FLASHBACK
(1st meeting ni Andrea At Donny)Third Person's POV
Nag punta si Andrea sa playground ng kanilang village ng kanyang mga kalaro na sila Maria at Albert. Habang nag lalakad sila papunta sa playground nagkwekwentuhan at nagtatawanan sila.
Nang makarating na sila sa playground, may 2 lalaki. Na duda ni Andrea ay magkapatid. Naglalaro ang dalawa ng baskteball. Mamaya maya lamang lumapit ang dalawa lalaki sa kanila ng mga kalaro nya. "Mayabang yan eh." Pabulong na sabi ni Albert. "Bakit sino ba yan?" Puno ng pagtataka na tanong ni Andrea sa kalaro na si Albert. "Si donny at benj yan. Kilala sila dito sa village natin." Sagot naman ni Maria sa tanong ni Andrea. Tinignan naman ni Andrea ang dalawa magkapatid at nagkibit balikat. "Oh I see."
Nang makalapit and magkapatid na si Donny at benj sa magkakalaro na sina Andrea, Maria at Albert ay nagkwentuhan sila about sa mga naging lesson nila sa school. Magkakaiba grade level ang mga bata. Si Andrea, Maria, Albert, at Donny ay nasa grade 6. Samantalang nasa grade 4 naman si benj.
"Alam mo ba yung average?" Tanong ni Albert kay donny. "No. Ano yun?" Sagot ni donny. "Ano ba yan bakit di mo alam yun eh magkakaparehas lang tayo ng grade." Sagot ni Maria. "Eh hindi pa nalelesson sa amin yan eh." At doon na. Doon na nagsimula ang ayaw. Ng dahil sa average nag away away sila Donny at ang kaibigan ni Andrea.
Pagkatapos ng away ni Donny at ng kaibigan ni Andrea hindi na ulit nag usap ang dalawa.
Nag usap na lang ulit ang dalawa ng tumungtong na pareho si Donny at Andrea ng JHS.