LOP : Giant Flower Festival

106 8 1
                                    

Nagkahanda na talaga ang buong school sa isang napakagandang parada ng mga Mr. &Ms. Flower Academy. Excited na tuloy ako sa magiging kalabasan ng competisyon ngayong gabi kung saan gaganapin ang Q&A Question and Answer portion. Pero naiiexcite akong tingnan ang talents ng mga candidates ngayong tanghali. Malay ko ba kung bakit baka siguro naiexcite lang ako dahil sa kaibigan ko. Napaka talented kasi niya hindi lang sa pagiging matalino niya kundi sa pagiging palaban niya. Napaisip tuloy ako kung anong uri ng talent ang ipapalabas niya. Si Samantha kasi ang tipo ng kaibigan na mapaglihim yong bang tinatago niya yong mga problema niya at ayaw niyang sabihin sa iba. Naalala ko tuloy ang sinabi niya noon sa akin na " If you dont want to hurt someone just hide your secrets and think of yourself what is the best solution".

Malapit na palang magsisimula ang parada. Kanina ko pa pinagmasdan ang mga candidates ng bawat classroom ngunit hindi ko parin nakikita ang kaibigan ko. Mas mabuti pa sigurong puntahan ko nalang sila ni Danika sa dorm namin.

Tumakbo ako papunta sa dorm ni Samantha.

Samantha!

Samantha! sigaw ko habang naghahabol ng hininga.

Malapit ng Magsisimula ang parada. Kailangan mo ng lumabas diyan sa loob ng silid. Anabell sabay katok ng pinto.

Hali kana Samantha! Hinihintay kana ng kapartner mong si Victor. Danika sabay bukas ng pinto.

Bessy! Ikaw ba yan! Napakaganda mo naman daig mo pa ang mga diyosa sa kagandahan. Anabell

Ikaw talaga anabell palabiro ka talaga.

Mukha ba akong nagbibiro?

Hali na nga kayo! matatagalan talaga tayo kapag dada parin kayo ng dada diyan. Danika

Bessy! Galingan mo mamaya ha! Anabell

Siyempre naman! Kailan pa ako nagpapatalo anabell?

Sa bagay! Ikaw na talaga.

Naglakad na kami sa hallway ng dorm ng mga girls. Nakasuot ako ngayon ng goddess dress. Royal Red ang kulay nito na may kumikinang na mga puting diamond flower designs. Sa bawat tapak ko sa sahig ay naglaglag ito ng pulang dust sa lupa.

Pagdating namin sa aming Giant Flower ay Malalalim na mga titig ang sumalubong sa aming pagdating. Nakanganga pa ang mga bibig ng ibang mag-aaral. Ang iba sa kanila ay napasabi ng "ang hot naman niya kasing hot ng suot niya". Ang iba sa kanila ay nagbubulungan habang ang mga kaklase naman namin ay kitang- kita sa mga mata nila ang pagkasurprise. Inihakbang ko naman ang aking mga paa paakyat sa Giant Flower na ginawa ng aming mga kaklase para sakyan sa parada.

Nakita ko naman si victor na nakatitig ang mga mata sa aking paningin. Nakasuot siya ng prince attire color red designed with goldens strings.

Iniabot naman ni Victor ang kanyang kamay para tulungan akong makaakyat sa sasakyan.

"You look so beautiful today my princess" bulong niya sa tenga ko ng nakaakyat na ako sa Giant flower namin.

"You look more handsome too my prince " bulong ko rin sa tenga niya.

Napansin ko namang nakatingin sa amin si Ariela. Tinitigan niya ako ng masama na para bang tinatakot ako. Nakasuot siya ng kulay white na may halong sky blue. Nakadesinyo rin rito ay mga bulaklak. Maganda rin siyang tingnan sa suot niya. Halata naman sa mukha niya ang pagkainggit sa suot ko.

Sory ka nalang dahil ang suot na ito ay ginawa ni danika. Kaya hindi mo masasabing pangit siya gumawa ng damit dahil tingin mo palang sa mga isinuot niya ay masasabi mo talagang fassionable siya.

Nilibot ko naman ang tingin ko sa buong paaralan. Pinaghandaan talaga ng mga mag-aaral ang araw na ito dahil pinalibutan ng napakaraming bulaklak ang paaralan. Pinakinggan ko naman ang bulungan ng ibang mag-aaral.

Si Ariela ba yon!

Bakit siya nakatingin kay Samantha?

Bakit masama bang tumingin!

Hindi kaya nagseselos siya?

Kay Samantha?

Nagseselos ba siya?

Oo!

Diba ex na siya ni Victor?

Oo!

Bahala ka diyan basta dito lang ako papanig sa best class natin na nakasuot ng kulay red na subrang nagpapainit sa dibdib ko at ng palibot.

Tama ka girl ! Pero mas iinit ang tensyon mamaya kaya panuorin natin ang kanilang talents.

Ang pinagtataka ko lang ay parang may something talagang mangyayari sa laban nila mamaya.

Bakit naman!

Sa tingin ko kasi may something fresh lover na nangyayari.

Kaya pala masama ang tingin ni ariela kay Samantha.

Manunuod talaga ako mamayang gabi sa magiging MR. And MS. FLOWER ACADEMY. Lalong lalo na ang laban ng dalawang may minamahal! Excited ako sa mangyayari mamaya! Sino kayang mananalo?

Ano bang pinagsasabi nila? Hindi naman ako nakipagkumpitinsiya kay Ariela. Hindi ba pwedeng ako lang ang pinili ng kaklase ko para sa paligsahang ito.

Pero kahit ako ang nakatayo rito at pinili nila kailangan ko namang gawin lahat ng makakaya ko sa kumpitisyon. Nakakahiya kaya kung wala kang ginagawa. Basta hindi ko ipapahiya ang mga kaklase ko bahala na't ako ang mapapahiya huwag lang sila.

Maya- maya ay nagsimula ng tumunog ang mga instruments na pinatogtog ng mga musical band ng paaralan. Ang tunog na ginawa nila ay ang refreshing and relaxing music na nagpapagaan ng damdamin.

Nagsimula namang naglalakad ang mga mag-aaral ng pinaandar na ang mga Giant Flower na sinasakyan ng mga candidates. Masaya na naglalakad ang mga mag-aaral habang dala- dala nila ang banner ng kanilang mga paboritong candidates. Sinusuportahan talaga nila ang kanilang mga pambato sa competisyon.

Nagsimula ang parada sa loob ng Paaralan hanggang sa binuksan ang malaking tarangkahan ng paaralan at nagsimulang naglibot sa buong paaralan. Ito na kasi ang nakaugalian ng namumuno sa Paaralan. Masaya namang nag-uusap ang mga guro habang nakasakay sa kanilang teachers Giant Flower.

Ang ganda ng paligid napapalibutan ito ng mga bulaklak. Ibat ibang uri ng mga bulaklak. Mas lalo pang tumitingkad ang kulay nila ng nasikatan ng liwanag ng araw. Parang sumasayaw ang mga ito dahil sa ihip ng hangin sa paligid.

Nagpatuloy ang parada hanggang sa nakabalik na kami sa aming paaralan.

Kumain muna kami para sa gaganaping competisyon. Pagkatapos kung kumain ay nagpaalam muna ako sa mga kasamahan ko para ihanda ang gagamitin ko sa talent portion ng paaralan. Basta masusurprisa ang lahat sa magiging talent ko.

Pagkatapos kung naihanda ang mga gamit ko ay lumabas na ako ng silid at nagsimulang naglakad papuntang venue ng competisyon.........

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

THE FLOWER ACADEMY

ABANGAN!

FLOWER  ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon