CHAPTER 8 - #Hidden Hideout

11 0 0
                                    

A/N: Chapter 8 na din tayo sa wakas! Malapit na kaya nating malaman kung sino ang killer? 

Kabanata 8

#HiddenHideout




KENT'S POV

Pag pasok ko sa university bali-balita ang tungkol sa kay Jonna. Pinatay daw siya kagabi at natagpuan siyang patay sa rooftop ng Police Station.

Grabe talaga ang mga nangyayari sa university namin, hindi mo alam kung sino ang paniniwalaan mo.

Tinawagan ko si Jane para tanungin kung anong nangyari kay Jonna.

"Kent? Napatawag ka?" Tanong ni Jane mula sa kabilang linya.

"Hindi kaba papasok? Gusto ko lang tanungin kung ano bang nangyari kay Jonna?" Tugon ko sa kanya.

"Hindi eh. Tinatamad ako. Si Jonna, pinatay siya kagabi ng mystery caller. Ayaw ko ngang pumasok eh, sinisisi ko kasi ang sarili ko kung bakit namatay si Jonna." Tugon ni Jane habang narinig ko siyang napahagulgol ng mahina. "Kent, kasi hindi ko pinili si Jonna. Pinapili ako ng Mystery Caller kagabi pero ang sabi ko lang naman na huwag niya saktan si Angel pero pinatay niya pa din si Jonna." Dagdag pa ni Jane habang naririnig kong humagulgol na siya sa linya.

"Hindi mo kasalanan yun Jane! Kasalanan 'to ng mga kaibigan mo! Lumabas kasi sila kaya ayan tuloy nagkaron ng pagkakataon yung killer na patayin sila. Kung nanatili lang sila don sa Police Station malamang buhay pa sila ngayon at hindi pinaglalamayan." Galit na sinabi ko kay Jane habang nasa linya.

"Pa-pano mo nasabi yan? Kung hindi ba sila lumabas hindi sila mamamatay?" Tanong ni Jane.

"Na-nasabi ko yun kasi...... Kase delikado, wala ang mga pulis sa stasyon kaya dapat hindi sila lumabas." Tugon ko sa kanya habang kabado at nauutal akong sumagot.

"Kent? Bakit mo naman alam na mamatay sila kapag lumabas sila sa stasyon ng pulis? Ikaw ba ang may gawa nito Kent?" Muling tanong ni Jane na lalo pang nagpakaba sa 'kin.

"Jane hindi kaba nag-iisip?! Lalabas ka ng ganun nang hindi mo alam na delikado. Delikado dahil baka may pagkakataon ang killer. Pinagbibintangan mo ba ako Jane na ako ang mystery caller? Na ako ang nasa likod ng walang kwentang krimen na 'to?!" Galit na sinabi ko sa kanya.

"Hi-hindi naman Kent, nagulat lang ako sa sinabi mo. Pero hindi namin alam na may nag-aabang na pala samin? Dahil ang alam namin nakipag kita si Mystery Caller sa nagpanggap bilang ako." Huminahon si Jane at muling tumugon sa 'kin.

"Jane... Maraming namamatay sa maling akala, kaya pinapayuhan ko na kayo. Dapat maging maingat na kayo dahil mautak ang killer, mautak ang mystery caller o kung sino pa man sya. Sorry Jane kung nasigawan kita kanina. Gusto lang kitang ingatan dahil gusto kitang maging girlfriend."


"Sorry din kanina Kent kasi pinagbintangan kita. Kent gusto din kitang maging boyfriend pero hindi muna sa ngayon dahil marami pa 'kong problema. Problema sa pag-aaral at problema sa pamilya." Pagpapasensya ni Jane.

"Anong problema sa pamilya Jane? Tulad ng nalaman mo kung ano talaga ang ikinamatay ng ama mo?" Tanong ko kay Jane.

"Parang ganon na nga.... Teka? Pano mo nalaman?" Pagtataka ni Jane sa sinabi ko.

"Ahm, wala hinulaan ko lang. Kasi diba namatay na yung ama mo nang hindi mo nakikilala kaya ayun bigla kong naisip yun tungkol dun." Tugon ko sa pagtataka ni Jane sa sinabi ko. Sabay nagpaalam narin ako sa linya dahil may klase pa ako mamaya.

Kailangan ko talagang mapalapit kay Jane ngayon para protektahan siya. Ay hindi pala, para malaman niya na ang katotohanan, sikreto at para magsisi siya kung bakit pa siya isinilang sa mundo.

The Mystery Caller SEASON 1 (Watt U  Trilogy) #TheWattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon