|19|

1.8K 70 3
                                    

|This is just a product of my imagination. @cathcakee on twitter|



“Sige sige, mahal kita.”

Pinatay na kaagad ni Sharlene ang tawag na iyon kay Donny. Pilit na inaalis sa isip niya ang narinig na huling sinabi sa kanya ng binata. Hindi. Mali lang ako ng narinig. Hindi niya sasabihin yun dahil alam niyang naka-live ako. Mali lang ang rinig ko. Ito ang paulit-ulit na sinasabi ni Sharlene sa sarili para lang mawala sa isipan niya ang narinig na iyon. Hindi naman niya matanong ang kasamang si Judey dahil nag-aalala siya na baka ay malaman nito ang estado ng relasyon nilang dalawa ni Donny.

Nagdaan pa ang mga araw at napapadalas na ang pagkakaroon ng Wer u at episode nina Turs at Sharlene. Kaya naman napapadalas na rin ang pagseselos nitong si Donny lalo na at patapos ang buwan ng Marso, at kapag dumating na ang Abril at magbirthday na si Sharlene, magiging legal na ang panliligaw ni Turs sa dalaga.

Mabilis na dumaan ang mga araw para sa kanila dahil may kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Minsan na nga lang sa isang linggo kung magtugma ang schedule nina Sharlene at Donny at kung minsan nga ay hindi pa. Nakakapag-usap lang sila thru phone calls kapag natatapos na ang taping ni Donny para sa kanyang unang movie na kasama si Kisses.

Selos. Natural lang naman siguro ang magselos lalo na at may nararamdaman ka. Pero si Sharlene, parati niyang nilalagay sa lugar ang pagseselos. Matagal na siya sa industriyang ito at alam niyang trabaho lang ang lahat ng nakikita sa harap ng camera. Dahil kung ano ang nakikita at naririnig ng mga fans na ginagawa at sinasabi ng mga iniidolo nilang artista, lahat yon, ay plano ng management. Kung minsan nga ay pati sa social media ay nauutusan pa rin ang mga artista na gawin ang ganito, ganyan para mapakilig ang mga tagahanga at para ma-promote ang ganito o ganyan. That's how the showbiz industry works. Lahat scripted.

Marami na rin ang nangyari sa loob ng MYX, mayroon man mga nawalang VJs tulad nina Kim, JC, Debbie at Tippy, meron namang pumalit at ito nga ay si VJ Iñigo Pascual na malapit din kay Sharlene at Donny.

“Donny, heard the news?” Pagkatapos ng taping para sa kanyang segment at lumapit kaagad si Robi kay Donny na naghihintay lang ng oras ng kanyang taping.

“What news?” Tanong nito.

Inakbayan siya ni Robi at inilayo muna sa mga staff. “Isusurprise daw si Shar sa Daily top episode niya bukas.”

“For her birthday?” Tumango-tango naman si Robi bilang sagot sa tanong ni Donny. “What's the plan?”

“What's your plan! Yun dapat ang tanong.”

Mas lalong naguluhan si Donny dahil sa sibnabing iyon ni Robi. “Huh? Why me?”

“Dons, si Turs kasi ang magsusurprise kay Shar bukas. Oh ikaw? Anong plano mo?”

Napakamot si Donny sa kanyang batok. Alam niyang hindi siya makakasama sa surprise na iyon dahil mayroon siyang taping bukas para sa movie nila. At ayaw rin naman niyang hayaan na si Turs lang ang nandon. Masyado na silang episode na pinagsamahan ni Sharlene, ayaw niyang pati ba naman sa pagsurprise sa dalaga ay siya pa rin.

Nagmeeting ang mga staff na in-charge sa surprise para kay VJ Sharlene bukas kasama si Turs. They're planning to give Sharlene a flowers and a cake roll. Not a big surprise pero alam nilang matutuwa na ang dalaga dito. Besides, hindi pa naman talaga niya birthday bukas.

Kinbukasan, ready na ang lahat. Nasa dressing room na si Sharlene at inaayusan na para sa Daily Top Ten segment niya mamaya. Samatala, ang mga staff ay hindi magkamayaw sa pagcocontact kay Turs. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin ito. Hindi matutuloy ang surprise kung wala siya.

Behind the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon