LOP : Night with Him

85 6 0
                                    

Masyado ng lumalalim ang gabi ngunit iniisip ko parin ang mga bagay na hindi ko dapat pagtuunan ng pansin.

Nakakaawa naman si Victor siguro hanggang ngayon naisip niya parin ang mga magagandang alaala sa buhay niya kasama ang nagngangalang Ariela na iyon. Hindi niya manlang inisip ang pagmamahal na ibinigay ni Victor sa kanya.

Nakakaawang Victor! Tagumpay sa larangan ng kumpetisyon ngunit bigo sa pag-ibig.

Kaya pala halos lahat ng kinikilos niya ay nagpapakita ng galit. Gusto niya palang mapag-isa.

Kung sa bagay kung ako rin naman sa posisyon niya ay talagang mahihirapan ako sa pagmove-on. Sino ba namang taong basta-basta nalang kalimutan ang mga alaalang nagdaan at umabot pa ng walong taon na samahan.

Kaya nga hindi ako pumapasok sa ganyang bagay dahil alam niyo na. Kahit walang manliligaw sa akin wala din naman akong sasagutin. Kasi ang puso ko ay nakareserve lang sa taong mamahalin ko sa habang buhay.

Ang sarap pakinggan diba!

Pero kung tutuusin nakadepende lang ang mga bagay-bagay. Hindi naman natin masasabing hawak natin ang pagpapasya ng iba at lalong hindi natin hawak ang puso ng bawat isa.

Char! Mabuti pang kumain na nga baka masiraan pa ako ng bait rito.

Hanggang ngayon ay hindi parin umuuwi si ate Jessica. Sigurado ako kapag umuuwi yon ay sa kama na naman ang bagsak non. Ano ba talaga ang ginagawa nila o ano ba talaga ang inaabalahan nila. Sa pagkakaalam ko ay mga senior Student lang ang may mga mission.

Kumuha nalang ako ng isang ham burger at chocolate juice. Magbabasa pa kasi ako ng aklat.

Pagkatapos kung kumain ay niligpit ko na ito saka bumalik sa kama at binuksan ang bullitproof na salamin. Pumasok ang malamig na simoy ng hangin na dumadapo sa aking balat. Natatanaw ko narin ang buong liwanag ng buwan at ang maliwanag na silaw ng mga bulaklak na naglalaglag ng light balls.

Kumuha ako ng aklat saka nagsimula ng magbasa.

Nang may napansin akong isang lalaki na mag-isang tinanaw ang maliwanag na buwan. Nakaupo ito sa isang malaking puno at pinagmasdan maigi ang paligid.

Dahil sa pagtataka ko ay agad kung isinara ang libro at saka lumabas ng pinto.

Pinuntahan ko ang kinaruruunan ng lalaki sa bandang likuran ng dormitory namin. Nasa itaas parin siya at tila ba may malalim na iniisip. Pinagmasdan ko lang siyang maigi. Nang naliwanagan ng silat ng buwan ang kanyang mukha ay siya pala ito. Bakit kaya siya nag-iisa dito sa labas.

Dahil napansin kung umiiyak siya ay dahan-dahan akong umakyat ng puno.

Okay ka lang ba? Nag-aalala kung tanong.

Okay lang ako! Sabay pahid ng luha sa kanyang mga mata.

Maari ba akong tumabi?

Okay lang!

Tinabihan ko siya sa may malaking sanga ng puno.

Alam kung hindi ka okay! Alam kung nagpapanggap ka lang.

Masyado bang halata! Kalmado niyang pagtatanong.

Oo! Hindi ka kasi marunong magdrama. Isa pa hindi mo naman kailangan gawin yon para lang sa babaeng sinaktan ka at nagpaasa sayo. Marami pa namang babae diyan na handa kang mahalin. Alam mo sabi ng tatay ko ang mga lalaki raw na umiiyak ay nagpapatunay na mahal na mahal niya ang isang babae. Which is tama naman kaya nga umiyak siya ng umiyak ng namatay ang nanay ko.

Sumeryuso naman ang mukha niya.

Ako nga! Pilit na bumangon sa pagkawala ng mga magulang ko. Bago palang namatay ang tatay ko at ang nanay ko naman ay namatay ng ipinanganak ako. Minsan nga naisipan kung magpakamatay narin sa kabila ng pag-iisa buti nalang nandiyan ang kaibigan ko para damayan ako at maging matatag ulit. Sa tingin mo ba kailangan mong maging mahina para lang maging maayos ang lahat. Di ba hindi! Kailangan mong maging matatag para labanan ang pagsubok mo sa buhay. Maari ngang sinaktan ka ng babaeng pinakamamahal mo ngunit hindi ibig sabihin non ay sumuko kana sa buhay. Paano naman ang mga pamilya mo at mga kaibigan na umaasa sa iyo.

Salamat samantha! Sa mga paalala mo hayaan mo hindi naman ako magpapakamatay. Gusto ko lang kalimutan ang aking nakaraan. Maari mo ba akong samahan dito sa paglubog ng buwan hanggang sa paglitaw ng sinag ng araw. Gusto ko kasing magsimula ng bagong bukas. Ang bukas na may masasayang alaala at magagandang pagsubok sa buhay.

Dahil nakakaramdam na ako ng antok ay sumandal ako sa puno at natulog. Naramdaman ko ang malambot niyang mga kamay na humawak sa ulo ko at dahan-dahang inaangat sa braso niya.

............................

Masaya ako sa mga narinig ko mula kay Samantha. Sana lahat ng mga babae ay katulad mo na maalalahanin sa iba.

Dahil mas lalong lumalalim ang gabi ay dahan-dahan kung hinawakan ang ulo niya saka inaangat sa braso ko at pinatong sa dalawang hita ko.

Dahan dahan kung inayos ang mga buhok niya. Halatang pagod siya dahil may iilang sinasabi habang natutulog.

Pinagmasdan ko ang dahan-dahang paglitaw ng sinag ng araw saka ako tumayo at binuhat si Samantha.

Inihiga ko siya sa kama niya dahil nakabukas ang bintana nito at doon na ako pumasok gamit ang kapangyarihan ko.

Maya-maya ay umalis na ako at pumunta sa silid ko.

Dahil hindi ako makatulog ay tinakpan ko nalang ng unan ang ulo ko saka pilit pumikit.

????????????????????????????

Abangan!

# Freedom to Vote and Comment

Gracias!

FLOWER  ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon