LOP : Commitment

83 7 0
                                    

Tak!

Tak!

Tak!

Mga yabag ng mga sapatos at alam kung sila na ito.

Ang grupong tagasimuno ng gulo sa paaralan. Ang grupo ni Ariela.

Sinadya kung hintayin sila sa paborito nilang tambayan ang Flower Shelves.

Miss boss! Tuluyan na pong nilayuan ni Samantha si Victor.

Opo miss boss sa tingin nga po namin nagkagalit ang dalawa sa ngayon.

Miss boss pabayaan na po ba natin ang Samantha na iyon?

Sa ngayon kailangan muna nating siguraduhing tumutupad siya sa usapan.

Anong usapan?

Nanlaki ang kanilang mga mata ng bigla akong lumabas sa silid upuan.

Anong usapan! Galit kung sabi.

Ganyan ka na ba talaga ka disperada Ariela na angkinin ako. Hindi mo ba alam na minahal kita noon ng buong-buo. Ibinigay ko sayo lahat ng gusto mo para lang mapasaya kita! Ngunit anong ginawa mo niluko mo ako! At ngayon gusto mong angkinin ang pagmamahal ko? Anong klase kang tao Ariela? Hindi na ikaw ang Ariela na kilala ko at minahal ko ng buong-buo. Sa oras na gawin mo pa ito sa kanya. Tandaan mo! Hinding- hindi na kita kakausapin kailanman.

Tahimik lang na nakikinig sa sinabi ko ang tatlong kasama niya habang si Ariela ay naiyak sa sinabi ko.

Sorry victor..... Please... Please...give me one chance.

One chance? For what? For making me hert again!

Ganyan na ba talaga ako ka walang halaga sa iyo Victor? Dahil lang sa isang pagkakamali ko kinalimutan mo na lahat- lahat ng pinagdadaanan natin.

Oo Ariela! Ganyan kasakit ang ginawa mo sa akin sa araw na iyon. Gusto kung kalimutan lahat lahat ng ginawa mong pananakit sa puso ko. Gusto kong kalimutan ang pangalan mo ang lahat ng pinagdaanan natin ngunit hindi ko nagawa dahil sa awa ko sa iyo. Ngunit ang awang iyon ang nagbibigay kahinaan sa puso ko. Kaya binigyan kita ng bagong pag-asa. Ngunit anong ginawa mo sa bagong pagkakataon na ibinigay ko sa iyo? Kinalimutan mo at binago ang sarili mo. Sa tingin mo Ariela karapat dapat ka pabang bigyan ng isa pang pagkakataon?

Alam ko Victor na hindi ako karapatdapat na bigyan pa ng isang pagkakataon dahil sa ginawa ko. Kaya siguro nababaliw na ako! Nababaliw na ako sa pagsisisi sa ginawa ko sayo noon. Gusto ko lang bumalik ang pagmamahal mo sa akin. Ang pagmamahal mo na hindi mapapalitan nino man.

Huli na ang lahat Ariela! Hindi muna mababalik ang nakaraan at hinding-hindi mo na maibabalik ang pagmamahal na sinira at winasak mo noon paman.

Iniwan ko siyang nakadapa sa sahig at lumuluha. Sinaktan ko na naman siya.

Aaminin ko noon Ariela na na may kaunting pagmamahal na nananatili sa puso ko para sayo ngunit sinayang mo. Kaya patawad! Sana mapatawad mo ako sa ginawa ko sayo. Mas gugustuhin ko pa sigurong balikan mo si James. Ang James na sumira sa relasyon natin.

Dahil nakakaramdam na ako ng gutom ay dumiretso na ako sa Convenient para doon mag-order ng lunch.

Pagdating ko doon ay nakita ko si Samantha na masayang nakikipag-usap sa mga kasama niya. Halatang nag-eenjoy sila sa pag-uusap dahil hindi pa naubos ang pagkain nila.

Dahil hindi gaano karami ang mag-aaral na pumila ngayon ay mabilis lang akong nakaorder ng pagkain. Uupo na sana ako sa kabilang table ng tinawag ako ni William.

Mr. V-P dito kana umupo!

Kaya bakit ko pa tatanggihan ang offer niya. Isa pa buong buhay akong nag-iisa simula ng magbreak-up kami ni Ariela. Kaya kailangan ko naring eenjoy ang sarili ko.

Pinatabi ako ni William kay Samantha kaya hindi makapagsalita si Samantha. Alam kong nasa isip parin niya ang pagbabanta ni Ariela sa buhay niya.

Nagpatuloy sila sa pagkwento.
Si Anabell pala ang close friend and best friend ni Samantha at kababago lang naging kaibigan nito ang nagngangalang Joshua. Sa tingin ko hindi sa pagiging kaibigan mapupunta ang dalawang to kundi sa pagiging lovers. Halata kasi sa kinikilos ng dalawa.

Pagkatapos naming kumain ay kinausap ko muna si Samantha.

Samantha? Maari bang hindi ka magpapanggap sa harapan ko.

Ako nagpapanggap? Hindi ah!

Alam kung pinagbantaan ka ni Ariela.

Natahimik naman siya at hindi makapagsalita.

Kanina ko pa nalaman na pinagbantaan ka pala niya. Kaya sorry dahil nasaktan kita. Sorry dahil nadamay ka sa problema na hindi ka kasali. Kaya sana hindi kana magpapanggap sa akin. Please?

So-sorry din Victor! Naiiyak niyang sabi sabay yakap sa akin. Sa totoo lang gusto ko naman talagang kausapin ka ngunit hindi ko magawa dahil sa banta ni Ariela sa akin. Kaya pinilit kung layuan ka at gawin ang gusto niya. Patawad!

Hindi ka kailangang humingi ng tawad sa akin dahil kasalanan ko naman talaga lahat ito. kaya huwag kanang umiyak please? Gusto mo ako nalang ang lalayo para sa iyo?

Huwag mong gawin yan. Gusto ko lang kalimutan ang ginawa niya.

Lumapit naman si Anabell sa amin.

Samantha okay ka lang?

Okay lang ako Anabell! Sabay pahid ng luha sa mga mata. Tayo na! Saan niyo gusto pumunta?

Ako sa fountain! Anabell

Ako rin! Joshua

Ako din! William

Ikaw Victor?

Ako? kung saan ka masaya doon rin ako.

Majority wins! Tayo na guys! Ang mahuli pangit.

Ganyan nga Samantha magpakalakas ka. Para hindi ka apihin ng mga nasa paligid mo.

????????????????????????????

Abangan......

Gracias!

FLOWER  ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon