CHAPTER 6 - #TheBox

26 1 0
                                    


Kabanata 6

#TheBox

JANE'S POV



Kinabukasan nung party na yun sa bahay nila Kent, nasagap ko agad ang balitang pinatay si Erica. Akala ko fake lang ang kumakalatna larawan ni Erica. Hindi ko kayang tignan ang nangyari, ang pugot niyang ulo na nakasabit sa likod ng pintuan. Bakit kailangan pa siyang madamay, bakit kailangan pa niyang mamatay. Napaka inosente niya sa mga nangyayari, walang pinipiling tao ang mystery caller, ni wala rin siyang awa sa mga estudyanteng pinapatay niya. Malaki ba talaga ang galit niya samin? Ano bang kasalanan namin? Bat kailangan pa kaming isa-isahin?


 Naawa ako kay Joy, dahil ang kaisa-isa niyang girlfriend ay madadamay sa gulo. Siguradong galit na galit si Joy sa gumawa nun kay Erica. Ang talino talaga nung mystery caller na yun, habang nagsasaya kami sa party hindi namin namalayan na may papatayin na naman pala siya.

"Dingdong!"  tunog ng doorbell namin sa main door.

Binuksan ko ang pinto pero wala namang tao sa labas, nakita ko na may kahon sa baba kaya kinuha ko ito at inilagay sa lamesa. Nabasa ko na ito ay para kay Mama dahil nakalagay ang pangalan ni mama na Diana.

"Oops! Anak pangalan ko ang nakalagay diyan kaya hindi mo pwedeng buksan yan okay?"  sabi ni mama habang nagbabalak akong buksan ang kahon.

"Eh mama, curious lang naman ako sa laman niyang kahon na yan eh. At saka sino naman ang magpapadala sayo niyan?"  nagtaka din si mama sa sinabi ko. Kung hindi nyo na tatanungin, wala na akong ama dahil namatay na raw ito sa aksidente at hindi ko na nasilayan ng buhay ang ama ko.

"Ah basta, Uy Jane nabalitaan mo na ba ang nangyari dun sa ka-schoolmate nyo na si Erica?"  tanong ni mama

"Opo ma, nakakalungkot nga eh. Sobrang brutal nung ginawa sa kanya ma. Mas naaawa ako sa kaklase naming si Joy dahil wala na ang girlfriend niya. Malapit pa naman sila mag 1st anniv."  tugon ko kay mama

  "Jane? Si Angel to, tara punta ka sa Cafe."

Isang text message ang natanggap ko kay Angel at nagpaalam na ako kay Mama para pumunta ng Cafe.

Pagpunta ko sa Cafe nakita ko na sila Angel at si Jonna mula sa labas at pumasok na ako sa Cafe dahil parang may gusto silang sabihin sa akin.

"Angel? Jonna? Bakit niyo ko pinapunta rito sa Cafe?"  tanong ko sa kanila

"Babalaan ka lang sana namin na kapag nagtext sayo ang numero ni Jake o kaya ni Erica hindi na sila yun okay, matik ang mystery caller na yun."  tugon ni Angel

"Oo mas mabuti nang maging maingat tayo guys, dahil nga sunod sunod na ang patayan na nagaganap may balak ang mga pulis na makipagkita sa Mystery Caller." tugon din ni Jonna

"Pero paano kung ayaw nung mystery caller?"  tanong ko sa kanya

"Ayun na nga Jane, ikaw ang gagamitin. Dahil ikaw ang unang biktima, ikaw ang gagamitin pero hindi ikaw ang makikipagkita sa mystery caller. Pangalan mo lang ang gagamitin nila para mapapunta ang mystery caller."  tugon muli ni Jonna habang si Angel at nakikinig ng mabuti saming dalawa

"Ah okay, pero bakit kailangan ako pa? Nakakasigurado ba kayo na ako ang unang biktima niya? Hayys sana gumana ang plano ng mga pulis para makilala na siya."  tugon ko kay Jonna

"Oo mahigpit namang babantayan ng mga pulis ang magpapanggap sayo, nakakasigurado sila na hindi mapapahamak yung magpapanggap sayo Jane. Para matapos na ang lahat ng ito."  tugon ni Jonna pero may kaba akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag parang may mangyayaring masama pero di ko alam kung ano yun

The Mystery Caller SEASON 1 (Watt U  Trilogy) #TheWattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon