CHAPTER 17 - #MaligayangPagbalik

6 0 0
                                    


Kabanata 17

Maligayang Pagbabalik

Joy's POV

Breaktime na at hinanap ko kung nasan si Jane. Wala kasi akong kasabay dahil may ibang kasabay na si Jake na kumain. Hinanap ko sa quadrangle kung nandon nga si Jane, at hindi nga ako nagkamali dahil nandon nga si Jane at mukhang may katawagan sa kabilang linya.

"Anoo?! S-si Joy!" Narinig kong sabi ni Jane habang may kausap sa kabilang linya.

"Jane, bakit?" Lumapit ako ng konti sa kanya at tinanong kung bakit narinig ko ang pangalan ko.

"Ah a-ano kasi, um-umorder ako ng Jolibee Chicken Joy p-para mamaya pang-foodtrip." Nauutal niyang sabi at binaba na ang linya.

"Bakit parang nauutal ka dyan? Hulaan ko, mga lihim mo na naman na tinatago yan noh? Sinong kausap mo, si Angel ba?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Alam kong palusot lang niya ang chicken joy na sinabi niya dahil ang sabi niya "si Joy" which means ako ang tinutukoy niya at ako lang naman siguro ang kilalang Joy ni Jane.

"W-wala, tara kain na tayo." Sabi niya pero pinigilan ko siyang maka-alis.

"Hindi ka aalis hangga't hindi mo sinasabi ang dahilan kung bakit narinig ko ang pangalan ko sa katawagan mo sa kabilang linya." Hinawakan ko nang mahigpit ang mga braso niya para hindi siya tuluyang maka-alis.

"Aray....Joy ano ba? Tigilan mo na yan nasasaktan ako. Ano naman sayo kung narinig mo ang pangalan mo, hindi lang naman ikaw ang Joy sa mundo diba?" Tinulak niya ako at iniwan akong punong-puno ng katanungan. Kung bakit parang umiwas bigla agad sakin si Jane, may mali ba akong nagawa.

"Wala ka bang kasabay Joy?" Biglang lumitaw sa harapan ko si Cindy, siya nga pala ang unang naging kaibigan ko nung hindi ko pa nakikilala si Jake. Nagkakilala kami ni Cindy sa isang cafe na malapit dito sa Wattsons University. Kinwento ko lahat sa kanya ang mga nalalaman ko tungkol kay Mr.Roger at ang anak nila na si Jane nung mga panahong nagkakasama pa kami at hindi ko pa masyadong close noon sila Jane.

"Oo eh, nagtatampo yata si Jane sa akin." Sumama na ako sa kanya na kumain sa canteen.

______________________________________

Naalala ko ang sinabi sa amin ni Cindy na nag-aaral daw siya ng mga pagpatay sa kaso ni Mr.Roger.

Bakit niya ba yun pag-aaralan kung G11 Senior High students pa lang namin kami?

At bakit gustong-gusto niyang malaman kung sino ang Mystery Caller?

The Mystery Caller SEASON 1 (Watt U  Trilogy) #TheWattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon