LOP : Unforgettable Past

100 6 1
                                    

Nang humarap na siya ng tingin sa aming guro ay saka ko ibinaling ang tingin sa kanya.

Hi! Good morning everyone. Cool niyang sabi.

Paninimula palang ng pagsalita niya ay nangingilabutan ako. Tumindig ang mga balahibo ko sa balat at nakaramdam ako ng takot at pangamba. Sino ba talaga ang taong to? Bakit iba siya sa karamihang mag-aaral.

I' m Victor....

Naputol ang sinasabi niya ng nagsasalita si maam.

Lahat kami ay inaabangan ang tunay niyang pangalan. Ngunit nadismaya kami ng pinutol ito ni maam at nagsimulang magsalita.

Sorry class, i need to go. The president are setting a meeting today. Okay lets meet next time okay!

Okay maam!

Nauna ng umalis si maam at ang mga kaklase namin ay pumunta ng Cafeteria para magpaserve ng pagkain.

Kami nalang ni William at ang nagngangalang Victor ang natitira sa loob ng classroom.

Nagbabasa ng aklat itong si William habang ang isa naman ay natutulog.

William! Maari bang magtanong?

Okay Sure!

Anong section nga pala tayo?

Hindi mo pa ba alam na ang Junior-1 ay walang sectioning.

Hindi!

Ganito kasi yan. Ang junior-1 ay ang pinakabata at pinakamahirap turuan nakadepende kasi ang sectioning sa iyong tinataglay na kapangyarihan kaya pagdating mo ng Junior-2 ay malalaman mo narin ang section mo. I mean natin.

Ganoon pala yon! Salamat william. Aalis nga pala ako!

Saan ka naman pupunta?

Doon lang sa may library! Matagal-tagal narin kasi akong hindi nakapagbasa ng aklat.

Sabay na tayo! Isasauli ko kasi itong dalawang librong dala ko saka manghihiram ulit ako ng iba.

Tayo na!

Sakto namang nagsidatingan na ang iba naming kaklase.

Napansin ko rin na mga kasamahan ito ng natutulog na si Victor.

Umalis na kami ni william papuntang library.

Pagdating namin sa Building FA-8 ay nasa main entrance ang lokasyon ng library.

Pumasok agad kami sa loob ang daming mga aklat mula sa history, general academic at hanggang sa physical skills, mental, emotional and differents classification of magics. May mga bagong aklat pa sa reserve area ng library.

Isinuli na ni william ang dala niyang libro kaya naghanap na uli ito ng bago.

Ang hinanap ko ay ang different kinds of magic dahil sawa na kasi ako sa mga academics na aklat at kababago ko lang din ang pagbabasa ng mga skills at iba pa kaya gusto ko rin ng bago.

Ayon sa wakas nakita ko narin. Nasa pinakadulo ito ng book shelves. Pupulutin ko na sana ang libro ngunit may naunang nakahawak nito.

Paglingon ko sa kanya ay nakita ko na naman ang walang emosyon niyang mga mata at nakakatakot niyang awra na pumalibot sa lugar. Nanginginig ang mga buto ko sa tuwing nakikita ko siya. Parang mawalan ka ng lakas ng loob na harapin siya. Na kahit gusto mong magsalita ay walang lumalabas na salita sa bibig mo. Ganito ang nararamdaman ko ngayon.

Dahil nahawakan ko ang kanyang kamay ay agad kung inalis ito sa mga kamay niya. Para kasing nakukuryente ako o di kaya ay napapaso sa init niyang pagningin.

FLOWER  ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon