LOP : Flower Academy

98 6 0
                                    


Gumising kami ng maaga ni Anabell dahil maglalakad pa kami ng ilang kilometro papuntang paaralan.

Ngayong araw na kasi ang regestration for students na papasok sa paaralan.

Lahat ng mga mag-aaral na nakapagtapos ng secondary level ay inaanyayahang makapasok sa legendary school na PURPLE ACADEMY kung saan lahat ng mag-aaral ay gumagamit ng flowers magic.

Ngunit ang legendary school ay pinalitan ng bagong generasyon at tinatawag nila itong " FLOWER ACADEMY " the school of flowers magic.

Ang lumang pangalan ng paaralan ay binago ng makapangyarihang angkan dahil sa pagkakaalam ko ang lumang pangalan ng paaralan ay nagbibigay paalala sa madugong digmaan.

Samantha! Hali kana!

Papunta na ako diyan sa labas Anabell!

Maghihintay ako rito!

Heto na!

Pasensya na kayo masyado lang kasing excited yang si Anabell. Pinangarap niya kasing makapag-aral sa Purple Academy na kong saan tinatawag na ngayong FLOWER ACADEMY.

Pagbaba ko sa hagdan mula sa ikalawang palapag ng bahay ay nakita ko ang puting sobre na nakalagay sa lamesa. Pinaghandaan talaga ng kaibigan ko ang pag-alis niya. Dumiretso na ako sa labas at nakita ko namang naiinip sa paghihintay si Anabell.

Ngumiti siya ng nakita niya ako at lumapit saka hinawakan ang kamay ko at hinila niya ako habang tumatakbo.

Hali kana Samantha ! Baka mahuli pa tayo sa pagpasok sa paaralan.

Ano ka ba Anabell alam mo namang sa susunod na linggo pa ang pasukan di ba!

Alam ko! ngunit ang ibig kong sabihin baka mahuli tayo. Nakakapagod kayang pumila at maghintay.

Ano kaba maaga pa kaya!

Maaga nga, ngunit malayo pa kaya ang lalakarin natin at isa pa magsasara ang lagusan ng TREE of LIFE ng mga 8:00 am kung saan tayo dadaan.

Ganoon ba! Kailangan pa pala nating bilisan ang paglalakad. Siya nga pala ano ba ang TREE of LIFE? I mean anong ibig sabihin niyan?

Sa pagkakaalam ko samantha, ang tree of life ay ang bumubuhay sa mga halaman at kapaligiran. Siya ang nagbibigay kulay ng mundo mula sa halaman hanggang bulaklak. Isa pa isa itong makapangyarihang puno kung saan may kakaibang kulay at liwanag.

Ganoon ba! Nakita mo na ba ito?

Sa totoo lang hindi pa. Kaya nga excited ako diba.

Ay! Hindi halata. Dahil subrang halata.

Pasensya kana Samantha ngunit kailangan ko na talagang gamitin ang powers ko.

Ano kaba! Masyadong mapanganib yang gagawin mo baka ipahamak patayo ulit niyan. Minsan na kaya tayong itinapon niyan sa malayo. Ang kapangyarihan kasi ni anabell ay isang bulaklak na gumagamit bubbles. Sabay kaming pumasok noon sa bubbles at kusa nalang kaming itinapon ng napaka layo at ang okay lang sana kung bumagsak kami sa tubig ngunit sa lupa pa kaya ayon subrang sakit ng pwet namin noon at muntik pa kaming hindi makapasok sa paaralan noon dahil sa namamaga ang pwet namin buti nalang at semestral break nangyari.

Huwag kang mag-alala Samantha. Matagal ko ng sinanay ang kapangyarihan ko kaya sigurado akong walang mangyaring masama sa atin.

Pero... Sige na nga para mas makaabot tayo ng mas maaga sa TREE of LIFE at makapasok sa paaralan.

Pinalabas na ni Anabell ang kanyang kapangyarihan at gumawa siya ng isang malaking bubble. Pumasok na kami sa loob ng bubble. Maya-maya ay umangat na kami saka tumilapon sa napakalayo. Dahil sa kaba ay gusto kong sumigaw ng napakalakas ngunit malabong mangyari dahil kami lang din naman ni Anabell ang mabibingi.

Chill ka lang best! Makakarating din tayo ng maayos at walang masamang mangyari. Sabay ngiti pa.

Nginitian ko lang siya kahit kinakabahan parin ako hanggang ngayon.

Maya - maya ay pababa na ang bubble na sinasakyan namin. Kaya nagpipigil ako ng hininga dahil sa sumasakit ang dibdib ko at nakakaramdam ako ng pagsusuka at pagkahilo. Naiimagine ko kasi ang pagsakay ko noon ng Fairy Sweel na parang lumalabas at pabalik ang puso ko sa kaba at hirap sa paghinga idagdag mo pa ang pagkahilo.

Nasilayan na namin ang napakalawak na kagubatan na may kulay pink na puno at liwanag. Ito na kaya ang TREE OF LIFE? Ang ganda at ang linis ng tubig. Sa likuran ng puno ay may bilog na parang lagusan na parang tubig kung gumalaw. Lumampas ang bubble na sinakyan namin sa puno at agad kaming nakapasok sa lagusan. Nakaramdam na naman ako ng pagkahilo at parang may mabigat na bagay sa loob ng katawan ko.

Gumugulong- gulong ang bubble kaya gumulong-gulong rin kami ni Anabell sa loob.

Huminto ang paggulong nito ng biglang nabasag ang bubble at dahil nasa itaas kami ng bubble ay bumulusok kami sa lupa.

Si Anabell ay nakasobsob ang mukha sa lupa at nakataas ang mga paa. Habang ako ay bumagsak ang pwet ko at nadapa sa lupa.

Ouch! Sabay naming sabi ni Anabell ng makaramdam ng sakit.

Nagtatawanan ang mga mag-aaral na nakatingin sa amin. Ang iba naman ay may binulong pa.

Mga lampa!

Dapat lang yan sa kanila!

Mga loser!

Dahil sa hiya ay agad kaming tumayo ni Anabell at binaliwala ang sakit na nararamdaman dahil sa hiya.

Nagtatawanan parin ang iba. Kaya umalis na kami ni Anabell saka pumila sa malapit na linya para sa registration.

Nauna na si Anabell. Inilagay ni Anabell ang kanyang kanang kamay sa accessing device na malaking screen. Lumiwanag ang bawat ugat niya sa katawan na tila sinuri ang katawan. Lumabas ang number ng kanyang dormitory G-116.

Ako na ang sumunod. Inilapag ko na ang aking kanang kamay. At ganoon parin ang nangyari ang kaibahan ngalang ay number G-112 ang dormitory ko.

Yes! Magkalapit lang ang dormitory natin! Sabay naming sigaw.

May kaunting instruction at paalala lang ang mga staff. Malalaman namin ang aming classroom schedule kapag nasa loob na kami ng dormitory. Sa loob ng dormitory ay dalawang mag-aaral lang dapat ang nasa loob.

Hinanap na namin ang aming mga silid saka naghiwalay na.

Pumasok si Anabell sa isang kulay blue na pinto.

Habang ako ay nakaharap lang sa kulay puting pinto. Kinatok ko ito. May isang boses na babae ang sumagot.

Binuksan niya ang pinto at sumalubong sa aking paningin ang isang napakagandang babae. Mula sa kulay puti niyang mga buhok, kulay puti niyang mga mata, at kulay puti niyang balat.

!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Susunod na ang next chapter!

# Please Vote or Comment!

Gracias!



FLOWER  ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon