Chapter 6

329 8 0
                                    

Andrea's POV

Buong mag hapon ko iniisip yung sinabi ni tricia sa akin. Na baka nga eto na yung hinihintay ko na closure namin ni Do- Aish! Dapat di ko na binabanggit pangalan non eh. Paano ako makaka move on nyan?! Simula ngayon siya na so "He who must not be named."

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ko ngayon araw dumiretso na kaagad ako ng uwi kasi pagod na pagod na ko. Kahit wala naman masyado ginawa mag hapon. Para mas napagod pa ko kakaisip sa mga sinabi sa akin ni tricia. Zzz...

Pagkadating ko sa bahay, si mommy agad ang sumalubong sa kin. "Hi anak. Kamusta first day mo?" Sabi sa akin ni mommy sabay yakap. "Okay naman mom. I guess? Hehehehe." Tumawa ako pero agad ito napawi at napansin naman ito ni mommy. "Why anak? What's wrong anong nangyari?" Tanong ni mommy na alam mo nag aalala talaga. Ngumiti lang ako pero alam ko hindi ako makakapagtago kay mommy. "Anak you can tell me everything alam mo yan. Sige na dali makikinig ako." huminga muna ako ng malalim bago ako magsimula magkwento. "Hmm mommy naalala mo ba si Do- ughh!! Nakakainis." "Sino anak si donny?" "Mommy naman eh wag mo babanggitin name nya." "At bakit naman?" "Eh basta ayoko. Siya si he who must not be named." Sabay pout ko naman. At natawa naman si mommy sa reaction ko.

"Osige anak ano nangyari sa inyo ni Do- ay este! ni He who must not be named?" Kwinento ko lahat kay mommy simula umpisa hanggang doon sa mga sinabi sa akin ni tricia. Alam na alam ko na nakikinig talaga si mommy sa mga kwento ko kasi tahimik lang sya the whole time na nagkwekwento ako.

Matapos ko magkwento doon lang nagsalita si mommy. "Anak I think tricia's right eh. Don't you think eto na yung tama panahon para mag usap kayo? Don't you think eto na yung maganda at maayos na closure na hinihintay mo?" "Eh mom kasi ano eh di ko pa talaga kaya makipagusap sa kanya." Pinipigilan ko na talaga yung mga luha ko na nag babadya na bumagsak. "Bakit? Kasi nasasaktan ka pa rim dahil mahal mo pa?" Ngumiti ako kay mommy at tumango.

"Oo naman mommy. Hanggang ngayon siya pa rin. Pero alam mo mommy hindi kasi talaga kami pwede in so many ways." Pilit ako ulit ngumiti. Niyakap naman ako ni mommy. "Maybe anak you should let go. Naalala mo yung sinabi ko sayo na the more ka na kumakapit mas lalo ka lang masasaktan. Alam mo kasi anak sa love, kapag nag hohold on ka pa para lang yan hmm... nakakapit ka sa isang lubid. The more na nakakapit ka ng mahigpit mas lalo ka lang masasaktan." Sabay ngiti ni mommy sa akin. "O kaya para lang yan rubber band na pareho nyo hawak sa magkabilang dulo. Kapag bumitaw yung isa, masasaktan yung nakakapit pa rin. Gets mo ba ako nak?"

"Mom, ang hirap eh. Ang hirap bumitaw." Sabay bagsak ng luha ko. "Alam ko anak. Alam ko. Pero alam ko na kaya mo yan. Wag ka mag madali. Wag mo madaliin sarili mo. Take your time anak. Pero wag mo naman masyado pataglin kasi lalo ka masasaktan okay?" "Hay mom di ko talaga alam gagawin ko kapag wala ka. I love you!" Niyakap ko si mommy ng mahigpit. "Asus ikaw talaga bata ka nambola ka pa. I love you too anak!"

The one that got awayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon