LOP : Votes!

74 7 0
                                    

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at saka tumayo.

Nagulat ako ng biglang tumunog ang tiyan ko. Hindi pala ako nakakain kagabi kaya pala nagrereklamo na itong sikmura ko. Napasarap talaga ang tulog ko kagabi.

Kumuha ako ng pagkain sa refregerator at saka kinain.

Maya-maya ay inihanda ko na ang susuotin kong uniform para ngayong araw. Kailangan ko munang maligo para fresh ang dating. Hindi kasing fresh ng isda kundi kasing fresh ng pagmamahal. Malansa kaya ang fresh na isda at sweet naman ang fresh lovers.

Pagkatapos kung magbihis ay sakto namang bumukas ang pinto saka pumasok sa loob si ate Jessica.

Hi ate Jessica! Good Morning!

Humiga lang siya sa kama saka nagtakip ng kumot sa mukha.

Ouch ang sakit naman! Iiyak na talaga ako nito sa hiya.

Bye ate Jessica!

Napansin ko namang mas lalo pa niyang tinakpan ng unan ang tenga niya.

Grabe naman, ako pa ngalang ang nagbibigay respito sa kanya tapos gaganituhin niya ako.

Wala naman akong ginawang masama sa kanya ah!

Pagod lang seguro yon kaya ayaw niyang magpadisturbo. Pero sa pagkakaalam ko may pasok siya ngayong umaga.

Ano kayang kinaaabalahan niya.

Hoy Samantha!

Dahil sa lakas ng boses niya ay napahinto ako sa pag-iisip at paglalakad.

May iniisip ka yata na hindi ko alam ah?

Ako may iniisip? Wala ah!

Siya nga pala Samantha maari bang sabay na tayong maglunch mamaya?

Sige ba!

Okay! Pero isasama ko sayo ang bago kung friend at secret lang to hah! Sabay bulong sa tenga ko. "Siya ang first crush ko sa loob ng classroom"

Dahil sa narinig ko sa kaibigan ko ay nanlaki ang mga mata ko sa tuwa. Oy! Si Anabell inlove na, witwew! So kailan ang kasal? Pagbibiro ko!

Sabi ko na nga ba tutuksuin mo na naman ako. Dapat hindi ko na to sinabi sa iyo.

Ikaw naman ang bilis mo naman magtampo. Biro ko lang yon! Promise hinding hindi na kita kukulitin tungkol sa crush mo.

Promise?

Promise! Sabay hug sa isat- isa.

Naghiwalay na kami ni Anabell dahil magkaiba kami ng silid paaralan.

Paliko na sana ako papuntang classroom ng bigla akong hinila ng isang babae.

Dont make a shout? Baby girl? Pabulong niyang sabi.

Kaya natahimik naman ako at hindi makapagsalita. It's Ariela a manipulative freck.

Oh baby girl, how's your mission?

Okay naman! Ginawa ko na ang gusto niyong ipagawa sa akin kaya pwede de ba, layuan niyo na ako.

Matapang ka na ngayon ha!

Sasampalin niya sana ako ng biglang dumaan ang isang staff ng school kaya hindi niya nagawa.

Maswerte ka ngayon! Tandaan mo hindi pa tayo tapos! Ohh poor baby girl. Sabay alis.

Pasalamat siya at marunong akong magpigil ng galit. Kung hindi..... Kung hindi kakagatin ko talaga siya.

Simula ng makilala ko talaga ang victor na iyan puro kamalasan na ang nangyari sa buhay ko.

FLOWER  ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon