LOP : NEW FAMILY

109 7 2
                                    

Apat na linggo na ang lumipas ngunit nandito parin ako sa bahay nag-iisa at nakatulala. Iniisip ang mga bagay na malabo ng mangyari. Iniisip ang mga bagay na kailanman hindi na babalik. Iniisip ang mga bagay na kasama ang aking ama. Ang masaya naming tawanan, kulitan at samahan.

Namimiss ko ang tatay ko! Ang tatay ko na maalahanin, mapagbigay at mapagmahal.

Patuloy parin ako sa pag-iyak. Hindi ko nakakalimutan ang kabutihan ng aking ama.

Nakakulong lang ako sa loob ng silid ko walang ganang kumain at walang sigla ang katawan. Namamaga narin ang aking mga mata sa pag-iyak. Pinigilan ko nang umiyak noon ngunit hindi ko talaga mapigilan. Kinakain ng emosyon ang isipan ko.

Natigilan ako sa pag-iyak ng may kumatok sa pintuan ng silid ko.

Sino yan!

Ako to Samantha! kaibigan mong si Anabell. Nandito ako para damayan ka.

Okay lang ako Anabell! Maari ka nang umuwi.

Bahala ka hindi ako aalis rito kung hindi ka kakain at lalabas ng silid. May dala pa naman akong masasarap na prutas.

Kanina ko pa pinipigilan ang sikmura ko.

Salamat nalang ngunit busog pa tong tiyan ko.

Anong busog rinig ko nga ang sigaw niya sa gutom. Pakinggan mo nga.

Okay lang ako Anabell! Gusto kung mapag-isa.

Sinabihan na kita na hindi ako aalis kapag hindi ka kakain at lalabas ng silid. Kung hindi ka lalabas sisirain ko talaga ang pinto.

Binuksan ko naman ang pinto at sinalubong ng yakap ang kaibigan ko saka humagolgol ng iyak.

Ilabas mo lang yang galit sa puso mo at tuluyan mo ring makalimutan ang lahat.

Salamat bestfriend ha at dinalaw mo ako rito. Naisipan ko kasi kanina na magpakamatay nalang buti dumating ka!

Bakit mo naman naisipang magpakamatay?

Naisip ko kasi iyon dahil sa wala ng saysay ang buhay ko.

Anong walang saysay! Mag-isip ka nga Samantha! Sa tingin mo ba matutuwa ang mga magulang mo kapag nagpakamatay ka! Paano na ang mga hinahangad nila sa buhay mo.

Naisip ko naman ang ipinangako ko sa pagkamatay ni ama.

Tingnan mo nga ang sarili mo Samantha! Masyado kanang nagpapabaya sa sarili mong kalusugan. Namamaga pa yang mga mata mo at ang dungis mo pa. Magbihis ka nga! Isa pa ihanda mo na ang mga damit mo ngayong gabi.

Para saan naman Anabell?

Ano kaba kaibigan nakalimutan mo na ba! Bukas na ang pasukan sa Proffesional level. Papasok tayo sa PURPLE ACADEMY! Sabay ngiti.

Pasensya kana kaibigan ngunit hindi ako interesado sa pagpasok sa paaralang iyan. Sabay palit ng damit.

Ano kaba! Ano na naman ang gagawin mo sa bahay na ito mag-isa? Nag-iisip ka ba!

Tama ka ngunit alam mo naman na wala akong magic di ba? Kaya bakit naman ako magsasayang ng oras sa mga bagay na wala naman akong pakinabang.

Ikaw talaga kaibigan! Hindi purkit wala kang magic wala ka naring pakinabang. Marami ka paring maaring magawa na hindi kayang gawin ng iba.

Pero?...

Wala ng pero - pero basta sasama ka sa akin bukas na bukas. Heto kainin mo para bumalik ang lakas mo!

Kinuha ko naman ang dala niyang pagkain at prutas.

Kainin mo yan lahat! Dahil aalis na ako. Malinaw ang usapan.

FLOWER  ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon