CHAPTER 4 - #TheParty

36 2 0
                                    


Kabanata 4

#TheParty


P.S MAGULO ANG PAGKAKAGAWA KO DITO PERO SANA INTINDIHIN NYO NALANG HAHAHAH

JANE'S POV



  "Ano?! What the! Bakit nyoko iniwan? Ang daya nyo naman hindi ko alam papunta dyan sa Party."
sigaw ko sa telepono habang naglalakad sa labas. Pupunta sana ako kela Angel at Gerard kaso nauna na pala sila.


 "Sabi kasi ni Joy samin nauna ka na raw."
sagot ni Gerard


 "Hayyys tsk, wala nga akong number ni Joy eh."

Habang naglalakad ako sa madilim na eskinita may naririnig akong naglalakad sa likod ko, ngunit pag lingon ko wala namang tao kaya binilisan ko na ang paglalakad ko para makapunta na ako sa highway.


  "Eeeeek! Sino ka? Sino ba 'to!!!"

Nagulat ako dahil paglingon ko sa harap ay may nagtakip sa mata ko at di ko kilala kung sino.

 "Ssshh si Joy lang 'to."
tinanggal na nya ang pagkakatakip sa mata ko at ngumiti sakin. "Sabay na tayo papunta dun sa party." dagdag pa nya.


 "Siraulo ka Joy! Kinabahan ako sayo! Iba rin trip mo eh noh? Sinabi mo pa kela Angel at Gerard na nauna na ako! Teka pahingi nga ako ng number mo?"


 "Hahaha sorry na agad Jane. 0997******* ayan na, globe yan Jane ah!"

 "Okay. Gora na tayo dun sa party!"


Sabay umalis na kami sa eskinita na yun, ang nakakagulat lang ay sa likod ko narinig ang maingay na yapak na sumusunod sakin pero galing sa harap ko si Joy. Posible kayang may tao sa likod kanina na sinusundan ako?

ERICA'S POV

Sayang hindi ako nakapunta sa party, kailangan ko pa kasing tapusin yung projects ko eh. Kung matatapos ko 'to agad makakasama ako sa party nila kaya kailangan tapusin ko na 'to agad.

"Riiiiing!"

Bigla kong narinig yung ringtone ng cellphone ko kaya sinagot ko 'to agad. Number lang ang tumatawag kaya tinanong ko kung sino ba 'to

"Hello? Sino po sila?"

"Ang tamang tanong Erica ay nasaan ako nagtatago."

"Huh? Sino po kayo? Tama na nga ang kaka prank call kung sino ka man!"

"Seryoso ako Erica! Pag binaba mo 'tong phone mo mapapahamak si Joy sa party gusto mo ba yon?"

"Joy ikaw ba 'to? Iba din trip mo ah! Wag kang ganyan babe please natatakot ako tama na!"

"Hahahaha sana nga si Joy ako, pero hindi. Dahil ako ang mystery caller!"

"Hahaha nakakatawa ka Joy noh? Sige na tama na may projects pa akong gagawin."

"Ayaw mo talagang maniwala? Ayaw mo talagang maniwala na alam ko ang ginagawa mo habang nakasuot ka ng yellow shirt!"

"Sino ka ba talaga? Nasan ka? Umalis kana please. Dadating na si Joy papatayin ka niya pag di kapa umalis sige ka!" takot na takot na ako habang kumukuha ako ng patalim kung sakaling nandito nga ang sinasabi nilang mystery caller. Kailangan ko mag iwan ng sulat kahit sandali. Ilalagay ko ang Joy please help me the caller will kill me.

"Di mo nakakalimutan? Pumunta si Joy sa party kaya wala ka ng mapupuntahan pang iba Erica. Kahit magsulat ka pa dyan sa sticky note, gigilitan ko ang leeg mo at ilalagay ko sa likod ng pintuan mo hahaha."

"Bakit ba ang sama mo, ano bang kasalanan ko sayo hah? Please maawa ka sakin please kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral para sa pamilya ko kung sino ka man please may pangarap pa ako sa buhay." papunta ako ng banyo para magtago dahil takot na takot na talaga ako at alam kong nandito nga ang killer.

"Hindi ito oras para mag drama Erica! Kung gusto mong mabuhay, go run for your lives. Hindi mo kasalanan kung bakit mo ginagawa 'to kasalan to ni Jane! Si Jane ang sisihin mo sa pagkamatay mo Erica!"

The Mystery Caller SEASON 1 (Watt U  Trilogy) #TheWattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon