CHAPTER 12 - #HuliKaKent

5 0 0
                                    

A/N: Kung meron mang typo or grammatical errors in this chapter paki-intindi nalang po hihi. Sorry kung bitin yung Chapter 11 minadali ko kasi yun eh!

WARNING: May mga foul words dito sa chapter sorry hihihi. Ganun talaga para damang-dama ang daloy ng storya.

Kabanata 12

#HuliKaKent

______________________________________

Jane's POV

Paano na kaya kung hindi na gumising muli si Gerard? Ano nang gagawin ko? Siguradong ako ang sisisihin nila sa pagkamatay ni Gerard.

Please gumising kana Gerard......

Marami pang nagmamahal sayo.....

Andito kami ngayon sa ospital at hinihintay parin na gumising si Gerard. Gusto ko nang aminin kela Angel, Jake, James at Kent na ako ang anak ni Mr.Roger pero hinihintay ko lang talaga si Gerard na magising. Gusto ko kumpleto silang lahat habang inaamin ko na ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Kung bakit ba to nangyayari sa aming lahat.

Pumunta rin ang iba pa naming kaklase na sina Bernard at Joemari. Dumating din si Cindy, ang babaeng hinuli kami sa hideout ng mystery caller. Ano naman kayang kinalaman nitong Cindy na 'to at bakit kailangan niya kaming imbestigahan. Bakit? Sa tingin ba niya isa samin ang pumapatay? Isa ba samin ang Mystery Caller?


"Jane, Angel, James, Joemari at Bernard, pwede bang lumabas muna kayo ng kwarto ni Gerard dahil may iimbestigahan lang kami ng mga pulis na kasama ko pwede ba?" Tumayo na kaming lahat at lumabas na ng kwarto. Hindi ko alam kung bakit parang ang init init ng  dugo ko sa kanya. Siguro na-badtip lang ako dahil pinalabas niya kami sa kwarto ng kaibigan namin na hanggang ngayon nakahiga parin sa kama niya.

"Jane? Kamusta na si Gerard? Nandun na ba yung mag iimbestiga sa kanya? Susunod na rin ako sa kanila dahil kailangan pa naming alamin kung gigising pa si Gerard o kaya naman hindi na." Napatingin ako kay Mama. Isa nga pala siyang doktor pero ang alam ko iba ang doktor ni Gerard pero si Mama ang nakita kong doktor ngayon na maghahanap ng resulta kay Gerard.


"Nandun na sila ma, bakit pa nila kailangan imbestigahan yung tao eh hindi pa naman siya patay. Doktor dapat ang nag-iimbestiga sa kanya hindi dapat mga soco hindi ba?" Tanong ko kay Mama.


"Anak, baka kasi nakainom yung si Gerard kaya kayo nadisgrasya. O kaya naman positive siya sa drugs." Nagulat ako sa sinabi na yun ni Mama.

"Ma? Kami ang kasama ni Gerard at hindi siya lasing ma! At lalong hindi din siya nag da-drugs ma, mabuting tao po yun si Gerard. Nakita talaga namin sa harapan ang tao na yun ma at iniwasan namin yun pero....." Pinigilan ako ni mama sa pagsasalita.

"Sige na anak, naniniwala ako sayo. Mabuti pa pumunta muna kayo sa ligtas na lugar Jane kasama ang mga kaibigan mo." Wala na akong nagawa at sinunod ko na ang sinabi ni Mama. Pero hindi ako umuwi sa bahay. Sa halip ay niyaya ko sila Angel at James na pumunta kami sa hideout kung saan nagtatago ang Mystery Caller.




"Jane baka mapahamak na naman tayo nito, binilinan na nga tayo ng Mama mo na pumunta sa ligtas na lugar pero eto... Pupunta pa tayo kung saan nagtatago ang tao na humarang sa daan natin." Narinig kong sabi ni Angel habang nakasakay kami sa kotse ni James.

Bigla ko lang din na-realize.....

Paano nagkaron ng kotse si James?

"James? Ahm.... Sayo ba talaga 'tong kotse?'' Tinanong ko siya habang nagmamaneho ng kotse niya.

The Mystery Caller SEASON 1 (Watt U  Trilogy) #TheWattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon