|38|

1.1K 49 4
                                    

|This is just a product of my imagination. @cathcakee on twitter|

“Let's call it a day! Maraming-maraming salamat sa pagpunta ninyo at pagsama sa masayang gabi na ito. And most especially, sa ating special guests, Ms. Yam Concepcion, Ms. Jona, Donny Pangilinan and of course, Rivermaya.”

Malakas na palakpakan at hiyawan ang ginawad ng mga tao ng San Pablo, Laguna matapos ang inihandang mini event ng kanilang Mayor para sa araw na ito. Bukod sa maganang pagtatanghal ng mga imbitadong artista ay hindi rin matatawaran ang saya sa mukha ng bawat isa habang magkakasamang nagkakasiyahan.

Donny got invited to perform for today's event here in San Pablo, Laguna. Bukod sa siya ay taga-Laguna, isa rin siya sa iniidolo ng kabataan ngayon kaya naman ay hindi na nagdalawang isip ang punong-lungsod ng San Pablo na kunin siya bilang isa sa kanilang panauhin.

“That's a wrap. Sobrang fun ng mga taga-Laguna talaga.” Donny said as he make his way to Sharlene. Yes, she's here. She came over to Laguna from her taping sa ginagawang short film to support Donny. Kahit pa pagod ay hindi niya pinalagpas ang araw na ito para makita na magperform ang binata sa mismong hometown nito.

“They had so much fun kasi sobra ka rin namang nag-enjoy sa pagkanta.” She said. Tinawid ng dalaga ang natitirang espasyo sa kanilang dalawa ni Donny at inabutan ng bottled water ang binata. Siya pa mismo ang nagpunas sa pawis sa noo ni Donny. “Singer na singer eh.” She added, bahagyang natatawa pa.

“Kasi I know na you're watching. Ayokong mapahiya sayo eh.” Sagot naman ni Donny pabalik.

Sa dami ng taong nagkakasiyahan sa paligid nila ay rinig na rinig pa rin ni Sharlene ang biglaang paglakas ng tibok ng puso niya habang matamang nakakatitig sa mga mata niya si Donny. They were inches apart.

“Sus,” pabirong hinampas ni Sharlene sa braso ang binata dahilan para pareho silang matawa. “Ako pa niloko mo. Eh alam mo naman na kahit anong gawin mo, proud na proud ako sayo.”

“Well, I love you too.” Ngiting-ngiting sagot ni Donny sa dalaga na agad naman pinamulahan ng pisngi.

Sharlene rolled her eyes at tinotoo na ang paghampas sa braso ni Donny. “Ewan ko sayo, Donato.”

“Aysus, baka naman langgamin kayo dyan ah!” Dumating ang aktres na si Yam na kasama ring nagperform ni Donny kanina. Lumapit siya sa dalawa at may tinging nang-aasar pa.

“Ate Yam!” Maagap na niyakap ni Sharlene si Yam na minsan niya na ring nakasama sa isang palabas sa ABS-CBN.

Masayang sinalubong ni Yam ng yakap ang dalaga na para na rin niyang nakababatang kapatid. “Dalaga na talaga ang Sharlene namin.” Komento pa nito habang sinusuri ang dalaga mula ulo hanggang paa. Wala namang nagbago dito, bukod sa mas gumanda ito. “Ang ganda-ganda pa.”

“Hindi naman po masyado..” Natatawang wika naman ni Sharlene.

May dumating na isang staff ng event at iginiya sila patungo sa table na nakalaan talaga para sa kanila. Malayo sa maraming tao at sa ingay. Ngunit bago sila makarating doon ay marami silang madadaanang mga nagkakasiyahang tao kaya naman kinailangan ni Sharlene na mag-ingat upang hindi siya makilala. Mabuti na lamang at may dala-dala itong cap at pinasuot naman sa kanya ni Donny ang kanyang jacket.

“Buti na lang busy sila, di nila ako nakita.” Nakahinga ng maluwag si Sharlene nang makarating sa kanilang table na hindi nakakagawa ng gulo. Walang nakapansin sa kanya.

“Pano ka ba nila makikita, eh itong si Donny daig pa yung poste kung makabakod sayo eh.” Pagbubuking naman ni Yam.

Napakamot na lang tuloy sa kanyang batok itong si Donny at napainom ng tubig. Masaya siya na may nakakapansin sa mga simpleng bagay na ginagawa niya para kay Sharlene, pero siguro ay hindi lang siya sanay dahil simula pa naman ay patago na silang dalawa. Everything that he's doing is limited.

Behind the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon