CHAPTER 3 - #TheKnife

31 2 0
                                    


Kabanata 3

#TheKnife




JAMES POV




 Naku, hindi pwede mabuti nalang at inunahan ako ni Jane dahil kapag naisaksak ko sa kanya ang gamit kong kutsilyo malamang wala na siya ngayon. Kasalanan ko talaga to Im Sorry Jane 😭


Naiwan akong mag isa sa restroom at napansin ko yung hawak kong kutsilyo. Kakaiba dahil medyo mabigat at may pirma akong nakita. Binigay ko ito sa Lost and Found pero hindi daw nila alam kung kanino ang kutsilyo na iyon at nagtaka sila dahil pano daw sakin napunta ang kutsilyo dahil nabalik na ito sa kanila ng isang babae. Si Jane ang babaeng tinutukoy nila na unang nagbalik ng kutsilyo.


 Tinago ko muna ang kutsilyo sa locker ko baka sakaling makatulong iyon upang maging ebidensya sa pagtatangka sa buhay ni Jane nung unang araw ng pasukan. Nakita ko si Jane sa canteen at kinausap ko siya tungkol sa kutsilyo.


 "Ah Jane, sorry nga pala sa nangyari kanina ah. Hindi ko sinasadya. Yung kutsilyo na gamit ko nakita ko may pirma sya." Sabi ko sa kanya.

"May pirma? Ibig sabihin ikaw yung gustong tumangka sa buhay ko nung first day? Aniya


 "Jane makinig ka, may nagpalit ng kutsilyo na hawak ko promise maniwala ka. Hindi ko gustong saktan ka yun ang totoo. May taong nagawa nito Jane pero hindi ako. Oo bago palang ako dito pero di ako pumasok dito sa university na 'to para lang patayin ka at ngayon pa lang naman kita nakilala eh kaya plsss sorry wala akong alam kung di mo ako naunahan siguro pinaglalamayan kana at ako ang sisihin nila pero sana maniwala ka sakin Jane. Hindi ko intensyong patayin ka okay sana sabay nating alamin kung sino ba talaga ang pumatay kay Prof.Danes kay Krisha at sa boyfriend nya. Siguro kilala lang natin yung tao na yun Jane at nandirito lang sya sa university na 'to."


 "Sorry din James, naniniwala na ako sayo. Sorry at nasugatan kita kanina hindi ko rin sinasadya."


 Niyakap ako ni Jane at damang dama ko na kailangan niya ng karamay. Damang dama ko ang takot na nararamdaman niya. Damang dama ko rin na kailangan niya ako at kailangan ko rin sya para malutas na ang misteryosong nangyayari sa university na 'to.


JANE'S POV



 Naiintindihan ko si James, niyakap ko siya dahil nagtitiwala ako sa kanya. Kailangan ko ng karamay, kailangan naming malutas ang misteryosong ito at kailangan naming malaman kung sino ba talaga ang mystery caller na tumatawag sa akin.


 Pumasok na kami sa room ni James, nagsimula na ang klase at isa isa na kaming nagpakilala.

 "Okay class, introduce yourself in the front." sabi ni Prof. Jousef

 "Hi classmates! I'm Jonna. Hindi ako si Jonalyn Viray kundi ako si Jonna Mae. Mahilig ako sa mga cute na bagay. Gustong gusto ko si Hello Kitty at gusto ko rin ng Unicorn❤"


 "Hello schoolmates, The name is Kent. I love mysterious things, mahilig din ako sa mga thriller at slasher films. Gustong gusto ko ang mga hollywood films at pangarap ko rin maging isang artista."


 "Hi I'm Bernard! Bernadette sa gabi! Chos lang mars! Proud to be a member of LGBT community. And Yup I am that gay. Solid kpopper here! BTS lodi ko and si Jimin ang bias ko❤"


 "Hello guys. I'm Joemari. I'm bisexual. Hindi ako kpopper at hindi rin hollywood fan. Local fan lang ako ng Pilipinas. Lizquen at KenBie fan ako❤"


 "Hi. I'm Joy, lesbian ako at mahilig ako sa mga anime. Certifed Otaku lover sabi nila. Mahilig din ako sa pag gi-gitara dahil mahilig din ako sa music dahil ang music ang dahilan para mawala ang stress ko."


 "Yow guys. Sapp mga lodi. I'm Jake. Certified Gamer. Mahilig ako sa MOBA kagaya ng LoL, Dota 2, Mobile Legends at Arena of Valor. Basketball at Baseball Player at hindi ako player ng puso mo."



 Natapos narin ang pagpapakilala ng mga kaklase ko. Sila lang ang mga naalala kong nagpakilala dahil di ko na pinakinggan yung iba kong classmates. Nakakatuwa dahil iba iba ang hilig nila. Simple lang naman ako ang hilig ko lang naman is yung pakikinig din ng music pangarap ko din maging Dj at gumawa ng music.

"Oh bes? Bakit nakatulala ka dyan? Magkakaroon daw ng party sa bahay ng kaklase natin mamaya? Sama ka? Kasama natin si Gerard at si James." sabi ni Angel


 "Sige ba! Gusto ko rin kasing makilala yung iba nating kaklase eh mukhang ang cool nila."


 Pinuntahan ko si Joy sa locker room dahil gusto kong makipag kaibigan sa kanya na mahilig sa music kagaya ko.

"Supp, ikaw si Joy tama ba?"

 "Ah oo hahaha. Ikaw si..... Jane?"
tumango ako.


 "So Joy mahilig ka rin pala sa music noh? Ano bang mga genre mo?"

 " Ahm ako? More on rock ako pero gusto ko rin yung mga popular songs ngayon. Ikaw Jane?" Aniya

 "Ahm yes opm tsaka pop ang gusto ko."

 "Ikaw ba yung Jane na muntik nang mapatay ng dalawang beses?

 " Mmm. Oo ako yun, akala ko talaga katapusan na ng buhay ko pero hindi ko akalain na nakakatakas ako sa killer na yun."

 "Pero Jane? Nagka boyfriend kana ba?"

 "Ahm dipa eh NBSB ako eh. Ikaw ba Joy?

 " Ahm meron akong girlfriend si Erica, gusto mo syang makilala? Isasama ko sya mamayang gabi sa party. Kitakits ah?"


 Nagpaalam na si Joy sakin at umalis na rin ako at umuwi sa bahay. Excited na ako mamaya sa party dahil marami akong makilalang mga kaibigan.



 JOY'S POV


 "Uy Jake, hintayin moko. Nakausap ko si Jane mabait pala siyang tao."

 "Oh? Siya yung muntik ng mabiktima hindi ba? So kaibigan mo na siya ngayon? Ako hindi na?" Aniya.

 "Eto naman tampo agad, game kaba mamaya? Pupuntahan nalang kita sa dorm natin mamaya ah. Jake ah 7pm yun, 2 hrs nalang. Hinatayin moko sa dorm natin dadaan lang ako sa Grocery kailangan na nating bumili ng bagong stock ng pagkain mauubos na kasi."


 "Oo sge tatawagan ko lang si Jonna, yung bago kong kaibigan." Aniya at kinuha ang kanyang cellphone

 "Sus naghanap ka na talaga ng bagong kaibigan ah. Sige na mauna na ako bye!"


  Balak ko sanang tawagan si Jane kaso nakalimutan ko palang kuhain yung number niya. Kailangan ko munang pumunta sa grocery at maghanda na para mamaya.




JAKE'S POV


  Matawagan nga si Jonna! Hype na Joy 'to iniwan ako sa Dorm.


 "Hello Jonna?"

 "Uy Jake? Nakakatakot yung university natin. Sino kaya yung pumapatay at bakit niya kaya ginagawa yun?"


 "Ganito kasi yun Jonna, lahat tayo nagsisinungaling, lahat tayo may kanya kanyang sikreto. Ang buhay natin ay parang isang game. Kung sino man ang gumawa ng laro na yun, alam niya kung ano ang kalakasan at kahinaan natin. At alam niya ang kakayahan natin. Alam niya kung hanggang saan ang kaya natin. At tayong mga players patuloy tayong pinaglalaruan ng gumawan ng game. Hanggang sa maubos na ang mga buhay natin at boom! GAME OVER! We are just the part of the game and we need to save our lives and protect ourselves from the enemies. At dahil parte nga tayo ng game na yun, kailangan nating lahat na tapusin yun."
Binaba ko ang telepono at inayos ko ang buhok ko, tinignan kong muli yung sugat na natatakpan ng bangs ko.


"Ouch! Ang sakit kelan ba to gagaling!"



ITUTULOY...

THE MYSTERY CALLER
SEASON ONE
written by twodownborj
ALL RIGHTS RESERVED 2018

The Mystery Caller SEASON 1 (Watt U  Trilogy) #TheWattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon