CHAPTER 20.1- THE MYSTERY FINALE

7 0 0
                                    

Note: MALAPIT NANG MATAPOS ANG STORY GUSTO NYO BA NG BOOK 2 OR SEASON 2

WARNING: PURO BAD WORDS IN THIS CHAPTER


Kabanata 20.1

#TheMysteryFinale

JOY'S POV

Nagkakasiyahan na kami sa loob ng bahay nila Kent. Ito na siguro ang pinakamasayang huling gabi ng taon. Pero ito na rin ang huling gabi para maitigil na ang misteryosong nagaganap sa Wattsons. Habang nagkakasiyahan kami sa loob ng bahay, napansin kong nawawala si Jane. Hindi ko siya mahanap sa bawat sulok ng bahay. Sinubukan kong tanungin sila James ngunit nagkibit-balikat lamang ito.

Nakaramdaman ako ng kaba sa aking sarili dahil baka sa mga oras na ito ay umaatake na ang Mystery Caller.

Lumabas ako sa bahay nila Kent upang tignan ang mga monitor na nasa kotse. Wala doon si PO4 Brando kaya naman malaya akong nakasilip sa mga computer na naroon sa loob.

Tumambad sa akin ang isang surveillance video kung saan naroon si Jane at ang kanyang mom. Papunta na sana ako sa lugar na iyon nang biglang bumungad sa harapan ko si PO4 Brando.

Sa gulat ko ay napa-atras ako palayo sa kanya. Ngunit sa bawat paghakbang ko papalayo ay siya ring paghakbang niya papalapit sa akin.

"Bes! Ano nangyayari dito?" Sigaw ni Angel na nasa likuran ko at may dala-dalang red cup. "Anong ginagawa mo dito Angel? Umalis kana dito!" Sigaw ko sa kanya nang makita kong may inilabas na itak si PO4 Brando mula sa kanyang kotse.

"Sir Brando ano pong gagawin nyo dyan sa itak na yan? Huwag po!" Pagmamakaawa niya kay Brando. Nang mapansin naming akma niya kaming hahabulin, tumakbo kami ng mabilis papalayo sa kanya hanggang sa magkahiwalay kami ni Angel.

"Angel! Angel!" Sigaw ko habang hinahanap ko si Angel. Bakit ganito sa lugar na ito? Magbabagong taon ngunit parang gubat sa dilim ang paligid dito. Hindi ko mahanap si Angel dahil sa dilim na bumabalot sa palibot na ito.

"Bes tulooonggg!!!" Hinanap ko ang boses na iyon. Kung saan nanggagaling ang saklolo na naririnig ko. Hindi nga ako nagkamali, nakita ko si Angel duguan at walang awang pinagsasaksak ng naka maskarang tao. Walang iba kundi ang misteryosong taong naghahasik ng lagim sa Wattsons.

Nang matapos niyang patayin at sunod-sunod na pagsasaksakin si Angel ay tumakbo ito papalayo sa akin at waring naghahahamon ng habulan. Hahabulin ko na sana ang taong iyon nang tumambad muli sa harapan ko si Brando.

"Bakit niyo po ba ginagawa sa amin to? Bakit ninyo kinakampihan at tinutulungan ang taong iyon? Sino bayon huhuhu." Sunod sunod na tanong ko habang napaluha na ako dahil sa wala na akong takas pa sa kamay ni Brando.

"Sorry, kailangan kong gawin 'yun. D-dahil....
A-anak ko siya. Anak ko si Cindy. Hindi ko siya pwedeng biguin sa gusto niyang gawin na maghiganti sa mag-inang iyon." Bakas sa kanyang mukha ang pagkalungkot niya sa kanyang mga sinabi. Nauunawaan ko na ang lahat pero isang tanong ang sumagi sa isip ko. Magkapatid ba sila Jane at Cindy? Hindi kaya Candy ang totoong pangalan ni Cindy?

The Mystery Caller SEASON 1 (Watt U  Trilogy) #TheWattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon