LOP : Meet Again!

91 6 0
                                    

Gumising ako ng maaga at kasalukuyan na akong papuntang paaralan.

Nauna ng umalis si ate Jessica dahil may gagawin pa raw ito.

Isinara ko na ang pinto at saka bumaba sa stairway.

Nakasuot ako ngayon ng uniform at hindi ko na sana susuutin ito dahil sa subrang ikli ng palda. Kaso baka hindi ako papasukin sa loob ng paaralan. Maganda pa naman ang school uniform. Ang hot tignan at attractable sa mga mata. (Gaya ng sa mga korean.)

Pagbaba ko sa hagdan ay nakita ko si anabell na naghihintay sa ikalawang palapag ng building. Sinalubong ko siya ng yakap at halik sa pisngi.

Naglalakad kami pababa ng hagdan ng may narinig kaming bulong-bulungan ng mga kapwa namin mag-aaral.

Diba sila yong mga lampa!

Oo nga! Hindi lang mga lampa mga losers talaga!

Hahaha......................

Wala kaming ibang narinig kundi mga masasakit sa salita. Hindi nalang namin sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng dormitory.

Paglabas namin ay agad kaming pumasok sa malaking tarangkahan na nagpapahiwatig ng ibat-ibang kulay sa malaking Bulaklak at ang bawat galamay nito ay nagpapakita ng ibat-ibang kulay. Sa itaas naman ng malaking tarangkahan ay nakasulat ang pangalan ng paaralan " FLOWER ACADEMY " the new generation af flower magics ,formerly known as " PURPLE ACADEMY ".

Nagpatuloy kami sa paglalakad at natatanaw namin ang agaw pansin na bulletin board sa gilid ng malaking tarangkahan. Nakasulat rito ang mga namumuno sa paaralan hanggang sa mga staffs. Dahil wala naman kaming kilala sa kanila ay umalis na kami at dumako sa mga naglalakihang mga halaman at mga bulaklak. Napaka kinis at linis ng mga dahon. Tumitingkad ang kulay nito dahil sa sikat ng araw. Ngunit ang mas nakakamangha rito ay ang mga malalambot niyang pitals.

Napakalaki nga talaga ng paaralan kasinglaki pa ito sa inaasahan ko. Napakalinis ng buong paligid at may mga magagandang bulaklak pa tulad ng yellow rose, red,blue,white at pink. Gusto ko sanang pumitas ng isa ngunit bawal kasi. Dahil may nakasulat sa harapan namin na "If you touch the flowers you should be punished" kaya nakakatakot diba! Siguro makukuntinto rin ako sa mga bagay-bagay kahit sa paningin lang gaya ng pagtingin ko sa crush ko diba! Na kahit nasaktan kana ay pilit mo paring ipag pilit ang mga bagay na malabong mangyari dahil mahal mo siya ngunit ang tanong mahal kaba niya? Ouch! ang sakit pakinggan ang katagang iyan.

Hoy Samantha! Okay ka lang?

Ahh- ako ba ang tinatanong mo?

Ay hindi! Alam mo namang tayo lang ang magkasama diba?

Ay sorry Anabell, may iniisip lang.

Ganoon ba! By the way anong classroom pasok mo ngayon?

Classroom FA- 060! Ikaw?

Classroom FA- 100! Sorry hindi tayo magkaclassmate.

Okay lang yan Anabell isa pa magkalapit lang naman tayo ng dormitory. Isa pa hindi mo naman kasalanan na hindi tayo magkaclassmate diba.

Kung sa bagay! Tama ka naman. Pero nakakalungkot parin isipin na nag-iisa ka lang.

Hayaan mo magkaroon din tayo ng mga kaibigan.

Sana nga!

Pagpasok namin sa loob ng paaralan ay sumalubong agad sa aming mga mata ang napakalawak na Main hall ng paaralan. Dahil sa makintab na sahig at madulas pa ay natatanaw namin hanggang dulo nito. Nakasentro rito ang mga hightechnology weapons,godgets, at iba pa ngunit may nakaharang na protektive barriers dito. Sa kaliwang parte ng pinto ay nakasulat ang bawat lokasyon ng mga rooms and laboratories, training area, Canteen, at iba pa.

FLOWER  ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon