WARNING: ETO NA HEARTBREAKING TO CHAPTER NA TO SO BRING TISSUE OKAY?Andrea's POV
Umuwi na kami ni Tricia after namin makita si Donny sa mall na may kasama babae. Sobra ako nasasaktan kahit alam ko na wala na naman ako karapatan. dahil wala na naman kami. Pagdating namin sa bahay ay dirediretso ako papunta sa kwarto ko. Sinundan naman ako ni Tricia. Pag dating na pagdating ko sa kwarto bumuhos na naman ang aking mga luha. "Andeng." tawag sa akin ni Tricia. "Kung iniisip mo na wala ka karapatan masaktan dahil wala ng kayo pwes mali ka. May karapatan ka pa rin kasi feelings mo yan. hindi mo naman kontrolado yan eh." sabay yakap ni Tricia sa akin. "Sobrang sakit." sabay hikbi. "B-bakit ba k-kami humantong sa g-ganito?" hinayaan lang ako ni Tricia umiyak ng may biglang kumatok.
"Anak, may bisita ka." pag bukas ni mommy ng pinto ngumiti siya sa akin tila ba alam na niya kung bakit ako umiiyak. "Si Donny nasa baba. gusto ka daw makausap. Maybe ito na yun anak. you two should talk." pinunasan ko ang luha ko at tumango. "Sige mommy pasabi susunod ako." nginitian naman ako ni mommy bago siya bumaba. Tinignan ako ni tricia. "Go. kaya mo yan. palayain mo na yung sarili mo sa mga sakit na naramdaman mo for the past 4 years. deserve mo yun." sabay ngiti at yakap. "Sige na mag ayos ka na. Uuwi na rin ako, tawagan mo ko if you need anything okay?" tumango naman ako at umalis na siya.
Pag alis ni Tricia ay inayos ko na yung sarili ko. Nang kuntento na ko sa ayos ko ay bumaba na ko. Nakita ko si Donny sa garden nakaupo. Naglakad na ko papunta sa kanya. Agad naman niya napansin ang presensya ko. "Andrea, let's talk." sabi ni Donny. Tumango naman ako at umupo sa harap niya. "I don't know how to start Andrea. I really don't know. Kasi maniwala ka man o hindi nasaktan din ako nung iniwan kita 4 years ago." malungkot siya ngumiti. hinayaan ko lang muna siya magsalita dahil alam ko madami siya gusto sabihin. "Hindi ko ginusto na iwan ka, pero kasi kailangan. kailangan ko mamili between you and my family. Alam mo naman na nung time na yun diba na may problema kami sa family?" tumango ako. "Ayoko kasi dumating sa point nun Andrea na napagbubuntungan kita ng frustrations ko, ng inis ko dahil sa mga problema ko nun. Ayoko din umabot sa point na nawawalan na ko ng time sayo. which is na nangyari na nga. Hindi rin totoo na hindi na kita mahal kaya ako nakipaghiwalay noon. sinabi ko lang yun. kasi alam ko hindi ka makikipaghiwalay sa akin."
"Dahil lang doon donny? dahil lang doon iniwan mo ko? grabe donny girlfriend mo ko nun eh. Kahit di mo sabihin sa akin handa naman ako damayan ka sa mga problema mo noon. Pero di mo ko hinayaan gawin yun eh. ikaw lang nagdesisyon noon para sa relationship natin. na dapat tayo dalawa yun eh. dapat tayo dalawa yun nagdedesisyon. S-sana diba t-tinanong mo muna ako kung nahihirapan ako noon?!" sabay tulo ng luha ko. "Kasi donny kahit nahihirapan ako mas gugustuhin ko pa din mag stay sa tabi mo kasi putangina mahal na mahal kita eh. at ang sakit sakit kasi nag patalo ka sa mga problema mo noon. to think na pati relationship natin hinayaan mo masira nung problema na yon."
Niyakap ako ni Donny habang tuloy pa rin sa pag agos ang mga luha ko. "Andrea I loved you, so much." putangina ang sakit loved past tense. "Hindi mo ba napapansin noon na sobrang toxic nung relationship natin 4 months bago tayo nag hiwalay noon. Puro tayo selosan at away." umiiyak na din si Donny." Ayoko k-kasi umabot sa point na i-isang a-araw pag gising ko wala na ko pagmamahal na nararamdaman para sayo. Ayoko nun." Sabay iling ni Donny. Hindi pa din ako makapagsalita. Kasi at some point tama siya... Naging toxic nga relationship namin. Nagsalita si Donny ulit. "That's why I decided na makipagbreak sayo noon. kasi habang pinapatagal natin yung relationship natin nun mas lalo lang tayo nagkakasakitan. Isa pa gusto ko mag grow muna tayo as a person." paliwanag ni Donny.
Naiintindihan ko naman pinanggagalingan niya. baka nga we really to break up para mag grow. "I am so sorry Donny. kasi naging selfish ako." ngumiti ako ng malungkot. "Don't be sorry Andrea. It's not your fa-" pinutol ko muna yung sasabihin ni Donny. "Let me finish first, listen to me. I'm sorry kasi nung naghiwalay tayo sarili ko lang inisip ko. kasi nasaktan ako eh, hanggang ngayon donny inaamin ko ang sakit sakit. 4 years na nakalipas pero yung sakit nandito pa rin." sabay turo sa dibdib ko. "Hindi ko naisip na baka nasaktan ka din, hindi ko inisip kung ano naramdaman mo nung mga panahon na yun. Masyado ako naging busy sa pain na nararamdaman ko nun. Sorry." pinunasan ni Donny yung mga luha na bumabagsak galing sa mata ko. Nagsalita ulit ako. "Nung nakita kita kanina na may kasama ka iba, nasaktan ako. pero alam ko wala ako karapatan eh. pero pakshet hindi ko maiwasan na masaktan kasi hanggang ngayon ikaw pa rin talaga eh. Pero baka kaya nga din tayo nag break, kasi we both needed this, kasi we still need to grow that time." "I guess time has been our strong suit." Malungkot na ngumiti si donny. "I definitely agree dons." sabay kami tumawa ni Donny. "Can I ask something dons?" "Ano yun?" "The girl that I saw with you awhile ago, you two are dating?" tumango naman si Donny. "Then can I ask you a favor for the last time?" "Anything." sabi ni Donny.
"Can you say I love you even if you don't mean it?" tinignan lang ako ni donny sabay yakap. "I love you donny." sabi ko kay Donny. Niyakap nya ko ng mahigpit. "I love you andrea, so much." sabi ni donny. Those words, sinabi niya ulit yun like he used to. sobrang sakit kasi eto na yung last time na maririnig ko yun. Mas masakit kasi alam ko hindi na yun ang nararamdaman niya.
Pinunasan ko yung luha ko and for the last time tinignan ko si Donny. "Sige na donny, anong oras na. Mag iingat ka palagi ha." "Ikaw din mag iingat ka palagi. And I'm looking forward na someday, we can be friends. kapag okay na tayo pareho. kapag maayos na lahat. kapag wala ka na sakit na nararamdaman. And I am praying and hoping na that the day will come." sabi ni Donny.
For the last time, niyakap namin ang isa't-isa. kinalas ko na yung yakap ko at nag lakad na palayo....
I guess, Donny and I will always be unfinished business.