normal bare face. Mahahalata ang eyebags niya dahil nga sa hindi siya halos nakatulog kami. “Matatakpan naman siguro ng concealer.” Aniya sa sarili.
Habang abala siya sa pagsusuklay sa kanyang buhok ay may kumatok sa pintuan niya. Bumukas ito at iniluwa si Hannah, ang kapatid ni Donny. May guesting kasi siya mamaya kasama si Sunny at ang kuyang si Donny. “Oh, Hannah, sa kabila yung dressing room ni VJ Sunny. Nalagpasan mo.”
Isinarado ni Hannah ang pintuan at nginitian siya. “No, ate Sharlene. I came here for you talaga.”
Bakas ang gulat sa maamong mukha ni Sharlene pero agad naman siyang nakabawi. “Ako? Bakit, may kailangan ka ba?” Inaya niyang maupo si Hannah sa maliit na sofa.
Nang makaupo ay tsaka nagsimulang magsalita si Hannah. “Ate Sharlene, alam mo po ba kung saan nagpunta si kuya kahapon?”
Biglang lumundag ang puso ni Sharlene nang marinig mula kay Hannah ang pangalan ni Donny. “Diba, nasa taping kuya mo kahapon?”
“Ah, yes. Pero after his taping kasi he texted me that he's going to Bulacan to fix some matters. May alam ka ba dun?”
Sa Bulacan. Siya ang pinuntahan ni Donny sa Bulacan kahapon. Nagpunta siya don para ayusin ang akala niyang gulo sa pagitan nila. “B-bakit mo natanong?”
“Kasi he came home sad. As in sobrang lungkot ni kuya kahapon pag-uwi niya. Tinatanong ko siya pero sabi niya lang pagod daw siya. Even Solana, hindi pinansin.” Esplika ni Hannah. Nag-aalala lang naman siya para sa kanyang kapatid. Kahapon bago ito umalis ang saya-saya niya at nung umuwi, para nang pinagtakluban ng langit at lupa.
Mas lalong naging malakas ang kabog ng dibdib ni Sharlene. Mas lalo siyang kinabahan sa narinig mula kay Hannah. At hindi rin niya maiwasang makonsensya. “Hannah, sorry ah. Pero wala akong alam.” Pagsisinungaling niya.
Napayuko si Hannah. Hindi iyon ang inaasahan niyang maririnig na sagot mula kay Sharlene. “Ate Sharlene, I know kuya's in love with this particular girl I don't know who. And if ever you know who is she, kindly tell her that she affects kuya big time. She can turn kuya's world upside down. She is a lucky girl, kaya sana huwag niyang saktan si kuya.”
“Hannah...”
“Thank you for your time, ate Sharlene.” Nagpaalam na ng tuluyan si Hannah. Lumabas na ito ng dressing room ni Sharlene at nag-stay na muli sa dressing room ng kanyang kuya Donny.
Walang kaalam-alam si Donny sa ginawang pagka-usap ng kanyang kapatid kay Sharlene. Ang paalam kasi nito ay magre-rest room lang siya.
Nakatitig lamang si Sharlene sa kanyang cellphone. Paulit-ulit na tinatangkang i-dial ang number ni Donny. Pero parang may kung anong pumipigil sa kanya na gawin iyon. Hindi siya galit kay Donny. Galit siya sa sarili niya dahil hinayaan niyang kainin siya ng pagseselos.
Sa huli ay itinabi na niya sa kanyang bag ang cellphone upang hindi na makaisip pa na tawagan o i-text ang binata.
Lumabas siya ng kanyang dressing room para sana humanap ng makakausap. Pero imbis na makakausap ang nahanap niya, dagdag sakit sa puso ang nakita niya. She saw Kisses and Donny, talking. Just talking but it hits her heart. With the smile Donny's giving to Kisses, and the laughter they shared together, her heart slowly breaking into pieces. Akala niya madali lang na pigilan ang nararamdaman niyang selos, hindi rin pala. Nagkamali siya.
BINABASA MO ANG
Behind the Lights
FanfictionWe've seen them on-screen. Hosting, acting, singing, performing - a total atists. But, what are they when the limelights are off? Who are they Behind the Lights?