EPILOGUE

35K 1K 42
                                    

Fyonna Marie

Busy ako sa pag hihiwa ng gulay sa kusina nang pumasok ang dalawang anak ko na nag papasahan ng bola,

"Mom, pwede ba kaming lumabas?" Tanong ng isang anak ko na Cliifinn, pinunasan ko muna ang kamay ko at humarap sa kanilang dalawa na nakacross arms kaya tumigil sila sa pag papasahan ng bola.

"Saan naman kayo pupunta?" Tanong ko at nagkatinginan naman silang dalawa ni Cliiford,

"Sa labas lang mom, mag lalaro ng basketball" Huminga ako ng malalim at tumango sa kanilang dalawa.

Agad akong niyakap ng mga anak ko,

"Thanks mom! You're the best!" Tapos ay nag takbohan na sila palabas kaya bumalik na ako sa pag hihiwa ng gulay.

Naging maayos ang lagay nila Cllifinn at Clliford pero nung baby pa sila ay naging mahirap para sa amin ni Jin, lalo na kay Clliford.

Ngayon ay 15 years old na sila at mahilig silang mag laro ng basketball sa labas ng bahay kasama ang mga kaibigan nila.

"Cheer, okay lang ba na mag laro sila sa labas? baka mapano sila" Nilingon ko si Jin na kakarating lang at naka-pangopisina pa.

"Hindi naman pwede na lagi natin silang pinagbabawalan sa gusto nila Jin, mga binata na sila" Yumakap si Jin mula sa likoran ko at hinalikan ako sa pisnge kaya napangiti ako.

"Mamaya na yan, tara sa labas" Tumango ako at iniwan ang ginagawa ko para pumunta kami sa labas.

Naabotan namin ang anak namin pati na rin nila Noe, Dylan at Baxter na nag lalaro ng basketball ball

"Pasa dito Dads!" Kumunot ang noo ko at tumingin kay Jin.

"Dads?" Natawa si Jin at lumapit sa mga nag lalaro kaya sumunod na rin ako

"Hey boys, what's up with Dads?" Tawag pansin ni Jin at nagsilapitan naman sila

"Dads po tito, tawagan namin yan. If you're a boy then we should call you Dads, if you're a girl then we'll call you Mads" Natawa ako ng wala sa oras, ang corny naman ng call sign nilang magkakaibigan.

"Mas maganda pa tawagan namin ng mga daddy niyo eh" Sabi naman ni Jin at inagaw ang bola tsaka nag shoot

"What uncle? That weirdo? Oh come on uncle, our call sign is better than yours and others. Weirdo is disgusting" Natawa ang anak namin ni Jin at tinapik siya sa balikat nito

"Agree Daddy, our call sign is better" Napakamot ng ulo si Jin lumapit sa akin.

"Hindi ako makapaniwala na gumagawa na sila ng groupo. Sinabihan pa na disgusting daw ang tawagan namin ng mga daddy nila" Hinaplos ko ang pisnge ni Jin at hinapit naman siya ako sa bewang.

"Hayaan mo na, mahal naman kita" Nakangiting sabi ko at ngumiti din si Jin,

"Mahal din kita Cheer"

Tiger 4: Jin Lee (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon