CHAPTER 9 - #TheVideo

7 0 0
                                    


Kabanata 9

#TheVideo



JAKE'S POV



"Ako si Cindy, estudyante din ako sa Wattsons University. Kung hindi niyo na itatanong, nag-aaral ako ng mga kaso katulad sa pagpatay kay Mr.Roger at dito sa sinasabi nyong kuta ng Mystery Caller."  Napatingin ako sa kanya at namumukhaan ko siya, madalas din siyang tumambay sa Cafe na laging may dalang laptop.



"Pero kailangan namin yung USB Cindy." Hiningi ko muli sa kaniya yung USB na nahanap namin pero tumanggi itong ibigay.



"Ako na ang bahala mag imbestiga dito sa bagay na 'to. Umuwi nalang kayong tatlo. Ay teka, akin narin pala yung USB niyo titignan ko lang yung mga files dyan at isasauli ko rin mamaya." Binigay ko na ang USB sa kanya dahil wala naman akong magagawa kasama niya ang mga pulis.




"Okay lang yan bro." Tinapik ako sa likod ni Joy at hinatid na kami sa Police Station.




"Pinasundan namin kayo kay Cindy at sa mga pulis dahil mukhang may binabalak na naman kayong tatlo at heto, tama nga ang hinala namin."  Sabi ni PO4 Brandon na ama ni Kent. "Alam niyo namang delikado ang panahon ng mga kabataan ngayon, puro patayan ang nagaganap." Dagdag pa nito.


"Ito na yung USB nyo, pero pasensya na iimbestigahan pa namin ang mga cellphones at USB ng mystery caller. Umuwi na rin kayo Jake dahil mag- gagabi na at malapit na umuwi ang mga kaklase nyo." Kinuha ko na ang USB ko kay Cindy at umuwi na kaming tatlo.



"Ahm guys, mauuna na ako ah. Goodluck mamaya sa malalaman niyong ebidensya kung sino ang mystery caller." Nagpaalam na rin kami ni Joy kay Jane at dumiretso na kami sa Dorm namin.



Kinuha ko na agad ang Laptop ko at inilagay na ang USB.


"Sigurado ka ba dyan na tama ang mga files na nakuha natin?" Tumangk ako kay Joy habang binubuksan ang laman ng mga files.


"Bat ganito? Bakit ganito ang laman ng mga files?" Pagtataka ko habang binubuksan ang mga files ng USB.





Nagulat kami ni Joy sa nakita namin, nag-play mag-isa ang isang video kung saan nakikipaghalikan si Jane kay Kent. Hindi na namin magawa pang i-close ang tab nung media player dahil nagloloko ang laptop.




Isa pang kinagulat namin ay nag-upload ito ng kusa sa Facebook at sa Youtube pati narin sa Dailymotion.





"Naku, hindi hindi hindi! Wag wag wag!" Parehas kaming sumisigaw ni Joy habang tinitigilan ang pag-upload ng video ni Jane at ni Kent na naghahalikan.




Ano nang gagawin namin? Virus ba ang nakopya kong files mula sa USB ng Mystery Caller? O si Cindy ang naglagay ng virus na yun para hindi  namin malaman ang laman ng file pero bakit niya yun gagawin kay Jane pati kay Kent?






JANE'S POV


Pagkauwi ko ng bahay chineck ko agad ang phone ko dahil baka nagtext na si Kent o kaya naman si James.



Nagulat ako sa nakita ko dahil nag trending ang video namin ni Kent na naka topless at naghahalikan. Hindi lang pala sa Facebook yun mag ba-viral pati narin sa Youtube. Nakita ko ang account ni Jake at siya ang nag-upload nito, pero pano siya nagkaron ng file namin? Galing ba yun sa USB? Ibig sabihin kay Kent yung USB? Siya ba ang Mystery Caller?








"Jane sorry, hindi ako yung nag-upload nung video nyo ni Kent. Ahm ano kusa yun nag upload pero hindi ko alam kung bakit siguro na virus." Pagpapaliwanag ni Jake habang nasa kabilang linya.




The Mystery Caller SEASON 1 (Watt U  Trilogy) #TheWattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon