Chapter 8

249 4 0
                                    

FLASHBACK (CONTINUATION 2ND MEETING: JHS)

Third Person's POV

First day of school ni Andrea ngayon sa Brent. Excited siya kasi new school, new friends, and new life para sa kanya. Pero kay donny? Nah! Dito na talaga nag aral si donny simula pa lang. Kaya para sa kanya typical na araw lang to.

Maaga nagising si Andrea dahil sobrang excited siya. Katunayan nga naunahan pa nya yung alarm clock nya, dahil bago pa ito tumunog gising na siya. Nag ayos na si Andrea. Matapos nya mag ayos ay bumaba na sya para kumain ng breakfast.

"Good morning anak." Bati ng ina ni Andrea. "Good morning maaaaaa." Sabay beso. "Wow maganda gising mo ngayon ah? Excited ka pumasok noh?" "Oo naman ma syempre. Everything's new eh." Kumain na si Andrea ng breakfast nya at pagkatapos kumain ay nag paalam na ito sa kanyan ina. "Mommy alis na po ako ha? I love you!" Sabi ni Andrea sa kanyang ina sabay yakap. "Okay anak ingat ka I love you too!"

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Samantalang....

"Donny gising na malalate ka sa 1st day mo." Sabi ng ina ni donny. "Mom just five more minutes please." Pinabayaan na muna siya ng kanyang ina. Pero dahil nakatulog na naman ng mahimbing si donny, si hannah na ang gumising sa kanya. "KUYS! ANO BA MALELATE NA TAYO. WAKE UP NA NGA!!" Inalog alog sya ni hannah ngunit di pa rin nya magising si donny.

"Ayaw mo ha." Kinuha ni hannah yung baso sa side table ng kama ni donny at ibinuhos ito sa kapatid. "HANNAH KATHLEEN ANO BA!" Napabalikwas si donny dahil nabasa siya. "Eh kasi kuys ayaw mo magising kilos ka na nga malelate tayo sa 1st day natin." Sabi ni hannah at lumabas na sa kwarto ni donny. Bumangon na si donny at nag simula na kumilos.

Nang matapos si donny mag ayos ay agad naman siya bumaba na para makapag almusal. Pag baba niya ang sama na ng tingin sa kanya ni hannah. "Dalian mo na kumain kuys ang bagal bagal mo kumilos." Sabi ni hannah. "Good morning mom and dad." Bati ni donny sa kanyang mga magulang sabay beso. "Sige na anak dalian mo na kumain at malelate na kayo." Sabi ng kanyang ama. Nag madali naman si donny sa pag kain. Nang matapos na kumain si donny ay agad naman na sila umalis ng kanya mga kapatid.

Pag dating sa school, agad naman hinanap ni donny ang mga kaibigan nya. "What's up bro." Bati ni Iñigo sa kanya. "Kamusta bro?" "Eto okay naman dami new students ngayon noh?" Sabi ni iñigo habang pinagmamasdan ang iba pa mga kamag aral na padating pa lamang.

Habang nililibot at inoobsebahan ni donny ang paligid. May nakita siya babae pamilyar sa kanya kaya naman napaisip siya. Tinignan nya ng maigi yung babae. "Bro sino ba yan? Kilala mo ba yan kanina mo pa tinitignan eh." Sabi ni Iñigo. "Siya yung babaeng nakaaway ko sa playground nun." Pabulong na sabi ni donny. "Weh? Enemies pa rin ba kayo ngayon nyan tagal na nun ah?" "Gumanda siya lalo." Sabi ni donny habang nakatitig sa babae. "Ay wow bro layo ng sagot ha? Tinamaan ka na agad diyan?" Napailing at napangiti na lamang si iñigo.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Habang nag lalakad si Andrea papasok ng brent napansin niya na may lalaki na kanina pa nakatingin sa kanya na para bang inoobserbahan siya. Tinignan niya ng mabuti yung lalaki at pamilyar ito sa kanya. Napaisip siya.

Nang bigla...

"Shet siya yung lalaki nakaaway namin nila Maria at Albert sa playground nung elementary kami." Pabulong na sabi ni Andrea. Hindi ineexpect ni andrea na makikita nya ulit yung lalaki yun. At schoolmate pa pala nya. Baka nga maging classmates pa pala sila. Iniisip pa lang niya eh naiinis na siya. Dahil hanggang ngayon inis pa rin siya.

*end of flashback*

The one that got awayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon