CHAPTER 16 - #MgaLihim

6 0 0
                                    



Kabanata 16

Mga Lihim

SPG: LANGUAGE
______________________________________

Joy's POV





"Bi-curious ka ako naman virgin hehe." Yun ang naalala kong sinabi sakin ni Jake noong una kaming magkakilala sa Wattsons. Narinig ko din ang mga kwento niya tungkol sa isang suspek at murder sa pagpatay noon sa Wattsons University. At ngayon bumabalik na naman ang lahat ng mga nangyayari. Ayokong sabihin na dahil kay Jane ay namamatay na lahat ng mga taong nasa paligid niya. Maaaring gusto lang maghiganti sa kanya nung tao na yun at pinahihirapan siya kapag nalalaman niyang isa-isang namamatay ang mga taong pinagkatiwalaan niya at mga taong nasa paligid niya na nadadamay.

Isang gabi bago makulong si Kent nung mga panahon na iyon. Naalala ko ang mga lihim na sinabi sa akin ni Jake, at kung bakit siya may sugat sa kanyang noo. Sinabi ko rin sa kanya lahat ng mga sikreto at lihim na itinatago ko sa kanya.

[FLASHBACK]

"Psst, bi-curious!" Tinawag ako ni Jake habang hawak ko ang cellphone ko at katext si Jane.

"Yes... Mr. Virgin. Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya habang siya ay nasa kitchen.

"Diba nagtanong ka sa akin kung saan galing yung sugat ko dati sa noo?" Tanong niya at tumango-tango ako sa kanya.

"Ganito kasi yun, 8pm ng gabing iyon at unti nalang ang mga tao dahil ang iba ay umuwi na. Bago tayo magkakilalang dalawa, nasa college building ako nun at naka upo sa mga benches. Nakakita ako ng isang babae na umalis mula sa bench niya at nakita ko ang isang dyaryo na kung saan ko nalaman ang kwento ng Wattsons University Serieal Killer noong dekada 80's. Nabasa ko doon lahat ang tungkol sa mga magulang ni Jane na sina Mr. Roger at Daisy. Hinabol ko yung babaeng naka iwan ng dyaryo niya, nakita ko kasi siyang pumunta sa garden sa likod ng school pero pagpunta ko don wala naman siya. Nang pabalik na sana ako sa quadrangle nagkamali ako ng hakbang dahil akala ko may hagdan paakyat at napadapa ako at doon ko nakuha ang sugat ko sa ulo at mabuti nalang gumaling na agad iyon pagkaraan ng ilang araw."
Pinakinggan ko lahat ng inilahad sa akin ni Jake. Naniwala ako sa mga sinabi niya at saka ako naman ang nag kwento.

The Mystery Caller SEASON 1 (Watt U  Trilogy) #TheWattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon