CHAPTER 2

34.7K 847 21
                                    

Jin

Busy ako sa pag pirma ng papelis dito sa office ko at patingin tingin na din sa landing area ng Lee Airlines.

Huminga ako nang malalim dahil naalala ko na naman ang pag tanggi ni Fyonna sa akin kanina. Well, I can't blame her because it's a family thing.

"Woah, anong hangin ang pumasok sa utak mo at lutang ka yata ngayon?" Nag angat ako nang tingin sa kakapasok pa lang na si Joseph. Hindi ko man lang narinig na may papasok pala sa office ko.

This is bad. Really bad.

"Anong hangin din ang dumaan at napunta ka dito?" Umupo si Joseph sa sofa at nag patuloy naman ako sa pag pirma.

"Tambay lang. Sumasakit na ulo ko sa kapatid ko eh" Nag angat ako ng tingin kay Joseph at tumigil muna sa pag pirma.

"Matagal na akong walang naririnig sa kapatid mo ah. Kamusta na pala si Senna?" Sumama ang timpla ng mukha ni Joseph kaya naman kumunot ang noo ko.

"Ayon, sunod sunoran pa rin sa boyfriend niya. Mas gusto ko pa nga si Armando Fonsi para sa kanya kesa naman sa addict niyang boyfriend ngayon" Natawa ako at pinirmahan ang huling papel tsaka ako pumunta sa sofa na nasa harap ni Joseph at doon umupo.

"Isa sa Eagle si Armando Fonsi ah. Bakit siya?" Humiga si Joseph sa sofa at pinatong ang isang braso niya sa noo niya at sinagot ang tanong ko

"Dahil alam kong matagal nang may gusto si Armando sa kapatid ko"

Fyonna Marie

Nag hahanda ako nang damit ko para mamaya at sakto naman na dumating si Ligaya dahil may alam siya sa pag aayos ng buhok at pag mamake up.

"Alam mo ate Fyonna, masama ang kutob ko sa family dinner niyo" Nag kunot noo ako kay Ligaya dahil sa sinabi niya. Ligaya is just 24 years old at ako naman ay 29 kaya ate ang tawag niya sa akin.

"Bakit naman masama ang kutob mo?" Tanong ko habang nag sha-shave ng binti ko, tumabi si Ligaya ng upo sa akin at umakto na parang manghuhula at hinahawakan pa talaga ang ulo niya. Parang baliw.

"Ah basta ate Fyonna! Iba ang kutob ko sa family dinner na iyan" Sabi niya at sumimangot. Natutuwa talaga ako sa babaeng ito, dahil kasi sa pangalan niya at ugali niyang magka-ugnay. Ligaya.

"Kulang ka lang sa tulog dahil diyan sa kaka-facebook mo" Natatawang sabi ko dahilan ng pag simangot niya lalo.

"Quite it Ligaya, hihilahin ko iyang nguso mo" Mabilis na tinakpan ni Ligaya ang bibig niya at umalis na dito sa banyo kung saan ako nag sha-shave ng binti

"Bilisan mo ate Fyonna!"

---

"Aray naman Ligaya! Huwag mo naman higpitan ang pagkakatali!" Ang sakit ng anit ko, grabe naman kasi makatali ng buhok tong si Ligaya eh halos tanggalin na buhok ko.

"Huwag ka na kasing pumunta ate Fyonna. Promise masama talaga ang kutob ko sa dinner niyo" Umismid ako kay Ligaya dahil sa pagiging pekeng manghuhula niya.

"Tama na to, salamat. Ikaw na mag lock ng bahay pag labas mo okay?" Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi sabay wagayway ng susi ko sa kotse.

"Sige bye. Dito naman ako matutulog" Tumango lang ako at lumabas na ng bahay tsaka ako pumasok sa kotse at pinaandar na agad, dahil ilang minuto nalang at malalate na ako sa dinner.

Pag dating ko sa Meniotios Restaurant ay sinalubong ako ng isang assistant.

"Reservation ma'am?" Ngumiti ako sa assistant

"Casanova Family" Tumango ang assistant at iginaya ako sa table nila mama na ikinataka ko dahil hindi lang pang-tatlohan ang pinili nilang mesa, at nandoon din si Cleassie.

"Mama, papa, Cleassie" Tumayo si Cleassie at nakipagbeso sa akin, ganoon din ang ginawa ko kay Mama at Papa bago maupo sa tabi ni Cleassie.

"Anong meron at kulang nalang ang parents ni Cleassie ay matatawag na itong reunion" Natatawang tanong ko, nag taka na naman ako ng hawakan ni Cleassie ang kamay ko at hinila ako patayo.

"Tita, mag papasama po ako kay Marie mag CR" Hindi pa hinintay ni Clea sila mama at sumagot ay hinila na niya ako paakyat sa hagdan na ang alam ko ay papuntang office to ng owner.

"May pag uusapan tayo Marie, dahil sigurado na talaga ako na wala kang alam dito" Pumasok kami sa isang pinto at nabungaran namin ang asawa niyang si Baxter at si Noe na may-ari ng Restaurant na ito.

"Ano ba ang hindi ko alam?" Nag tatakang tanong ko

"Ipagkakasundo ka ni tita sa isang mayaman na negosyante–"

"Wait, what? What the fuck?" Putol ko kay Cleassie sa mga sasabihin pa niya,

"Paano magagawa ni mama iyon? Are you serious about this Cleassie? Saan mo iyan nalaman?" Huminga ng malalim si Clea at sininyasan si Baxter

"Listen Fyonna, We heard your mother while talking to someone and she just mentioned that you will marrying a rich businessman in order to revive your family's company" Baxter said

Napahawak ako sa sintido ko at umupo sa malapit na sofa,

"Water" Tinanggap ko ang isang baso ng tubig na binigay ni Noe at ininom iyon sa isang lagok lang

"Paano iyon nagawa ng mama ko?, Ibig sabihin ang dinner na 'to ay isang meeting para sa fix marriage?" Nanghihinang tanong ko sa kanila

"Exactly" Sagot naman ni Noe at tumango sa akin. Nabaling ang attention namin sa pinto dahil sa pag pasok ni Faith buhat buhat ang anak niya.

"Fyonna, nandiyan na ang bisita niyo ng family mo. Better go down and greet them" Pumikit muna ako sandali at inaya na sila Cleassie at Baxter na bamaba.

Jin

"Pwede ba Jin, huwag ka ngang istorbo dito sa bahay ko. Lumayas ka na dahil natatakot si Barbie sa mukha mong pinag sakluban ng langit at impyerno" Hindi ako nakinig kay Lelantos at tinaasan lang siya ng gitnang daliri

"Ano ba kasing problema mong tangina ka?" Umingos lang ako saglit at mimulat ko ang mata ko

"Tinanggihan ni Fyonna ang alok ko" Tamad kong sagot at gumulong sa kama ni Lelantos

"You mean, Fyonna Marie Casanova? Tiger's Cheerleader? Woah weirdo, you have a thing on her?" Mabilis akong umiling kay Lelantos at gumulong na naman sa kama niya

"Stop it Jin, wala na akong mahigaan" Umupo ako at humarap kay Lelantos

"How to get a woman?" Tumawa si Lelantos at inabot sa akin ang kanina niya pang kaharap na laptop.

"Google mo gago."

Tiger 4: Jin Lee (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon