LOP: MY ORDINARY LIFE

231 5 1
                                    

Samantha! Anak! Gumising kana! Tapos na akong magluto ng agahan. Kumain na tayo!

Nandito na po itay! Bababa na po!

Hi ako nga po pala si Samantha Claire Wardon. Ang nag-iisang anak ng mga Wardon. Lahat ng angkan kasi namin ay nagbubuwis ng buhay sa digmaan. Tanging ang aking ama at ina nalangbang natira sa angkan nila dahil sa araw na iyon ay nagdadalang tao ang aking ina sa akin.

Ngayon! Kaming dalawa nalang ang natira dahil namatay ang ina ko ng ipinanganak niya ako.

- kahit nakakalungkot isipin ang buhay na walang ina ay pilit paring pinatatag ng aking ama at pinaramdam ang pagmamahal ng isang magulang sa akin. Siya ang tumatayong ilaw at haligi ng tahangan namin bilang isang pamilya.

Ang saya di ba!

Kaya nga laking pasasalamat ko sa puong maykapal na binigyan niya ako ng napakabait na ama si tatay Santhio Wardon.

Anak! Ang tagal mo naman yatang makababa diyan! Mahuhuli na ako sa trabaho.

Oo nga pala! Muntik ko ng makalimutang may trabaho pala si itay ngayon. Kaya nagmamadali akong bumaba papuntang kusina.

Magandang umaga tay!

Magandang umaga rin anak! Umupo kana diyan para makakakain na tayo.

Umupo naman ako at nagsimulang manalangin sa pagkain.

Kumain na tayo anak! Pasensya kana anak ito lang ang nabili ni itay na pagkain sa bayan.

Okay lang ama! Masarap kaya ang daing na isda lalo na at isasawsaw sa puting suka.

Ikaw talagang bata ka ! Nagbibiro ka na naman.

Hindi kaya itay! Totoo kaya ang sinasabi ko!

Ohh sige na naniniwala na ako sayo! Siya nga pala anak aalis na si itay! Kaya ikaw na ang bahala rito at huwag mong kalimutang maglinis.

Opo itay!

Anong gusto mong pasalubong mamaya?

Huwag na ho itay! Nahihiya ka pang magsabi. Basta may bibilhin ako sa iyo mamaya!

Si tatay talaga oh nag-abala pa!

Nagmano muna ako kay itay bago siya umalis. Sabay sabing mag-ingat kayo itay. Huwag masyadong magpapagod sa trabaho! Ngumiti lang si itay saka umalis na.

Nakakalungkot talaga kung ikaw lang mag-isa. Hindi mo mararamdamang masaya ka na nag-iisa.

Nagtatrabaho nga po pala si itay sa bayan bilang isang magsasaka. Maliit lang ang sahod niya minsan rin ay malaki. Okay lang din yon sa amin mura naman ang mga bilihin sa bayan.

Naitanong ko nga rin kay itay kung wala ba siyang balak magkaroon ulit ng asawa. Ngunit sinagot nita lang ito ng " anak ang bilis mo naman maghanap ng ina! Ayaw mo bang mag-alaga si itay sa iyo?"

Ngayon ko lang din kasi nalaman na mahal na mahal niya si ina at kailanman hinding hindi niya ito ipagpalit sa iba. Ang bait talaga ng aking itay at napakamaaalahanin pa.

Naghuhugas na ako ngayon ng mga pinggan dahil tapos narin akong kumain. Kailangan ko pang maglinis sa buong paligid ng bahay.

Mabuti nalang at nakapagtapos narin ako ng Secondary level at tapos narin ang pambubully ng mga kaklase ko sa akin. Mahaba- haba rin ang pagtitiis na ginawa ko ng akoy nag-aaral pa sa bayan. Ngsyon hindi ko alam kung anong mangyayari sa buhay ko. Hindi ko nga rin alam kung makakapasok ba ako sa Proffesional level at makapasok sa Purple Academy.

Hindi ko kasi matiis na iwan at mawalay sa aking nag-iisang ama. Isa pa sa tingin ko mabubully lang ako doon at mapapahiya.

Halos lahat kasi ng nag-aaral roon ay mayayaman at mga kilalang angkan.

Mabuti sigurong sa susunod na pasukan nalang ako papasok isa pa hindi ko naman minamadali ang mga bagay na ito. Isa pa hindi naman tatakbo ang paaralan. Ang tanging tatakbo lang naman ay ang yong edad o gulang. Isa pa kailangan ko pang pag-isipang maigi ang mga bagay na ito.

Sa susunod na buwan na ang itinakdang pasukan at hindi ko ramdam ang pagka excited dahil malabo pang mangyari ang mga bagay na iyan.

Kailangan ko ng maglinis sa labas. Masyadona kasing maraming basura. Sa totoo lang maliit lang ang bahay namin at gawa sa native materials pero maganda.

Hindi ko naman pina pangarap na magkaroon ng malaki at magagarang bahay. Ang tanging ginusto at pinapangarap ko lang ay magkaroon ng buo at masayang pamilya.

Kailan ko kaya malaman ang kapangyarihan ko para maramdaman ko naman na may silbi ang isang katulad ko.

Masyado ng matagal akong naghihintay na lumabas ang kapangyarihan ko. Halos lahat ng paraan ay ginawa ko ngunit wala paring nangyari.

Hindi na siguro lalabas ang kapangyarihan ko.

Sa wakas at tapos narin akong maglinis ng bakuran. Magbabasa nalang ako ng aklat para naman maaliw ang sarili ko. Mahilig kasi akong magbasa ng mga aklat.

Pumasok na ako sa loob ng silid ko at kumuha ng isang aklat tungkol sa paggamit ng kapangyarihan.

Binuksan ko agad ito at saka nagsimulang magbasa. Isa lang itong maliit na libro at manipis.

Ganito pala ang paggamit ng kapangyarihan. Naka take note sa aklat na ang kapangyarihan ay nakadepende sa uri at lakas nito. Kaya paasa lang siya sa akin.

Maya- maya pa ay nakarinig ako ng mga pagsabog malapit sa bahay namin. Sumilip ako sa bintana. Nakita ko ang mga batang kapitbahay namin na naglalaro ng kapangyarihan nila. Nakakaaliw at ang saya sa pakiramdam na pagmasdan ang paglalaro nila sa kapangyarihan nila.

Nakakainggit , sana magkaroon din ako niyan! Tanging alam ko lang kasi ay ang physical at mental na kakayahan. Wala akong emotional na kapangyarihan.

Matulog na nga ! Mabuti pa sigurong managinip nalang kaysa isipin ang mga bagay na pusibling mangyari.

Zzzzzzzzzzzzzzzz..............

00000000000000000000000000

Itutuloy................

# Your freedom to Vote and Comment.

FLOWER  ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon