EPILOGUE

25 0 0
                                    


Note: SALAMAT PO SA LAHAT NG SUMUPORTA SA THE MYSTERY CALLER! SALAMAT AT NAKA-ABOT KAYO DITO! HANGGANG SA SUSUNOD NA SEASON! -twodownborj

P.S SUPORTAHAN NIYO RIN ANG SEASON 2. 



EPILOGUE

Makalipas ang apat na b'wan....

Ang dami nang nangyari sa aming magkakaklase. Pagkatapos ng mga nangyaring trahedya sa unibersidad na ito mabuti naman at naging maayos na ang lahat. Ang buong akala ko lahat kami mamatay pero hindi pala dahil nagawa namin ang lahat... Nalampasan namin ang lahat ng mga masasamang nangyari sa amin.

Apat na taon na ang lumipas, si Jane at Kent itinuloy ang kanilang pagmamahalan sa kabila ng panggugulo sa kanila ni Cindy. Cindy? Candy nga pala ang totoo niyang pangalan. Si James naman naka move-on na kay Jane at nagkaron na siya ng dayuhan na nobya. Si Jake naman magbabakasyon sa Japan kasama ang kanyang pamilya. Malungkot nga kami dahil wala na si Angel. Namimiss na namin siya maka-bonding.

"Uy Joy? Anong ginagawa mo dito?" narinig ko ang isang boses ng babae mula sa likuran ko. Nandito kasi ako ngayon sa seaside at nagmumuni-muni. Paglingon ko sa likod agad kong nakita si Jane na may dala-dalang shoulder bag. Ano kayang ginagawa niya rito?

"Jane!" agad akong lumapit sa kanya para yakapin. "Kamusta ka? Kamusta kayo ni Kent?"

"Ok lang naman kami ni Kent. Di ko siya kasama ngayon 'e. Nasa Canada kasi siya nagbabakasyon pero babalik din siya sa next school year." tugon ni Jane. Bakas
sa kanyang mukha ang saya na nararamdaman ni Jane. Masaya na rin ako para sa kanya dahil wala ng manggugulo sa amin.

"Pagbalik nilang lahat mag set tayo ng swimming sa isang resort sa Cavite. Siguradong masaya 'yun."

"Oo nga 'e. Masaya kahit na ang daming nawala sa atin." biglang nalungkot si Jane. "Kung nasan man sila sana napatawad nila tayo, huli na kasi nating nalaman na si Cindy pala ang Mystery Caller na matagal na nating hinahanap."

"Wag kang mag-alala Jane. Ayos na ang lahat, wala nang gugulo sa 'tin. Dapat maging masaya tayo kasi achievement 'to! Nalaman rin natin kung sino ang walang hiyang demonyong nagtatago sa maskara ng eskwelahan natin." niyakap ko ulit siya. "Sana next school year sama-sama pa din tayong magkakaibigan."

"Oo naman!" niyakap din ako ni Jane at naramdaman kong umiiyak na pala siya. Umiiyak siguro siya dahil sa saya na nararamdaman niya. Ganon din ako parang gusto kong umiyak sa saya. Tears of Joy ika nga.

Lumipas pa ang ilang linggo at buwan bago bumalik ng Pilipinas ang mga kaibigan namin. Sinundo pa 'nga namin ni Jane si Kent sa airport na may dalang mga pasalubong. Ano kaya ginawa nito ni Kent sa Canada nang mag-isa? Mag-isa lang kask siyang nagbakasyon doon. Siguro nagpahinga lang matapos ang isang taong pagsisikap sa Wattsons.

Si James naman niyaya kaming mag-swimming sa Boracay kasama ang nobya niyang Amerikana. Aba! Ang swerte nitong si James ah nakamingwit pa ng dayuhan. Si Jake naman nasa Japan parin. Kelan kaya yun makakauwi? Miss kona kasi ang bespar ko na 'yun 'e. Pag umuwi yun dito at wala paring nobya ibig sabihin may karamay pa ako sa pagiging single hihi.

Hindi pa kasi ako interesado na maghanap ng bagong kapareha sa buhay. Hindi pa rin kasi ako maka move-on kay Erica. Gusto ko makapagtapos muna sa kolehiyo bago ako lumandi— este maghanap ng lovelife.

"Uy Joy! Nakatulala ka na naman diyan? Ano tara na?" pagyaya ni Jane sa akin. Nandito kasi kami ngayon sa isang bar na may sayawang nagaganap sa gitna. Hinila ako ni Jane habanh nainom ng alak sa isang table. "Magpakasaya tayo diba sabi mo? Woooh!"

The Mystery Caller SEASON 1 (Watt U  Trilogy) #TheWattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon